Chapter 21 Finale

4.1K 170 96
                                    

Ito na ang oras na pinakahihintay namin.

Inihanda ko na ang sarili ko sa mga pagkakataong tagumpay o kabiguan ang tatanggapin ko sa gabing ito.

Katabi ko si Caju.

Nararamdaman ko rin ang kaba niya habang nakaakbay siya sa akin.
Panay ang piga niya sa aking balikat.
Sinulyapan ko si nanay sa kaniyang pwesto.
Tahimik siyang nakayuko na naghihintay.

Kanikaniyang hiyawan ang mga manonood kung sino ang gusto nilang manalo.
Inabot na sa host ang clip board ng resulta. Nakayuko akong naghihintay.

"Our third place!...contestant number 6! *Jason Perey!"

Nangiti ako dahil may nabuksang pag-asa. Tatlo na lang ang kaagaw ko sa title ng bikini open. Kung tutuusin hindi ko ko rin naman kalaban si Caju. Kunh sino man ang palarin sa aming dalawa ay masaya na ako.

" For our second place! Is contestant number 7 Randolf Amores!!!"

Second placer ako!

Kahit hindi champion, malaking bagay na para sa akin ang mabanggit ang pangalan ko bilang ikalawang nanalo.

Masaya akong nagtungo sa unahan upang tanggpin ang sash, certificate at tseke. Di ko na nabasa kung magkano ang nakasulat doon nakita ko na lang na mula ito sa shopping mall na sponsor ng contest. Nakatanggap din ako ng ilang gift certificates.
Hindi na masama para sa pangalawang pwesto.

Kahit nabanggit na ang pangalan ko ay naexcite pa ako lalo. Dahil hindi pa nababangit ang talagang nanalo.
Nilingon ko si Caju. Nakatingin siyang abot-abot ang saya para sa akin.
Di yata alam ng mokong na ang pagkakataong manalo ay nasa panig niya.

Humina bahagya ang palakpakan ng inanounce na ang grand winner para sa kalalakihan.

"And our grand champion for tonight is...contestant number 2!
Carl Julian Sanchez!"

Hindi ako makapaniwalang nanalo ang mahal ko na dating second placer lang ang nakukuha sa mga huling laban namin.

Gusto ko siyang yakapan at
i-Dawn Zulueta sana ngunit sa dami ng mga dala kong napanalunan ay pinanood ko na lang siya sa kaniyang kagalakan.

Panalo si Caju! Isang karangalan na ang nobyo ko ang nanalo. Napakasaya ko dahil malaking bagay talaga ang premyong makukuha niya na magagamit niya sa pag-aaral.

Nagbunga ang training sa amin ni Mama Chona at talagang napakinabangan namin ang hirap at pagtitiyaga niya ng ilang buwan.

Walang pagsidlan ang kasiyahan namin dahil hindi kami uuwing bigo.
Natapos ang programa, binati kami ng mga judges sa aming tagumpay.
Bumalik kami sa aming dressing area upang magbihis. Masaya naman ang pagtanggap ng mga kalaban namin kahit hindi sila ang nanalo. Nandoon pa rin ang kasiyahan nila para sa aming mga napili.

Sa labas ay naroon si Nanay na hinihintay kami.

Tuwang-tuwa na niyakap kaming dalawa. Inabot ko sa kaniya ang tsekeng napanalunan dahil iyon nama'y para talaga sa kanila ng tatay.
Doon ko rin nalaman na 10 libo din pala ang napanalunan ko.
Hindi na masama at malaking kagaangan talaga ang nakuha ko.

Naroon din ang nanay ni Caju at maiyak-iyak pa na niyakap rin kaming dalawa. Gaya ko ay inabot din ni Caju ang premyo niya sa mama niya.

Ang sarap sa pakiramdam na nakatulong kami sa kanila sa kabila ng minamaliit ng ilan ang bikini contest na sinasalihan namin. Kung sa iba ay kababawan at superficial ito ang sa akin ay marangal at malinis ang intesyon ko basta makatulong sa mahal kong pamilya.

Matapos nooy hinila na ako ni nanay sa kalapit na munispyo para sa isang reklamo. Kalapit lang ng plaza ng bayan ang munisipyo namin.

Naabutan ko sa Mama Chona, ang tatay at ang Mayor namin kasama si Hepe. Naroon din si Brian na namumula at parang takot na takot.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon