Chapter 18

2.9K 141 13
                                    

Wala na ang kabigatan na dinadala ko sa aking dibdib mula pa kagabi. Tuluyan na akong naging malaya dahil tinanggap na ng aking mga magulang kung sino si Randolf. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Tuyain man ako sa aking kasarian okay lang. Di ko sasakyan ang iba sa anumang gusto at ayaw nila para sa akin.

Katawan ko ito,puso ko ito, desisyon ko ito kung ano ako.

Isang normal na umaga para sa aming tatlo ng mga magulang ang nangyari. Parang walang dramang naganap kagabi at ang aming samahan ay lalo pang tumibay.

Lalo kong minahal ang nanay dahil hindi siya nagpabaya sa akin.
Maging si Tatay ay higit kong pinahlaagahan dahil sa ginawa niyang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad sa akin.
Nasaktan man niya ako ay agad kong kinalimutan na dahil pamilya ko sila. Nagpapasalamat din ako at pinalaki nila akong may paggalang dahil hindi ako sumagot o lumaban.
Ngayon higit sa sino pa man, pamilya pa rin ang kakampi ko.

kinaumagahan ay nagreport kami upang formal na magresign sa aming trabaho. Valid naman ang reason namin dahil malapit na rin ang magpasukan. Masuwerte at hindi kami gaano nakarinig ng sama ng loob sa aming manager at agad kaming nauunawaan sa aming desisyon.

Nakakatuwa at nakuha din namin ang huli naming sasahurin sa loob ng huling dalawang linggo pagsisilbi sa fastfood. plano kong magcelebrate sa araw na ito.
Ewan ko,parang masaya ang pakiramdam ko at nais kong ibahagi ito kay Caju. Niyaya ko siya sa malapit na mall. Tiningnan ang schedule ng oras na palabas sa mga sinihan. Umakyat sa second floor upang bumili ng ticket sa napili naming oras.

May isang oras bago magsimula ang panonoorin namin kaya naisipan na muna naming manghalian.

Isang normal na umaga...na kasama ko ang matalik kong kaibigan at kakampi. Masaya ko na kasama siya ngayon dahil mas makabuluhan na para sa akin na kasama siya.

Feeling ko protektado ako ng mga akbay niya sa akin. Dati kabuntot o kadikit ko lang siya sa lakaran, kasama lang, kasangga lang. Iba na ngayon... may pagpapahalaga at kalidad. kung pwede lang makipagholding hands, kung pwede lang.

Sa ngayon titiisin ko dahil sinabi naman ni Caju na siya na ang bahala sa aming relasyon kung sakaling kailangan na ngang lumantad at magkalaman.

bumaba kami sa food court upang kumain, Lutong bahay ang aming inorder. Pareho kaming sawa na sa mga pagkaing kagaya na aming sinisilbi sa dating trabaho.

Ngayon ko naapreciate ang pagkagemteleman ni Caju.
Matapos kaming umorder ay pinaupo muna niya ako sa kalapit na lamesa, pinaghintay sandali at siya na ang nagdala ng tray ng pagkain na aming pagsasaluhan. Magiliw niyang inayos sa harap ko ang bawat plato at baso. nangingiti ako sa pinagagawa niya dahil sa panay kindat ng kaniyang mata.

"Pra kang timang."

Pabulong kong saway sa kaniya.

Ang totoo kinikilig ako sa inaarte niya. Kung dati ay magkatapat sa lamesa kung ganito ang sitwasyon, ngayon iba na.
Siya na mismo ang tumabi sa akin at halos magbanggaan lagi ang aming mga siko habang nakain.

Parang walang nangyari kagabi at hindi iyon sumagi sa paksa ng aming usapan. Hindi ko na pansin ang mga tao na kasabay naming gutom at abala sa pagsubo ng mga kinakain.

Noon 10 minuto lang ubos na ang nasa harap namin, pero ngayon nasisisyahan akong kumain ng mabagal dahil walang alalahaning kailangang magmadali.
Ang sarap kumain lalo na kung kasalo mo ang taong gusto mong kasama.

Samahan pa ng selfie-selfie na magkasama kami. Ito ang unang pagkakataon naming kumain bilang magboyfriend.

Grabe!

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon