Chapter 5

3.3K 153 0
                                    

Ikatlong araw mula ng malaman ng ilan sa lugar namin ang sinasabi nilang lansa ng amoy ko.

Kahit hindi sila magsalita ay nakikita ko sa kanilang mga mata kung paano nila ako kutyain o hamakin ng lihim sa nalaman nila sa pagiging bisexual ko.

Ano pa ba ang magagawa ko. Kung si nanay tanggap ako, di tanggapin ko na lang sa sarili na ganito ako at di ko kailangang pagsisiksikan ang sarili ko sa mga ayaw sa akin.

Kanina lang ng bumili ako ng pandesal sa kanto ay nagiging paranoid ako sa tingin ng tindera na baka alam na rin niya ang kumalat na scandal ko.

Nakadagdag pa diyan ang isang kaibigan na dati kung makabati sa akin ay wagas at ngayon ay halos nagmamadali na iwasan ako. Ni hindi man lang ako binati at tanging tango lang sa akin ang ginawa.Kahit tumingin ng maayos ay wala.

So,alam na rin siguro niya kaya iwas na rin sa akin. Alam na ng bawat kanto sa labas nh subdivision namin...

Malungkot man akong umuwi pero patuloy pa rin ang buhay.

Feeling ko iniwan ako ng mundo.
Feeling ko nag-iisa ako.

Nakakainis talaga ang Brian na yun!

Buntong hininga na lang ang magagawa ko maibsan lang ang sama ng loob na narardaman ko.

Nakauwi na ako.nakapagalamusal kasabay si nanay.

Naisipang kong magshoot sa hoops ng court ng subdivision.
Nagtungo ako mag-isa, walang tao.
Pati ba naman sa public court na ito mag-isa ako?

Wala nga pala si Carl Julian dahil opening siya sa trabaho.

Kahit mag-isa ay dinaan ko na lang sa pagshu-shoot ng bola sa ring ang ginawa ko.

Sa three point corner ang ginawa kong pagsho-shoot. Tumama sa rim pero di nakapasok.
Bumagsak ang bola at makita ko na nasalo ng isang bagong mukha ang muling nagpasa pabalik sa akin.

Pumuwesto siya sa ilalim ng ring nag-aabang ng bola na ipupukol ko para magshoot.

Walang batas sa pampublikong basketball court na bawal sumali. Understood na yun na gusto niya magjoin.

Matapos ng dalawang try ako naman ang pumuwesto sa ilalim ng ring at siya naman ang tumira sa kabilang sulok.

Dalawa ang naishoot niya sa three point line kaya nachallenge ako sa dayo na ito.

Palit kami ng pwesto pero dalawang try na palpak uli.

Siya uli ang tumira at wala na namang sablay.

Ako muli ang tumira pero sa pagkakataon na ito di ako napahiya. Nagamay ko na ang pagtira at nagiinit na ang pulso ko.

"Nice one!"

Sigaw niya sa shoot na nagawa ko.

Ganun talaga ang espirito ng basketball court. Madaling makipagkaibigan. Pasahan lang ng bola ,alam mo ng madaling pakisamahan ang kalaro mo.
Alam mo agad ang kabalyero at buwaya.

Panandalian kong nakalimutan ang kabigatan na dala ko habang naglalaro kami.

Nalibang ako sa aming one on one. Walang pataasan ng score basta shooting lang ang nangyari sa amin.

Yuya ang pangalang pakilala niya na bago lang lipat dito sa subdivision noong isang araw. Natapos kami kayat nagpaalam na akong uuwi para makapaghanda sa trabaho. Nagpasya na rin siyang umuwi at isa lang pala ang dadaanan namin. Natuwa naman ako na siya pala yung nakita ko kagabi dumating na nakamotorsiklo.

"Ikaw pala yung nakaupo kagabi diyan sa labas?"

"Oo, ha ha! Ikaw pala ang bagong nakatira diyan."

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon