Chapter 10

2.6K 131 13
                                    

Tinatamad akong bumangon ng magising. Wala na rin ang dalawa sa aking silid ng lingunin ko ang magkabila panig ko. Nauna pala silang gumising at lumabas. Narinig ko pa silang nagkukuwentuhan. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Yuya kagabi. Kaya di ko alam kung paano ko na siya pakikiharapan ngaying umaga.

Patay malisya na lang akong lumabas, nagkakape ang dalawa ng aking abutan. Ngumiti ako sa kanila. Di naman masakit ang ulo ko liban lang sa sinisikmura ako kaya pinilit kong magbawas sa banyo. Naligo at nagpalit ng damit. Di ako makapagkape kaya nakunteto na lang ako sa tubig upang mabawasan ang uhaw.

Akala ko ay di na mamansin si Yuya dahil sa nangyari sa amin kagabi. Pero pasalamat pa rin ako at walang awkwardeness ang umagang ito sa aming dalawa dahil normal pa rin ang pakikitungo niya sa akin.

Walang kaalam alam si Caju talaga at himbing siya sa pagtulog. Sa mga kaibigan ko siya lang naman ang maaasahan ko sa lahat ng bagay. Nagpapasalamat ako maging sa sekswalidad ko ay di niya ako ikinahiya. Pero sa pagkakataong ito lalo na sa nangyari sa amin ni Yuya ay akin na muna.

Hindi na rin siguro na ikuwento ko pa na ako ay makaransan na sa kapwa lalake sa unang pagkakataon.

Pero habang tumatagal ang tambay namin at magtatangahali na para maghiwahiwalay ay napansin ko naman ang pananahimik ni Caju. Naging iwas siya sa biruan namin at maikli lang ang tugon niya sa aming mga usapan.

Gising kaya siya kagabi sa mga nagawa ko kay Yuya. Kinabahan ako na baka alam niya ang nangyari sa amin kagabi at nanahimik sa aming ginagawa.

Kung gising siya kagabi...
Pucha naman!
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa pagiging mapusok ko na pumayag sa gusto ni Yuya.
Kasalanan ko na naman at nagpadala ako sa tawag laman at di isinalang-alang na kasama ko nga pala siya.

Ako na kaibigan niya na ay gagawa ng ganoon dahil kahit noong nagkakainuman naman kami kasama ang ibang kontesero at dito rin natutulog ay di naging malikot ang kamay ko.

Ngayon lang! Ngayon lang ako gumawa ng ganito. Ngayong lantad na ako,nagagawa ko na ang gusto kong gawin? Paano kung tanggap nga ni Caju ang pagkabisexual ko pero di naman niya tanggap ang orientation ko pagdating sa kama na kasiping ang isang lalaki.

Iba pa rin ba ang pagtanggap sa sexuality sa pagtangtanggap ng nagtatalik na dalawang kasarian? At katabi mo pa ang nagpapasarap sa isat isa?
Nahihiya na talaga ako sa kaibigan ko at sa sarili ko kung bakit ba nangyari ang di dapat mangyari sa amin ni Yuya.

Sabay sabay na kami lumabas at para umuwi sa aming mga bahay. Ako sa nanay naman titigil maghapon. Wala nga palang pasok si Caju at nakaschedule kami ng alas tres ng hapon kasama si Mama Chona para maghanap na marerentang suit para sa pageant.

Nasa utak ko pa rin na alam na nga ni Caju ang nangyari sa amin ni Yuya. Magkasama nga kami pero malayo siya di gaya ng dati na nakikisabay siya sa akin sa pagbibiro o kwentuhan. Naninibago ako sa kaniya sa unang pagkakataon. Natatakot na ako na baka siya ay kagaya rin pala ng mga kaibigan kong lumayo sa akin.

Gumawa ako ng paraan na sana okay lang sa kanya ang nangyari. Naroong akbayan ko siya, magbiro o lokohin siya sa mga napipili niya. Nagrereact naman siya sa mga pakwela ko ngunit bakas sa mga mata niya ang pag-iwas.

Walang kaalam-alam si Mama Chona na may lihim na sama ng loob na ata sa akin ang isang alaga niya, at ako ang may kasalanan...na naman.

Kahit di ko na siya kausapin at tanungin dama ko na nailang siguro siya sa ginawa ko. Di ako nagpahalata na alam ko na gising siya kagabi kayat ginawang kong normal ang kilos ko na parang walang nangyari.

Kasama ko siya kaya ang mga gawain namin ang dapat unahain.
Nakapagpareserve na kami ng damit na gagamitin. Nagpakyha kami ng larawan na ipapadala sa pamunuan ng pageant. Profile pic at isang whole body na lang at aantayin ng dalawang araw ang tugon kung pasok kaming dalawa.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon