Chapter 15

2.8K 134 23
                                    

Niyakap ko siya ng marinig ko sa kaniyang mga labi na mahal niya ako.
Dinama ko ang pagkatao niya sa harap ko.

Pinadama ko naman na mahal ko talaga siya.

Madali daw mafall ang isang bisexual.

Pero sa akin, kay Caju gusto ko mastranded. Gusto ko ng huminto ang bawat minuto ko na para sa kanya lang.
Yung wala ng kawala at ibuhos sa kaniya ang mga nasayang na panahon ko sa pagtatago at paglaban sa naramdaman ko noon na hinanap ko sa iba.

Ang laki ng pagsisi ko kung bakit hindi pa noon ako nagsabi sa kaniya ng tunay na pagkatao ko, matagal na sana kami nagkatuluyan. Mas masaya sana at walang komplikasyon ang buhay ko.

Nagpapasalamat pa rin ako na sa kabila ng nangyari nalaman ko na kasama ko siya. Katabi ko siya ngayon at naiba na ang tinatahak naming pagkakaunawaan.

"Mahal na mahal kita Caju."

Isang nanggigil na yakap ang ginawa ko dahil sa akala ko ay di ko na siya makikita. Akala ko ay lalayo na talaga siya.

Nagpapasalamat ako dahil sa nalaman ko na higit din pala sa pagkakaibigan ang gusto niya sa akin.

"Official na bang tayo na?"

Ang tanong ko para makasigirado.

"Tanga mo naman talaga oh. Eto na nga oh! Oh? Ano pa ba?

Kumalas siya ng yakap at iniliyad ang kaniyang mga bisig.Pinanlakihan pa niya ako ng mata sa kakulitan ko.

Niyakap ko muli siya at siya ay ganun din.

" Kung di ka nagselos kay Yuya,siguro di ko malalaman na gusto mo ako..."

Para akong bata na siniksik ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"Excuse me di ako nagselos!"

Depensa ni Caju.

"Nagselos ka, ayaw mo lang aminin...pero thankfull pa rin ako kasi kung di ka umalis di ko malalaman ang lahat."

" Ang alin?"

"Na mahal mo pala ako."

"Randolf,mahal kita bilang kaibigan. Lagi kitang kasama sa lahat. Magkadikit kahit saan. Noong nasaktan ka sa scandal na kumalat para na rin akong nasaktaan nun. Dalawang sakit yun! Doble ang dating.
Paano ba naman kasi nagawa mo yung ganung bagay sa di mo lubusang kilala. Ako ang kaibigan mo ni hindi mo sinabing bisexual ka pala. Hinayaan ko lang yun, kahit masakit sa akin dahil kaibigan kita.
Pero ng gabing may mangyari sa atin, nag-iba yung naramdaman ko sa iyo. Yung akala ko ay hindi ko maibibigay sa iyo ang ...yung ganun...dahil kaibigan mo ako.
Gusto kong lumigaya ka noong gabi na yun. Wala akong choice kundi ibigay ko rin dahil ...ayaw ko ring may mangyari sa inyo ni Yuya. Kagagaling mo lang sa ekandalo dadagdagan mo na naman isa pa.
Magsimula ka muli at gusto kong kasama ako dun. Noong gabing may mangyari sa atin, maligaya ako. Hindi ako nalito sa kasarian ko dahil ginusto ko yun.hindi ko alam kung gay o bi ako. Ang alam ko pwede kitang mahalin ng higit pa."

Nakayakap lang ako sa kaniya at nakikinig. Kahit hindi ako tumingin sa kaniyang mga mata ay alam ko na taos sa puso ang kaniyang sinasabi.

Mga ilang minuto kaming magkayakap. Tahimik lang kaming nagpapakiramdaman. Sinusulit ko naman ang pagkakataon na ito dahil sa kasiyahang si Caju at ako na.

Kami na ng bestfriend ko!!!

Itinaas ko ang aking mukha at tiningnan siya. Iba na ang rehistro niya sa akin. Dati parang normal lang sa akin na makita ang kagwapuhan niya. Pero iba na ngayon ang dating niya sa akin.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon