Shainne POV"Wala no. Atsaka hindi pa ba tayo magpapalit? Akala ko ba gusto mo ng maligo?" nakangiti niya ng sabi.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napaparanoid lang siguro ako. And also. Birthday ni Zyle ngayon. Dapat maging masaya kami sa araw na ito.
"Sige. Tara na Zyle magpalit na tayo." nakangiti ko na ring sabi at sabay kaming naglakad ni Zyle patungong Hotel para magpalit.
Florelle POV
Nandito ako sa mall. Naghahanap ng pwedeng pangregalo para kay Zyle at syempre kay Shainne.
Mag-isa lang akong bumili kasi nagpaalam sa akin si Shainne na magdidate daw sila ni Zyle ngayon pero pinagbilin niya sa akin na wag ko daw sabihin kahit kanino. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero binabaan niya lang ako ng telepono. Grabe ang bait niya talaga sa akin. Kaya eto ako. Walang kasama.
Naglibot libot ako ng mapako ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki.
Si Jackson kasama si Lorraine. Teka? Bakit magkasama sila ng pinsan ko?
Hindi ko alam pero unti unti na namang namumuo ang luha sa mata ko kaya napatingala ako upang pigilan ito. Anong magagawa ko? Mahal ko si Jackson pero alam kong hindi niya ako mahal. Ako lang ang nagmamahal at pinapaasa ko lang ang sarili ko.
"Nakakainis.." bulong ko habang nakatingala pa rin.
"Nakakainis talaga dahil pinipigilan mo na naman ang luha mo." nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko.
Si Clarence.
Humarap ako sa kanya at pamewang na nagsalita.
"Alam mo para kang kabute. Bigla bigla ka na lang sumusulpot. Ginugulat mo pa ako." sabi ko at inirapan ko siya.
"Gwapong kabute. And also maganda nga yun diba nagulat ka hindi na sa kanila ang atensyon mo. Nasa akin na." nakangiti niyang sabi pero inirapan ko ulit siya.
"Ewan ko sayo. Manahimik ka nga. Nakakabadtrip mukha mo." sabi ko at naglakad ng mabilis.
"Teka teka hintay. Ano palang bibilhin mo at nandito ka? Atsaka sa mukhang to? Nababadtrip ka? Ang gwapo ko kaya." natatawa niyang sabi at tumabi sa gilid ko.
"Atsaka bakit wala kang kasama? Diba lagi kayong magkasama nung Shiela ba yun?" napatingin ako bigla sa kanya.
"Anong Shiela! Shainne yun okay!" pasigaw na sabi ko.
"Easy. Edi Shainne. So nasan nga siya? at hindi ka nasamahan?" natatawa niyang sabi.
"Tanga isasama ko siyang bilhin ang regalo niya? Commonsense naman. And also magkasama sila ni Zyle ngayon no."
Napahinto ako bigla dahil sa nasabi ko. Hala!
"Magkasama sila ni Zyle?" nagtataka niyang tanong.
"Ah-ha! Syle! Hindi Zyle. Hindi ka lang pala makakalimutin. Bingi ka pa pala. Ha-ha-ha!" peke kong tawa. Sana hindi niya mahalata.
"Syle? Sino naman yun?" nagtataka niyang tanong.
"Pi-pinsan niya!" nakangiti kong sabi.
"Ahh. Pinsan niya." tumango tango niyang sabi.
"Pwede ba kung mamemeste ka. Wag ako. Diyan ka na nga at may bibilhin pa ako." naiirita kong sabi.
Pero sadyang makulit siya dahil hanggang sa pagtapos kong bumili ng mga regalo ay nakasunod pa rin siya sa akin na parang aso.
"Hindi ka ba titigil sa kakasunod sa akin?" humarap ako sa kanya.
"Nagugutom na ako. Di ka pa ba nagugutom?" change topic niya pagkatanong niya iyon ay doon ko lang naramdaman ang gutom sa tyan ko.
"Nagugutom na nga ako tara kain tayo." sabi ko at nagsimula ng maglakad.
Shainne POV
"Tara baba na tayo." excited na yaya ni Zyle at lumabas ang napakaganda niyang ngiti.
Napangiti na lang ako dahil masaya siya ngayon.
"Sige tara na!" tumalon talon ko pang sabi.
Ngumiti ulit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka pinagsiklop ito.
Nakasummer trunks kami pareho dahil yun ang gusto niya. Ewan ko ba tong alien na to.
Nagsimula na kaming maglakad at pumunta sa elevator.
Saktong kami lang dalawa ang nasa loob.
"Zyle anong gusto mong regalo?" tanong ko bigla sa kanya. May regalo naman na ako pero gusto ko lang malaman.
"Ikaw." sabi niya ng nakangiti pa rin pero sa harap lang siya nakatingin.
Bigla naman akong namula dahil doon.
"Ano ka ba Zyle seryoso ako." sabi ko at medyong natawa pa.
"Seryoso naman ako ah. Seryoso sayo." this time seryoso na ang mukha niya.
Ngumiti na lamang ako at tumingala. Sana nga Zyle.. Sana nga.
"Ikaw? Anong gusto mong regalo?" tanong niya at lumingon sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Ewan hindi ko rin alam kung anong gusto ko kasi nabibili ko naman lahat ng gusto ko. Siguro, sana magiging masaya na lang tayo at walang problemang darating." sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Maganda yang hiling mo." sabi niya ng nakangiti pero parang may lungkot sa kanyang mga mata.
Bakit Zyle? Bakit?
"May problema ba?" hindi niya na nasagot iyon dahil biglang tumunog ang elevator sign na nandito na kami.
Bumaling siya sa akin at ngumiti.
"Tara na?" sabi niya ng nakangiti at nilahad ang kamay niya.
Tinanggap ko naman ito ng nakangiti din at masaya kaming lumabas sa elevator.
****
Ang ganda ng panahon ngayon. Maaliwas at malakas ang simoy ng hangin. Malalakas din ang bawat hampas ng alon sa dagat.
Lalo na at tumatakbo kami ngayon ni Zyle habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko talaga maiwasang ngumiti lagi.
"Bilisan mo naman!" natatawang sabi niya.
"Ang bilis mo kayang tumakbo! Sumakit tuloy paa ko." sabi ko at huminto ako bigla kaya napahinto rin siya.
Malapit na kami sa dalampasigan pero gusto ko lang talaga magpabebe ngayon.
"Okay lang yan malapit naman na tayo oh." sabi niya at hinila hila pa ang kamay ko pero di ako gumagalaw.
"Masakit na nga paa koo. Pasan mo na lang ako!" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Gusto mo lang pala magpabuhat dami mo pang sinasabi." sabi niya at tumawa pa ng mahina bago umupo sa harap ko.
Masaya akong sumampa sa kanya at niyakap ang leeg niya.
"Takbo ka ah tapos bilisan mo!" sabi ko at humarap sa gilid ng mukha niya at hinalikan ito.
Tumingin naman siya sa akin at gamit ang isang kamay niya ay pinisil niya ang pisnge ko habang ang isa niyang kamay ay nakayakap sa isang paa ko.
"Ang kulit mo talaga. Sige tatakbo ako basta humawak ka lang mahigpit okay. Isa, dalawa, tatlo!"
BINABASA MO ANG
Perfect Playmate (COMPLETE)
Teen Fiction#1 in blackpink WARNING: MEDYO MAGULO ANG WRITINGS KO DITO BECAUSE FIRST STORY KO PA LANG HEHE What if playboy meets playgirl? And they fell inlove with each other? Magiging matibay ba ang kanilang relationship kung pareho sila ng hobby? O kaya tul...