Chapter 3

3.9K 158 13
                                    

Kasalanan ko naman ang lahat kaya nangyari sa akin ang ganito.

Walang dapat sisihin kung bakit napunta ako sa ganitong kahihiyan.

Kasalanan ko rin dahil pumayag akong makipagpalitan ng larawan sa lalaking iyon sa pag-aakalang mabuti siyang tao ng makipagrelasyon ako sa kaniya.

Sinasabi ko na nga ba.

Sa una pa lang dapat ay nanindigan na akong tumanggi sa pamimilit niyang makita ang kahubaran ko. Bakit ba nakipgpalitan pa ako ng mga ganung picture,nakakahiya!

Patay na ako pero buhay pa rin sa internet ang mga hubad kong larawan. Mabuti na lang kahit paano ay naagapan kong maireport ang account na iyon.

Sa kabila ng nagawa kong solusyon ay nadoon pa rin ang kaba ko na baka gumawa pa ang lalaking iyon ng panibagong account na ikasisisira ko.

Bakit ba may ganoong tao na sobra ang kabitteran sa buhay. Siya na ang kumalas sa pangako na ako daw ang forever niya,ay siya pa ang may lakas ng loob na gawin sa akin ang ganito.

Napakawalang modo talaga niya...

Bahala na ang langit sa kaniya...

Talagang napakatanga ko noong mga araw na inaamo-amo ko pa siya pagmay tampuhan kami. Sayang ang mga goodmorning ko sa kaniya at talagang pinilit kong gumising ng maaga para maunahan lang siyang batiin. Nakailang balik ba ako sa tindahan para magpaload dahil kailangan si maoutol ang chat namin?

Sa loob ng isang buwang pakikipagrelasyon mauuwi lang pala sa wala!

Sinasabi ko na nga ba at ito ang mangyayari.

Mabait naman akong tao.
Kung tutuusin iyon ang una kong pakikipagrelasyon sa kapwa lalake at sa internet pa. Tapos ganito pa mangyayari?

Iwas nga akong makipagrelasyon dahil kilala ko ang mga kaibigan ko na homophobic kaya ingat akong malaman nila ang pagkatao ko dahil alam kong di nila ako matatanggap na berde ang kulay ng dugong dumadaloy sa akin.

Tatlo na sa kanila ang nag-unfriend sa akin at alam ko na ang ibig sabihin nun. Meron naman akong kumare na kung makangiti sa akin ay kulang na tawagin akong "Gurl may nalaman ako sa yo!". Tatawa-tawa pa sa mga kausap na alam kong ako ang paksa ng usupan pagnakalayo na ako ng bahagya.

Masakit kahit sa pag-uwi ko sa gabi mapadaan ako sa bahay ng kumpare ko at maririnig ko na ako ang paksa ng usapan sa kanilang hapunan sa harap ng kaniyang mga anak.

" Ninong ng bunso mo ninang pala!"
At sasabayan pa nilang buong pamilya ng tawa.

Kumirot ang kalooban ko dahil ganun ba talaga ang katauhan ng isang kagaya ko. Ganito rin ba ang nararamdaman ni Chona?
Nang ibang mga bading?

Isang araw ko pa lang na malantad kung ano ako marami ng sumaksak sa akin.

Naawa ako kay Chona at sa mga kagaya niyang lantad na ang pagkabinabae.

Paano ba sila nagsimula?
Ilang beses ba silang umuwi ng bahay ng umiiyak dahil tinawag silang multong bakla!

Mang-aagaw ng lakas!

Salot!

Bading!

Mga salitang binitiwan ng mapanghusgang lipunan na akala mo ay matuwid at walang sala.

Oo,bading si Chona pero di siya mapagsamantala. Nakatabi ko na siyang matulog kahit minsan ay di gumapang ang kamay niya sa harapan ko.

Maging ang mga kasama niyang bakla ay marespeto sa akin na kahit nakinuman ko ay di nanamantala kahit lasing ako.

Bakit ganun sila makahusga agad?

Minulestiya ko ba sila?

Binaboy ko ba sila?

Kasalanan ko lang ay di ko inamin na ganito ako kahit hindi halata sa kilos at ang pag-ibig ko ay mailalaan ko lang kapwa ko lalake.
Na tanging kasalanan ko lang ay tinago ko sa kanila sa pag-aakalang paghanda na ako ay masasabi ko sa kanila at tanggapin nila ang tunay na pagkatao ko.
Na kasalan ko lang ay matakot sa maari nilang reaksyon ng gaya ng nangyayari ngayon.

Maigi at nakilala ko ang mga taong ito.
Maigi at lumabas ang tunay na kulay nila dahil kahit matagal ko na pala silang nakasama sa isang iglap pwede nila akong traydorin dahil lang sa sexual orientation ko.

Maige na nga sigurong ganito kesa sa kagaya nilang sugarol ,lasingero,tsismosa at mga walang pangarap sa buhay lagi kong makakasama.

Mainam na ngang magkaalam ng kulay ang bawat isa sa amin. Kung sauliian ng kandila na lang pagkakaibigan namin siguro mabuti na yun kesa paulit ulit naman nila akong sasaksakin ng patalikod.

Unang una wala naman akong dapat itanaw ng utang loob sa kanila e. Ni hindi nga ako nangutang sa kanila. Bagkus sila pa ang may utang sa akin.

Kung hindi lang ako nawili maggym ay baka nalulong na ako sa paninigarilyo at kaiinom na madalas naming ginagawa noon.

Ako nga dapat ang manumbat dahil ano ba ang naitulong nila sa akin?
Wala?
Dahil kahit kailan hindi ako lumapit sa kanila, dahil alam kong may mga problema din sila at ayaw kong dumagdag pa.

Ayaw kong ipamukha sa kanila ang kabutihang ginawa ko. Pero ang pandirihan o baliwalain na lang ang pakikisama ko, yun ang di ko maintindihan sa kanila na parang nag-usap usap sila na layuan ako.

Maige pa nga siguro ang isang Carl Julian at isang Chona na handang umalalay sa isang kagaya ko kesa mga ibang kaibigan na di ako nauunwaan dahil takot din silang husgahan na may kaibigan silang kagaya ko.

Isang bayot...

Ganun ba talaga?

Ngayon at least alam ko na ang sino at dapat pakitunguhan at pagkatiwalaan.

Alam ko na ang aral na natutunan...
Huwag mainlove sa internet!

Alam na nga pala ni Chona ang balita pero kahit isang text ay wala pa akong natatanggap mula sa kaniya. Galit din kaya siya na ang alaga niya ay isang paminta?

*****


*Nainspired akong gumawa ngayon.three chapters sa isang upuan. Hoping na kumapit ako sa plot ng story kasi may lesson na makukuha. Salamat po sa mga readers na nagcomment sa mga stories na nagawa ko.gaganda ng feed back kaya balik sulat uli.yung story na nawala deleted na po iyon. Ayaw ko po sabihin ang kwento behind it kung bakit deleted,dahil tahimik po akong tao at ang masakit na nakaraan ay kinakalimutan.moving on,salamat po muli sa pagbasa!

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon