Chapter 20

2.3K 152 7
                                    

Second segment na ang aming gagawin. Pagkatapos kumanta ng nakaraang champion sa singing contest ay formal wear na ang isusunod na irarampa.

"Kinakabahan ka ba?"

Tanong sa akin Caju.

Tiningnan ko siya sa mata at nginitian. Para aking boksingero na nilalaro ko ang laban sa utak. Pinaplano ang gagawin sa mga posibleng mangyari.

Gaya kanina damit lang namin ang nabago sa ikalawang pagrampa at kaunting interview mula sa host. Inalam nila ang aming background.

Nauna si Caju sa akin.

Mga tanong na pang-condition at kaunting patawa upang ma-entertain ang mga manonood.
Halatang magaling ang host dahil walang pang-o-okray na nangyari. Malinis at walang kaberdehan ang mga jokes nito. Seryoso ang labanan kaya di bastos ang nagaganap sa entbablado na may respeto.

Pagkatapos ni Caju,apat pa ang sinundan ko na rumampa at naiterview.

Ang sa akin ay inalam nila ang background ko, ang mga libangan, dating trabaho, patungkol sa aking kursong physical theraphy , at mga trivial na tanong na nasagot ko naman ng mainam.

Hindi ako makasulyap kay Brian ng matagal. Parang mayroon siyang ilulutong contestant ngayong gabi at alam ko na kung sino.

Para akong nasa firing squad na nag-aabang na lang ng balang tatatama dahil hintay pa namin na matapos ang lahat ng kalahok na na matapos mainterview.

Manaka-naka ang sulyap ko kay Brian.Masayahin at nakikipagtalakayan sa mga kasamang hurado. Hindi halata na may alam siya tungkol sa akin. Marumi maglaro ang taong ito kayat paniguradong marumi din ito sa paghuhusga.

Kung ganoon nga siya ay wala ng pag-asang manalo. Pero nandito na ako kahit nakakaramdam na ako ng kabiguan.

Sinulyapan ko si Caju.
Nagkatinginan kami.
Maskara ang ngiti niya sa akin dahil alam kong nag-aalala siya sa mangyayaring lutuan. Napilit niya akong ngumiti ng kindatan niya ako. Kahit kailan ay lagi lang siyang nakaantabay sa kalagayan ko. Tagasalo sa tuwing babagsak.
Mas pinahalagahan ko ngayon ang pagkatao ni Caju dahil bukod sa matalik at matapat na kaibigan ay nobyo ko pa.

Isa-isa ng tinawag ang top 5 na lalake at babaeng kasali. Laking tuwa ko ng pangalawa si Caju sa nakapasok. Mas nagulat ako ng ikalima ako sa tinawag na pasok sa final round.

Masaya kaming ipinakilalang muli at ngayon agad naman kaming nagpalit ng bumalik sa dressing room para sa swimsuit at huling round.

Di ako makapaniwala at kasama ako. Tuwang tuwa si Mama Chona dahil dalawa kami sa alaga niyang pasok. Ipinagmamalaki talaga niya na walang talo sa amin dahil karangalan na ang makapasok sa huling limang natawag para sa finale ng gabi.

Ang ilang mga hindi pinalad ay magiging background na lang namin sa paglabas. Ang kapareha naman naming babae na pasok din sa top 5 ay aming lakambini at kami ang konsorte.

Ayon sa aming ranking ay isa-isa na naman kaming lumabas kasabay ng isang masayang musika. Dinig na ang hiyawan ng mga manonood.
Nang mga miron na tuwang tuwa sa kanilang kandidato at kandidata.

Mga instant fans na siyang-siya, kinikilig at nagpapalakpakan. Nakita ko na naroon din ang Nanay at Tatay na full support sa akin sa isang tabi. Maging ang ilang mga kaibigan ko na halatang nakipamiesta muna bago nanood sa amin.

Bagamat tinalikuran ako alam ko nandoon sila para sumuporta, o panoorin ang kahihiyan ko bilang miembro ng third sex.

Wala na rin sa akin ang mga sasabihin nila dahil mas kilala ko ang sarili ko kesa sa kanila na tumalikod sa akin. Nakita nila ang tunay na Randolf at nakita ko rin kung sino-sino sila.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon