Chapter 33

945 38 6
                                    

*So I decided na palitan ang age nila.

Florelle - 22
Shainne - 22
Lorraine - 22
Celestine - 23
Zyle - 23
Jackson - 23
Luke - 23
Clarence - 24

And also graduating na sila : ) Sorry kung binago ko ang iba at ngayon ko lang sinabi ang iba. As you can see wala naman talaga akong balak tapusin to kasi trip ko lang magsulat pero ngayon tatapusin ko na siya. 2 chapters then epilogue naaaaaaaaaaaaa. Salamat sa mga nagbabasa at magbabasa pa lamang hehe. Don't forget to vote and commenttttttttt. Enjoy reading!!

Zyle POV

"Dad.." bungad na pasok ko at tinitigan ang kalagayan ng aking ama.

Nalalagas na ang buhok niya at matamlay ang kanyang itsura.

"My son.. come in, sit there." mahinang sabi niya at tinuro ang isang malapit na upuan.

Pagkarating na pagkarating ko kanina dito sa hospital ay naabutan ko sila Celestine at si Clarence balak pa sana akong kausapin ni Celestine pero nilagpasan ko na lamang siya at hinayaan nga ako nila Jackson at Luke na pumasok ng magisa sa kwartong ito.

Agad naman akong umupo sa nasabing upuan at huminga ng malalim.

"Didiretsuhin ko na kayo Dad. Bakit ayaw niyong magpaopera?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Because I want you to do something for me son.." mahina niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

"Huh?"

"Just a favor, if ever I didn't survive--"

"Shut up." naiinis kong sabi.

"Hahaha. You hate me right? I know you hate me son. But please do me a favor Zyle.." seryoso niyang sabi.

Seriously bakit kailangang may favor pa? Bwisit.

"But what if I refuse to do that fvcking favor?" naiirita kong sabi.

"Hindi ako magpapaopera." seryoso niyang sabi na nagpagulat sa akin.

"What the hell?!" pasigaw kong sabi.

"I'm serious Zyle." lagi ka namang seryoso. Ano pang bago dun?

"Fine fine. What favor is it?" naiirita ko namang sabi. Tama ba talaga ang desisyon kong pumunta dito?

"Marry Celestine"

The fuck?!

Clarence POV

Tahimik akong nakaupo sa labas ng pintuan ng kwarto ni Mr. Ford habang nakatitig sa pader.

I'm tired. Physically and emotionally.

I like Florelle. Honestly. But I love my sister. I know sa mga oras na ito sinusumpa niya na ako.

Agad akong tumayo at maguumpisa na sanang maglakad ng pinigilan ako ni Celestine.

"Saan ka pupunta Kuya?" tanong niya.

"May bibilhin lang ako saglit. Dito ka lang muna. Or mabuti kong magpahinga ka na muna Tin." nagaalala kong tanong sa kanya.

Ilang araw na siyang nagpupuyat dahil sa pesteng Zyle na yan. I don't like Zyle for her. But my sister loves her so much kaya wala akong magagawa kung hindi gawin ang gusto ng kapatid ko kahit na labag ito sa kalooban ko.

"Ayos lang ako Kuya. Hihintayin ko na lang siguro si Zyle lumabas. Namimiss ko na kasi talaga siya eh.." at yan ang pinakakinaiinisan ko. Siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo Tin? Look at yourself. Dahil lang sa lalaking yun pinapabayaan mo na sarili mo!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya.

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon