Chapter 9

2.8K 135 8
                                    

Naging normal na sa akin ang mga araw ko bagamat nawalan ako ng ilang mga kaibigan dahil sa nagyari sa facebook at dahil doon ay nakilala ko ang mga tunay na taong dapat ko talagang samahan at pagkatiwalaan.

Trabaho,bahay,pag-aalaga sa mga aso,gym at paghahanda sa nalalapit na pageant. Kung tutuusin parang blessing in disguise ang nangyari dahil napapirmi ako sa bahay. Nakita ko kung gaano nahihirapan ang nanay sa pag aasikaso sa bahay. Wala pa ang tatay kaya ako muna na ang hahalili sa pagtulong.

Nakatipid din ako dahil kabawasan din ang madalas na pagsama ko sa mga lakaran at magdamag na inuman.

Speaking of inuman, day off namin Caju bukas kaya pwede kami na makakapagkwentuhan mamayang gabi kasama si Yuya. Namiss ko rin si Caju sa mga ganitong pagkakataon na kasama siya. Kung hindi okasyon,sa problema ko lang siya kasama pagnainom. Pero ngayon gusto ko katabi siya bilang kabuddy at kasangga kasama ang malamig nabeer. Gusto ko magrelax kasama siya at ng bago naming kaibigang si Yuya.

Sumapit ang gabi at muli akong dinaanan ni Yuya galing trabaho. Nakaschedule talaga siya na ihatid sa Beerhouse ang kabit niya at isabay ako pag-uuwi

Yun ang gawain niya. Tatbay sa inuuphang apartment ni Lhen,tagasilbi sa GROng puyat.
Labandero,plantador,kusinero,driver at lover. Iba-iba talaga ang takbo ng buhay niya. Iba iba ang punto ng love life. Basta kung saan ka na lang masaya doon ka na lang lagi.

Ang tanong masya nga ba si Yuya?

Parang ang tagal na naming magbarakada ni Yuya, palabiro pag oras ng biro,seryoso pag usapang personal. Ilang beses na rin niya ako napayuhan sa mga pinagdaanan ko. Maging sa text ay kabiruan na rin. Sa aming tatlo kami ang close ni Yuya dahil ako naman ang nauna niyang kilala. Dalawang Linggo pa lang kami magkakilala at malapit na siya sa amin ni Caju.

Dumirecho kami sa bahay ni Caju upang kaunin siya sa aming munting kasiyahan. Doon kami sa lumang bahay iinom. Dalawang bote ng emperador ang nabili namin sa 7eleven.squid balls at bite size na hotdog ang pulutan.

Nakapag-paalam na ako kay nanay na baka sa lumang bahay na ako makakatulog dahil sa mga alaga kong aso at magiinom kami. Pinaalalahanan naman ako na huwag ng lalabas kung nakainom. Kasunduan namin dahil ayaw niyang gumagala pa ako kung nasa impluwensya ng alak.
Maging kay Mama Chona ay nagpaalam din ako. Kailangan din kasi niyang malaman ang mga ginagawa ko para walang problema kung kailangan ako at may reason kung bakit at hindi pwede. Dalawa kami ni Caju na alaga niya na magkasama kaya okay lang sa kaniya. Gaya ni nanay ay ganun ang bilin sa akin. Dagdag pa na wag magpakalasing masyado at malapit na ang pageant. Iwasan ang matumba baka mabangasan ang mukha.

Natawa naman ako kay sa dalawa kong nanay, ang isa ya concern sa aming kaligtasan ang isa ay sa aming mukha.

Sa una ay takot pa si Yuya sa lumang bahay namin. Liblib kasi ang lugar kung saan nakatayo ang dating bahay ng mga tatay. Malalaking puno ng mangga at maiingay na kuliglig ang marinirinig. Ngayon lang siya nakarating sa ganitong lugar palibhasa laking maynila at japan.

Tuwang tuwa din siya sa mga aso. Ipinagyabang ko na sa pangit lang mabait ang mga iyon bilang pagbibiro.

"Kaya pala ang bait ng aso mo sa inyong dalawa ni Caju."

Ganti niya sa akin kaya natawa kaming dalawa ni Caju.

Inuna muna naming hinanda ng hapunan. Isang lechong manok ang iuulam naming tatlo.

Matapos makapagsaing ay masaya kaming kumain ng hapunan. Nangalahati ang isang buong lechon manok ang aming nabili at ang matitira ay dagdag pulutan.

Matapos kumain ay nagsimula na ang aming inuman kasabay ng mahinang sound ng banda sa phone na kinabit sa maliit na speaker. Kwentuhan, biruan,tawanan,sharing ng problema,yabangan at kantahan.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon