Chapter 6

3.1K 139 13
                                    

Tulog na ang nanay ng pumasok ako ng bahay.

Kumain muna ako ng kaunti ng makaramdam ng gutom.
Dahil sa amoy ng beer naligo ako at nagsipilyo.
Nagpalit ng damit at humiga sa kama.

Kaya ayaw ko sa bahay na ito dahil sa init ng kwartong nilaan para sa akin ng nanay na sinasabayan pa ng ingay ng ilang sasakyan dumaraan sa tapat ng bahay namin.

Di gaya ng ilang araw wala na sa akin ang nangyaring isyung kumalat sa internet,nakalimutan ko na ng bahagya.

Bahagya lang dahil parang may nabago sa buhay ko. Dati ganitong oras nakatambay pa ako sa mga tropa ka na nakikipag-inuman o nakikipagkwentuhan.

Di naman ako makapagfacebook dahil pansamantala ko itong sinira para umiwas kay Brian at sa ilang inadd sa dummy account na ginawa niya. Inisip ko na baka gumawa na naman ang hayup na iyon ng panibagong katarantaduhan at iadd na naman ang mga kilala ko.

Nais ko ng kausap kayat nagtext na lang kay Kaju. Alam ko gising pa siya ng ganitong oras.

"Ano balita?"

"Nakauwi ka na dude?"

"Kakarating lang."

"Sabay daw tayo sa audition sabi ni mama."

"Oo nagtext na sa akin kanina bago ako lumabas"

"Black sando and jeans ,magbaon daw ng speedo baka kailangan dude."

"Oo tay!tatandaan ko po!"

"Tado! Patulog ka na? Gusto mo uminom?"

"Opening ka bukas ah?"

"Okay lang baka gusto mo lang kausap?"

"Okay na nakainom na ako."

"Saan ka nagnom-nom?gara mo di ka nagyaya!"

"Yung kapitbahay namin pinainom ako."

"Nino, ni aling Sela?"

"Sa kabilang bahay,may bagong lipat  nakilala ko kanina sa court,nakasabay ko pauwi, e nagyaya ng kwentuhan. Pinainom ako."

"Ahhh...next time sama mo sa laro natin."

"Sama nga daw siya nung niyaya ko. Mabait din,maayos kausap e."

"Maayos din naman kausap yung syota mo sa facebook e."

"Binalik mo na naman. Tado!"

"Ibig ko sabihin wag ka masyado magtitiwala uli sa bagong kilala."

"Iba naman to,ito harapan na kaya okay lang."

"Sinabi mo e.okay na ako dun. Pero pre tapatin mo nga ako."

"Ano?"

"Kung bi ka noon pa,pinagnasahan mo ba ako?"

"Gago!"

"Hindi seryoso to. Para alam ko."

"Wala ako pagnanasa sa yo tanga. Para na kitang kapatid bat kita pagnanasahan?"

"Para malinaw lang, lagi tayo magkasama kasi, mamaya tanungin ako ng iba kung ano ako. At least alam ko sasagot ko."

"Ano ba sasagot mo pagmay nagtanong."

"E di yung sinabi mo."

"Di ka ba natatakot na matsismis sa akin?"

"Di ko na iniisip yun, di ko rin naman tropa yung mga tropa mo. Isa pa malayo din kitang patulan ha ha ha! Yukk!"

"Tae ka talaga!"

"Sige na dude meme na ko!maaga pa ko bukas!"

" Sige dude!nite!"

Natatawa akong ibinalik ang cellphone ko sa gilid ng kama at muling nagmuni-muni.

Kakaiba talaga ang ugali ni Caju sa lahat ng nakilala ko. Naisip ko tuloy na kay Caju na lang sana ako nainlove at naitago ko pa ang lihim ko. Hindi sana ganito ang pinagdadaanan ko.Pero wala na akong nararamdaman sa kaniyang pagtatangi bukod sa isang tapat na kaibigan at kasangga sa lahat ng bagay.

Naalala ko tuloy si Yuya.

Sayang at huli na ng nakilala ko siya.
Isang buwan na pala siyang nakatira sa kabilang bahay.
Yun ang mga panahong nakipagrelasyon ako kay Brian.

Siguro kung pumisan ako kay nanay nung umalis si tatay mas nakilala ko si Yuya. O baka maging kami.

Napag-isip ko na malabo din siguro maging kami dahil hindi naman ako ganoon katapang magpakita ng pagkagusto at magtapat ng nararamdaman ko.

Isa pa malabong maging kami dahil may nobya na siya.

Bakit ba ako madaling mainlove.
Magcocommit lang sa sira ulo pa?
Maiinlove lang sa may syota pa?
Nakakaasar naman ang ganito...
Nakakapanghinayang,ang bait pa naman ni Yuya.

Awts! Mabait din naman sa umpisa si Brian.

Kaya nga ako napapayag niya sa mga gusto niya dahil nagtiwala ako na kami talaga sa isa't isa kahit long distance at magkikita kung may pagkakataon.

Nasilo ako sa patibong ng kaniyang magagandang salita. Ang tanga ko talaga at naniwala ako sa mga papuri niya.

"Ang gwapo mo talaga mahal ko."

"Ang sweet ng mahal ko."

"Makatanggap lang ako ng message mo kahit di ako kumain busog na ako."

Kahit alam kong gwapo ako o maganda ang katawan ko ay nagpabola pa rin ako.

Sa sobrang tiwala ay para akong sunudsunuran sa mga sinabi niya.

"Sige na,kung mahal mo ako papakita mo yang ano mo."

"Tanggalin mo na kasi!akin naman yan e!"

"Grabe ang laki mahal ko sana matikman ko na siya!"

"Itanan na kita!"

Ang tanga ko talaga bakit ako sumunod sa mga gusto niya. Napakabobo ko talaga at naisahan niya ako.

Napagtanto ko na baka hindi lang ako ang ginawan niya ng ganung katarantaduhan. Baka marami kaming ginago niya at isa lang ako sa biktima niya.

Wala na talagang pag-asa kahit gumanti pa ako. Isang dummy account din naman ang gamit niya at malay kong baka dummy din ang gamit niyang pangalan.

Saang lugar ko naman hahanapin ang pinapasukan niyang school na "E di sa Puso ko" o dating pinagtrabahuhang "Crusty Crab".

Doon pa lang nakakaloko na ang background niya. Tanga ko talaga.

Mainam pala at kahit paano ay inantok ako sa nainom kong beer. Natatawanan ko kahit paano ang katangahan ko sa nangyari.

Ingat na lang siguro sa susunod.
Better yet wag ng umulit.
Huwag ng mainlove.
Huwag ng maging bi...
Siguro nga panahon na maging straight ako at sundin ang gusto ng nakakarami.

Ang tanong...
Masaya kaya ako kung straight ako?

Ay inaantok na ako saka ko na lang sasagutin. May round two pa kami ni Yuya bukas sa court!


*****

*medyo busy po sa fund drive namin para po sa mga bata this coming june 5 at sa trabaho kaya medyo bumagal po mga beh ang update. Bawi na lang po pag okay na po ang sched. Busy lang po talaga...

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon