Chapter 25

1.1K 41 2
                                    

Zyle POV

"Ano na naman?" pabalang kong sabi sa kausap ko ngayon.

"Galit ka na naman? Di mo ba ako namiss?" paawa niyang sabi. Napabuntong hininga ako dahil dun.

"Pwede ba Celestine kung wala kang importanteng sasabihin wag mo akong tawagan"

"May sasabihin ako"

"Ano?"

"Namove ang date ng alis natin papuntang Canada so bale next 2 months na ang alis natin!" excited niyang sabi.

No..

Napapikit ako at napabuntong hininga. Masyado pang maaga para iwan siya.

"May ginawa ka na naman no? Anong nangyare at nabago ang date? Akala ko ba sa 5 months pa tayo aalis?" seryoso kong sabi.

"Wala akong ginawa no! And duh ayaw mo nun? Magkakasama na agad tayo sa Canada ng walang Shainne na lumalandi sayo."

"Hindi.Niya.Ako.Nilalandi." madiin kong sabi.

"Whatever. So kita tayo mamaya ha? I love you!"

"Ge bye." Napahilot ako sa sentido ko dahil dun. Paano ko ito eexplain sa kanya?

Bumalik ako sa room at nakita kong nakatulala siya.

"Shainne. May problema ba?" tumingin siya sakin at umiling saka ngumiti.

"Wala naman."

"Hmm. Tara? Balik na tayo sa room?" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

"Sige."

***

Uwian na at naguumpisa na akong ayusin ang gamit ko.

"Shainne!" narinig kong sigaw ni Luke.

"Bakit?" sagot ni Shainne.

"Tara hatid kita sa inyo? Sabay na tayong umuwi."

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Luke kay Shainne.

Napabuntong hininga ako habang pinipigilan ang galit na lumukob sa akin.

Tumayo ako at lalapit na sana kay Shainne ng bigla kong naramdaman na may humawak sa braso ko.

"Zyle tara na uwi na tayo?" nakangiting sabi ni Celestine.

Tumingin ako kay Celestine saka ako napatingin kay Shainne. Nakatingin siya sa braso kong hawak ni Celestine at tumingin sa akin saka nagiwas ng tingin.

"Tara na Luke bilisan natin baka abutin pa tayo ng traffic." mabilis na sabi ni Shainne at mabilis na lumabas ng pinto. Hinabol naman siya ni Luke.

Damn!

"Zyle?" sabi ni Celestine habang nakatitig parin ako sa pintong nilabasan ni Shainne.

"Zyle!"

"What?!" pasigaw kong sabi at nakita ko na nanunubig na ang dalawang mata ni Celestine. Eto na naman siya!

"S-sinigawan mo ako.." naluluha niyang sabi.

"Bingi ka ba? Oo sinigawan kita." sabi ko at kinuha ang gamit ko at mabilis na sinundan si Shainne.

Shainne POV

Nandito kami sa bench. Naghihintay ng sasakyan. Hays sana may dumating na ng makauwi na kami agad at hindi abutan ng traffic!

"Shainne?" napalingon ako sa gilid ko. Shems! Muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako.

"Yes?" sabi ko at ngumiti ng bahagya.

"G-gusto ko lang sabihin na--"

"Uy may bus na tara pumasok na tayo baka maunahan pa tayo." sabi ko at mabilis na tumakbo sa bus. Nakita ko naman sa likod ko na humabol sa akin si Luke. Hala teka! Hindi ko pala narinig yung sinabi niya.

Jackson POV

Nandito ako sa tapat ng gate hinihintay na lumabas si Celestine.

Pero iba ang lumabas. Si Florelle.

"J-jackson.." nakayukong sabi niya.

"Oh?" sabi ko habang blanko parin ang tingin.

"A-ano eto pala yung p-project mo.. tapos ko na, sana magustuhan mo.." may kinuha siya sa bag niya at inabot sa akin ang project na pinapagawa ko sa kanya.

"Sige salamat pwede ka ng umalis." sabi ko at tinanggap ito.

"M-may assignment daw tayo. G-gusto mong gawan kita?" nakayuko niyang sabi.

Tumango na lang ako bilang tugon at nakita naman niya iyon.

"A-ah sige alis na ako.." sabi niya at umalis sa harapan ko.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko siya inuutusan na gawin ito. Hindi ko siya pinipilit. Siya ang nagkusa. Kaya pumapayag na lamang ako. Masamang tanggihan ang grasya ika nga nila.

Gumuhit ang malaking ngiti sa aking labi ng makita ko si Celestine.

"Celes--"

"Don't talk to me!" pasigaw niyang sabi at nilagpasan ako.

Napabuntong hininga ulit ako. Hanggang ngayon. Gusto ko pa rin siya. At hanggang ngayon umaasa pa rin ako.

***

Mabilis akong nagtungo sa bench at nakita ko nga na nandito si Shainne at Luke mukhang hindi nila kami napapansin.

Napansin ko naman na may tao sa dulo at tama nga ang hinala ko. Si Zyle to. Nakatitig lamang siya kay Shainne.

Napailing ako.

Nakita ko nga na may dumating na bus at agad agad na tumakbo dito si Shainne pati si Luke.

Nakita ko ngang humabol si Zyle pero puno na ang bus kaya sinaraduhan siya nito.

"Fuck!" malakas na mura nito.

Natatawa naman akong lumapit sa kanya.

"Kamusta bro?" sabi ko at umakbay sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng matalim.

"Don't call me bro." sabi niya ng seryoso.

Naging seryoso naman ang mukha ko saka humarap sa kanya.

"Kaya pala badtrip si Celestine kasi nandito ka para kay Shainne huh?"

"Wala kang pakielam." seryoso niyang tugon.

"May pakielam ako dahil si Celestine ang pinaguusapan dito!" pasigaw kong sabi.

"Pwede ba? Manahimik ka na lang! Gusto mo si Celestine? Go! Agawin mo siya sa akin. Kausapin mo magulang namin at magvolunteer ka na ikaw ang pakasalan! Ipaglaban mo siya! Wag kang duwag!" pasigaw niya ring sabi saka umalis sa harapan ko.

Napabuntong hininga ako. Duwag ba ako? Yes duwag ako. Torpe pa. Napakawalang kwenta kong tao.

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon