Chapter 17

2.5K 128 22
                                    

Yakap ako ni Caju upang
harangin ang maari kong
matanggap na suntok kay tatay.

Natakot din ako na
baka masaktan din siya kay nagpilit akong kumalas sa kaniyang pagkakayakap.
ikinubli niya pa niya ang aking ulo sa kaniyang mga dibdib at mga bisig.
Naririnig ko rin si nanay sa pag-awat kay itay.

" Julian lumabas muna kayong dalawa, isama mo muna sa inyo ang kaibigan mo.
Rodolfo tama na at nakakahiya na sa mga kapitbahay!"

Nagmamakaawa na si inay, di ko alam kung paano ako nailabas ni Caju ng di nasasaktan muli ni Itay.
Mabilis kaming lumabas ng bahay habang panay tulo ng mga luha ko.
Nagsama naman ang takot at hiya sa akin ng tuluyuang nakalabas ng bahay dahil sa mga ilang kapitbahay namin na nakiusyoso sa aming gulo.

Nakita ko pa si Yuya at ang kaniyang kinakasama sa kanilang bakuran na sinundan kami ng tingin. Alam niya ang nangyari dahil
pader lang naman ang pagitan ng aming mga bahay.

Awa at pag-aalala ang nakita ko sa kaniyang mga mata ng madaan kami sa harapan nila.

Doon kami nagtungo ni Caju sa kabilang bahay namin. Ayaw kong sa kanila magtungo at baka makagawa kami ng eksena sakaling sumunod si tatay at muling pagbuhatan ako ng kamay.

Sa terrace pa lang ay ibinuhos ko na ang sama ng loob sa aking sarili,sa aking mga nagawa. Kasalanan ko naman talaga ang lahat.

Maging ang mga aso ko ay nararamdaman
ang sakit nanararanasan ko sa ngayon.

Katabi ko si Caju, tahimik lang siyang nakaakbay sa akin. Takip ng aking mga kamay ang aking mukha dahil sa nangyari.

Ngayon lang ako pinagbuhatan ng kamay ni Itay at ngayon ko lang naranasan ang ganoon.

Ang sakit sa kalooban na kaya pala niya akong saktan.

"Nakakahiya akong anak."

Iyon ang pumapasok sa aking isip.

Isa akong kabiguan sa inaasahan nila sa akin.
ako na may dunong, na may malasakit, masipag, mabait,magalang ngunit may bahong itinatago.

Ano pang mukha ang maihaharap ko kung mismong ang ama ko ay kinakahiya ako?

Na ang dapat na makaunawa sa akin, una ang pamilya bago ang iba.

Hindi ko akalain na darating pala sa akin ang ganito.
Natatakot ako na balang araw ay itakwil ako ng itay sa kaniyang nalaman.
Na ang bunso niyang anak ay hindi tunay na lalake.
Rumehistro sa isip ko kung paano makatingin ang kaniyang mga mata matapos niyang itulak ako kanina.
Nakakatakot na parang hindi ko siya ama, na parang ibang tao siya at ako ay hindi niya anak.

Hindi kami makapasok sa loob dahil sa naiwan ko ang susi sa kabilang bahay.
Sa ngayon kailangan ko munang mag-isip ng dapat kong gawin sakaling palayasin nga ako ni tatay.
Pihadong itatakwil na niya ko sa kaniyang mga nalaman.

Tiningnan ko si Caju ng kumalma na ako sa kakaiyak.
Niyakap niya ako, muli akong umiyak dahil higit kanino siya na lang ang nakakaunawa sa akin sa mga oras na ito bukod kay Nanay.
Hindi ko na alam kung ano na ang kinabukasan ko.

"Tahan na, nandito naman ako e. Lilipas din yan. Nabigla lang si Tito."

Iyak lang ang tugon ko sa kaniyang pagkanlo sa akin.

Nabigla nga si Itay sa kaniyang nalaman... maging ako ay nabigla rin dahil hindi ko naiisip na ganito pala kabilis ang karma ng mga pinaggagawa ko.

Masisisi ko ba ang lahat kung ganito talaga ako, ako ang may kagagawan kaya dapat kong tanggapin na hindi lahat ng tao pantay-pantay ang pang-unawa.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon