Chapter 13

2.4K 136 8
                                    

Ilang tawag na ang ginawa kay Caju subalit nakapatay ang kaniyang cellphone. Marami na akong text na pinadala,nagbabakasakaling mabasa niya ang aking mga mensahe.
Nakailang charge na ako wala pa ring pa reply. Hatinggabi na at di pa rin makatulog sa nadiskubre ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari sa amin ni Caju ng gabing iyon.

Ang buong akala ko ay si Yuya ang nakaniig ko kundi siya pala.

Naalala ko tuloy kung gaano ako kasiya na magawa ko iyon.
Sa pag-aakalang gusto ni Yuya ang ginawa ko.

Sa dilim, akala ko ay kay Yuya ang hinipo ko.
Naramdaman ko pang unti-unting tumigas iyon ng ipahipo niya sa kamay ko.
Ang paghubad niya sa kaniyang pantalon at igiya ang ulo ko pababa sa kaniyang ari at ipasubo sa akin. Hinayaan niya ko na gawin ko at hindi siya tumutol. Tahimik lang siya ng matapos. Tumalikod sa akin pagkatapos na parang walang nangyari.

Nanliit ako sa aking ginawa na parang nagparaos lang ako. Na ang sex ay hindi lang tawag ng laman,ito'y isang pribado at gawain lamang ng dalawang nagkakaunawaan, ng nagmamahalan...

Paano kung gusto nya rin talaga na gawin ko sa kaniya iyon. Paano kung di ko rin kilala si Caju na gaya ng inaakala ko?
Paano kung pareho kami ng pagkatao at ayaw din niyang malaman ko ang katotohanan na isa rin siyang bisexual.?

Please naman Caju sagutin mo na ang text ko!

Gusto kong humingi ng tawad. Pakiusapan siya na magkaayos na kami. Di ko kayang saktan ang damdamin niya.

Marami na akong nagawang mali at ayaw ko ng maulit pa lalo pa at madadamay ang aming pagkakaibigan.

Kung pwede lang na gaya ng isang pelikula na i-rewind ang gabing iyon sana ay di ko na ginawa. Kung pwede lang na di na ako naging bakla ay wala sana akong problema.

Nagising ako kinabukasan.
Nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa mga reply ni Caju.
Wala pa rin ni isang sagot.

Matamlay akong bumangon,
nag-agahan at pumasok ng trabaho.
Nadagdagan pa ng balita na nagresign pala si Caju sa trabaho ayon sa aming manager effective ngayon araw.

Naiinis ako sa kaniya kung bakit pati trabaho ay dinamay niya. Okay lang umayaw siya sa pageant,matatanggap ko. Ayaw na talaga niya ako makasama.

Sa kabila ng inis ay naawa ako sa kaniya. Nang dahil sa akin kaya ganito ang nangyayari. Sa akin na lang niya ibunton ang galit niya. Ako na lang ang gantihan niya. Hindi yung ganito na lahat ay nadadamay na.
Ang sakit e.

Ano na kaya ang ginagawa niya?
Ano na kaya ang iniisip niya sa akin? Ang plano niya?
Sa pagkakaibigan namin?

Huwag naman na lumala pa ang ganito at di ko kaya.

Noon akala nasupil ko na ang naramdaman ko sa kaniya dahil kaibigan ko siya.
Ngayong may nangyari sa amin, posible na ipagpatuloy ko iyon.

"Kung pwede, sana si Caju na lang."

Yun ang sabi ko noon dahil mabait siya at at kilala ko ng lubusan.

"Pwedeng pwedeng si Caju!
Sana si Caju na lang!"

Madaling sabihin na sana maging kami ni Carl Julian.

Pero di ko alam ang takbo ng utak niya ngayon.

Paano kung lumayo na siya ng tuluyan sa akin at tuldukan na ang aming pagkakaibigan.

Dalangin ko na wag namang umabot pa sa ganun. Mahal ko ang kaibigan ko.
Mahal ko siya hindi dahil sa may nangyari sa amin kundi mahal ko talaga siya.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko...

Mahal ko ba siya bilang tunay na kaibigan o higit pa?

Para na akong tanga.

Gaya kahapon na para na naman akong robot na paulit-ulit ang gawain sa trabaho. Napagalitan pa ako ng manager na parang wala sa sarili. Pansin na din pala nila ang kabigatang dinadala ko.

Derecho ng uwi pagkatapos ng trabaho. Ngayon ko naramdaman na mag-isa na talaga ako. Malaking kawala sa akin kung mawawala pa si Caju sa buhay ko.

Ang gulo talaga!

Kung alam ko lang na gusto niya dapat noon ko pa ginawang makipagrelasyon sa kanya.

"Makausap lang kita, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na magpaliwanag liligawan kita Caju."

Walang tulak kabigin kung si Caju nga at ako ang magkatuluyan.

Kilala siya ng nanay at malabong kumontra yun.

Please Caju magparamdama ka naman.

Bago umuwi ay dumaan ako sa kanila. Sa ikalawang pagkakataong nagbabakasakali na naroon na siya.
Sana..

At sa ikalawang pagkakataon ay bigo ako dahil di pa siya nauwi.

"Ewan ko ba sa batang iyon at padalus-dalos magdesisyong magresign sa trabaho. May alitan ba sa inyong dalawa ha? Ngayon ka lang ata nawalan ng alam sa kaibigan mo?'

Isang tanong mula kay Tita.

Nakakahalata na rin siya sa amin ng kaibigan ko.

" Pakisabi na lang po kung tumawag siya kung pwedeng pakisabi na kinakamusta ko siya."

Pakiusap ko kay tita.

"Mabuti pa puntahan mo na lang kesa maghintay ka. Teka, bigay ko sa iyo ang address. Madali lang makita ang bahay ng kapatid ko sa Bicutan."

Kumuha ng ballpen at papel si tita at isinulat ang address kung saan naroroon si Caju.

" Eto ang Address ha. Marcelo village may 7eleven yung gilid nun,unang kanto sa kaliwa tapos kanan ka ikatlong bahay sa kaliwang side. Madali mo makikita yun."

Nabuhayan ako ng loob dahil kahit papaano ay may pagkakataon kong makausap si Caju.

Nagpasalamat ako at agad umuwi upang magpaalam kay nanay na aalis muna.

Nagtungo ako ng Bicutan upang makita ang kaibigan ko. Kahit madilim na ay madali ko nahanap ang address na binigay sa akin.

Ikatlong bahay sa left side. Half concrete at grill na bakal ang bakuran kaya kita ko na agad ang kabuuan ng bahay.

Tumawag ako at nakita ako ng isang matandang lalake. Nakilala ko ang tito niya dahil ilang beses na kaming nagkita sa mga handaan sa bahay nina Caju.

"O Randolf! Ikaw pala yan? Halika pasok ka.

Kinabahan ako kahit kilala ko si tito at giliw na pinapasok ako. Maskinabahan dahil makikita ko na si Caju.

Pinaupo ako sa sa sofa.

" Caju may bisita ka!"

Tawag ni tito sa kaibigan ko.

Isang bata ang patakbong lumabas, pinsan iyon ni Caju na nasa edad anim marahil. Umupo pa siya sa kaharap na sofa para makita kung sino ang bumisita.

Nadoble ang kaba ko ng lumabas ang gulat kong kaibigan ng makita niya ako na nakaupo sa maliit na sala.

"Kuya siya ba yung boyfriend mo?"

Ang gulat namin sa sinabi ng bata at sabay kaming nmula ang mukhang nagkatinginan.

****

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon