Chapter 21

1.2K 58 1
                                    

Shainne POV

Nagcommute lang ako na pumasok sa school. Day off ng driver namin ngayon at hindi ako marunong magdrive dahil dyosa ako kaya dapat may driver ako.

Pagdating ko sa school ay puro chismis agad ang sumalubong sa akin.

"Engaged na pala si Zyle!"

"Oo nga sayang!"

"Hindi sila bagay ni Celestine!"

"Mas bagay kami! Hihihi"

"Kami kaya mas bagay!"

Tao kayo bitches. And I'm goddess.

Nalaman na rin pala nila ang bad news na yan. What do I expect? Sila ang may-ari ng school na to. Kaya hindi na ako magugulat.

Pagdating ko sa room, mukha agad ni Florelle ang bumungad sa akin.

"Beshiee!!" -Florelle

"What?"

"Alam mo b--" -Florelle

"Di ko pa alam"

"Ano ka b--" -Florelle

"Dyosa"

"Ano ba! Patapusin mo na nga ako! Alam mo ba si Zyle at Celestine engaged na? How come? Hindi ba dapat kayo yun? Ha?" -Florelle

Hindi nga pala alam ng babaeng to na hindi na kami engaged ng Zyle na yun.

"It cancelled"

"What?! Hays.. Teka hindi ka affected? At bakit ang bilis naman ata na palitan ka?" -Florelle

Nagkibit balikat na lang ako at tiningnan ko siya ng blanko. Ako hindi affected? Eh halos gusto ko ng patayin ang babaeng yun! Hindi talaga ako affected! Kainis.

Hindi na siya nagsalita pa at dumating na ang prof namin. Maya maya ay dumating na si Zyle. Nakalimutan ko nga palang classmate ko ang alien na to at seatmate ko pa. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Letche.

Hindi ko siya pinansin hanggang magbreak time dahil ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko.

Pagkalabas ko ng room ay mukha agad ni Celestine ang bumungad sa akin. Nginisian niya ako pero inirapan ko lang siya.

"Hi Zyle ko! Tara sabay tayong maglaunch!" sabi niya at hinila si Zyle na nasa likod ko lang pala.

Zyle ko. Yak.

Normal lang ang daloy ng araw ko ngayon hanggang sa maguwian na.

Paglabas ko ng school ay huminto muna ako sa isang bench na malapit sa school at umupo. Kainis, Wala akong dalang payong! Kaya nagdesisyon na lang ako na maghanap ng taxi.

Habang lumilinga linga ako sa kanan at kaliwa ko para maghanap ng taxi ay napansin ko ang isang lalaking nakaitim na jacket at cap na kanina pa ako pinagmamasdan. Tumindig ang balahibo ko dahil dun. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ulit sa paligid para ipagpatuloy ang paghahanap ng taxi. Bakit ang tagal ng taxi?!

Nilabas ko ang pouch ko para kunin dun ang cellphone ko at magpasundo na lang kay Luke.

Pero sa kamalas malasan. Naholdap pa.

"Fvck! Give me my phone!"

Hindi ko na siya mahabol pa dahil pagkatapos niyang mahablot ang cellphone kasama ang pouch ko na may pera sa loob para sa pamasahe ay mabilis siyang tumakbo. Nah! Not my phone! Maraming important contacts dun!

Kainis. What a bad day! Ano ng gagawin mo ngayon Shainne ha? Malapit ng magdilim! Letche.

Kaysa magstay ako dun hanggang magdilim ay nagdesisyon na lang akong maglakad sa gitna ng ulan pauwi. Kung tinatanong niyo kung bakit hindi ako tumatakbo dahil sabi nila mas mababasa ka sa ulan kapag tumatakbo ka.

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon