Chapter 19

2.5K 124 22
                                    

Kabado ako ngayon dahil ito na ang gabi ng paghuhusga.

Magkatabi kami ni Caju na nakikipagkwentuhan sa mga kakilala naming mga contestant ng bikini open.

Mga Personal assistant, managers at make up artist ang naritong kasama namin na abala para sa opening ng programa.

Ilang araw din kaming naghanda para dito. Tatlong araw na practice sa stage blocking at open number naming mga kalahok kasama ang mga kandidatang mga babaeng kasabay naming sumali.

Nakapaghanda na rin kami ni Caju ng masususot na irarampa. Pasalamat talaga ako sa nanay at naiarkila nya kami ni Caju ng magagamit na suit ngayon.
Kasama namin si Mama Chona na abala din sa pagaayos at pag-aaaikaso sa aming dalawa.

Sa ngayon ay sports wear ang intro ng aming irarampa. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil madami ang taong nanonood hindi gaya ng nasalihan ko noong una. Apat na beses ang dami ng mga taong naghihintay na magsimula kami.

Hindi rin kasi biro ang premyo na maari naming mapanalunan. Bukod sa karangalan at cash prize na 50,000, awtomatikong may trabaho kami sa sa ilalim ng pamamahala ng munisipyo at pagmomodelo ng damit sa isang brochure ng isang clothing apprel na sponsor na mall ng contest. Malaking tulong ang maaring matanggap na talagang pinaghandaan ni Mayor.

Taon-taon naman kada fiesta ay hindi nawawala ang ganitong contest, kada linggo ay iba-iba ang pakulo bago sumapit ang mismong araw ng fiesta. Una ang Kantahan,sayawan, miss gay at huli ngayon, ang bikini open.

Parang sabungan ang dressing room namin sa ingay. Akala mo reunion ng isang pamilya na kaytagal na nawalay at muling nagkita. kamustahan, biruan, asaran at nakakatawang patutsadahan ng mga managers.

Isang relasyong aakalain mong away nila pero isang unawaan na lahat sila ay magkakaibagan. Walang pake pake ang mga tao dito at lahat sila ay masayahin at pantay pantay ang trato sa isat isa sa kabila ng naranasan din ng iba ang nararanasan kong diskriminasyon mula sa ibang tao na makikitid ang isip,hindi bukas sa pag-unawa at walang respeto.

Nanood lang kami ni Caju at talagang napapatawa kami sa mga baklang nagtutulungan sa isat isa. Kahit hindi nila talent ay inaasikaso ng mainam. Naroong make-up-an o ayusan ng buhok. Ang iba ay nagbibigay ng mga pointers sa paglalakad. Nakakatuwa sila kaya naenjoy namin ni Caju ang paghihintay sa pagsisimula ng contest.

Nawala na ang kaba sa dibdib ko dahil parang isang pamilya talaga ang makakalaban ko.

"O bakit ang dalawa mong alaga Mama Chona walan pang make up?"

Pansin ng isang make up artist.

" Ay! Wag mong pakialaman yang mga alaga ko! Keri na yang walang mukap!"

Nagkatingin lang kami ni Caju at natawa sa usapan nila. Hindi talaga kami pinalalagyan ni Mama Chona ng make up kahit noong una pa naming laban. Ayaw niyang itago ang naturalesa naming mukha sa makapal na make up.
Asset din daw kung may kapintasang makikita dahil wala naman daw talagang perpekto. Para sa kaniya nawawala ang essence ng isang pagkatao kung itatago ito.

Nais niyang husgahan kami sa natural na paraan. Pulbos lang talaga talo-talo na. Narinig namin ang music intro sa labas hudyat iyon magsisimula na kami.

Agad kaming pinapila ayon sa aming pagkakasunod-sunod gaya ng napractice namin. Sa bandang unahan si Caju apat na contestant ang pagitan namin kaya medyo kabado pa rin ako.
Di ko alam kung ano mangyayari dahil marami din kaming maglalabanlaban.

Sinenyasan na kami para sa pagrampa ng sports wear. Si Caju ay naka pang tennis look ako na may naka pang thai kickboxer.

Pinili talaga ni Mama Chona na simple ang aming sports wear dahil mas tipid iyon. Nagkataon namang wala kaming katulad na irarampa dahil dalawa sa kalaban namin ay nagkataong parehong naka golf look kaya pati manager nila nagtatalo ng di sinasadya.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon