Chapter 12

2.4K 138 25
                                    

Galit na galit si Mama Chona sa ginawang desisyon ni Caju. Nagpaalam siya na aatras na ng di sinabi ang dahilan kung bakit.

Di ko masabi na ako ang dahilan kaya siya umayaw. Masama talaga ang loob niya sa akin sa nagawa ko. Maging sa aming trabaho ay di siya pumasok.

"Kausapin mo yang kaibigan mo ha. Kung kelan malapit na dun pa siya dadagain? Anu yan? Paggusto niyang umatras wala lang? Dapat sa una palang sinabi niya na ayaw niya. Kumpleto na ang slot ng candidates, dalawa kayong pasok sa mga napili tapos aatras? Kausapin mo yan ha!"

Ngayon lang nagalit si Mama Chona sa amin at ayaw kong makadagdag pa sa sitwasyon. Kailangan ko na talagang kausapin ng masinsinan si Caju. Kung kailangang lumuhod ako sa pagsosorry gagawin ko magkaayos lang kami. Hindi dahil sa contest kundi sa ayaw ko siyang magalit sa akin.

Ayaw kong nagkakasamaan kami ng loob ng dahil sa ginawa namin ni Yuya.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho sa fastfood matapos kaming mag-usap sa phone ni Mama Chona. Tila robot akong gumagawa na lang ng di ko namalayan na uwian na pala.

Nagmamadali akong nag-ayos para mapuntahan si Caju sa kanila. Nang marating ko ang subdivision namin.
Di na ako sumakay ng tricycle, ikalawang kanto lang naman ang bahay nila kayat madali kong nilakad na lang.

Sa daan nag-iisip na ako kung paanong bungad ba ang sasabihin ko.Tumabi ako sa gilid ng kalsada ng maramdaman kong may paparating sa likuran ko. Huminto sa gilid ko. Isang motor.
Si Yuya...

"Punta ka ng court?"

Tanong niya sa akin.

Di ko inaasahang magkita kami.

"Kina Caju sana...wala ka bang hahatid mamaya?"

"Mamaya pa 8 ng gabi hatid ko. Tara kina Caju."

Wala na akong magagawa kundi ang umangkas. Walang rason para tanggihan ko siya sa kanyang paanyaya papunta sa aking pakay.
Iba naman ang rason ko kay Caju. Kailangan kong ipaunawa sa kaniya na kasalanan ko rin ang nagawa namin ni Yuya.

Dumating kami sa tapat ng bahay nina Caju. Alam kong dinig sa loob ng bahay nila ang aming pagdating kayat maririnig ni Caju na narito lang kami sa labas.

Kailangan nang magkalinawan sa aming tatlo na ang nagyari sa amin ni Yuya ay dala lang ng kalasingan.

Mama ni Caju ang lumabas ng tumawag kami. Wala siya at nagpunta sa kaniyang tito sa Bicutan. Di na namin inalam ang dahilan kung bakit kayat umalis na lang kami ni Yuya pabalik sa aming mga bahay.

Sa daan iniisip ko na baka emergency lang ang dahilan kung bat di siya nakapasok sa trabaho at wag sanang dahilan ang di namin pagkakaunawaan.

Nakarating kami ng bahay. Ipinuwesto muna ni Yuya ang motorsiklo sa gilid ng kalye at saka ako bumaba.

Nais kong magkaroon ng tuldok ang nararamdaman ko para kay Yuya dahil di maaring lumalim pa ang nangyari sa amin. Ayaw kong tumalon sa konklusyon na gusto rin niya ang ginawa ko laya siya nagpaubaya.

"Dre pwede ba tayo mag-usap?"

Kabado ako na buksan ang tungkol sa nangyari sa amin noong lasing kami.

"Bakit dude,may problema ba?"

Kung sa ibang kagaya ko malaking panghihinayang siguro na bumitiw sa nararamdaman ka Yuya. Pero kailangan ko ring isaalang alang ang mga pangyayari sa buhay ko na dapat maging maingat sa lahat ng desisyon na gagawin.

Tama si Caju kung bakit siya nagagalit sa akin. Dahil sa masyado akong mapusok.

"Dre sorry sa nagawa ko sa iyo ha."

Ayan na sabi ko na!

"Huh? Sorry? Bakit ka nagsosorry?'

Pagtataka niya sa aking nasabi.

" Sorry sa nagawa ko sa iyo..."

"Dude, anong sorry? Di kita magets?"

"I mean sorry sa nagawa ko sa iyo nung nag-inuman tayo."

"Nag-inuman tayo? Dude inaway mo ba ako nun?"

"Wala kang matandaan?"

"Matandaang ano? May sakit ka ba? Ano ba yang pinagsasabi mo?

"Nung gabing lasing tayo? Nung magkakatabi tayong matulog? Di mo natatandaan yun?"

"O nakatulog ako, tapos wala na maayos naman akong nakadapang natulog noon? Maayos naman tayong naghiwahilay kinaumagahan anong dapat ipag-sorry mo?"

"Wala kang natatandaan na may nangyari sa atin?"

Pati ako nalilito na rin sa nangyayari.

"Dude walang nangyari sa atin. Ano ba yang sinasabi mo?"

Inalala ko ang gabi na magkakasama kami. Imposibleng panaginip ang lahat ng iyon dahil gising kami pareho. Ang paghawak ko sa kaniyang hita at sa harapan niya. Ang pagababa ng kanyang zipper at pantalon . Ang pag subo ko sa ari niya. Ang papupunas niya ng matapos niyang labasan. Imposibleng di niya alam ang lahat.

"Nung sumuka ka nag-ayos pa kami ng kalat natin. Natandaan ko pa na nagwalis pa si Caju ng sala. Tapos umuhi ako, kasunod siya. Sabay kami pumasok. Tapos yun nahiga siya sa right side mo, ako naman sa kaliwang side mo dumapa."

Kaliwang side...pucha!
Sa kaliwang side natulog si Yuya?

Anak ng...

Nanglambot ang tuhod ko na mabuo sa isip ko ang lahat ng pangyayari.

Hindi si Yuya ang nakasiping ko ng gabing iyon kundi si...si..si Caju ang natikman ko?!

"S-sige dre pasok muna ako sa bahay,baka naghihintay na si nanay."

Alibi ko na lang sa kanya dahil sa gulo ng utak at narardaman ko.

Nanlalamig ang aking mga palad ng pumasok derecho sa aking kwarto. Ni hindi ko na napansin ang nanay. Pata ang katawan ko sa natuklasan na hindi si Yuya kundi si Caju pala ang ginapang ko.

Ngayon ko napagtanto kung bakit iwas sa akin ang bestfriend ko.

Gusto ko siyang makita ng personal.
Gusto ko siyang makausap at linawin ang nangyari sa amin.

Nalilito na ako sa nangyayaring sa amin ng kaibigan ko....

*****

Dalawa lang ang posibleng mangyari, may masisira ba may mamumuo kaya sa magkaibigan. Next Chapter po uli!

*sorry ha ha ha.napaaga ang gawa ko akala ko after two days pa ako makakagawa. Kung kakayanin po ng sched baka maisingit ko. Super busy lang po kasi sa trabaho.

Again, thanks sa mga votes ang good comments sa mga previous work ko. Inspiring po yung mga sinabi nyo. Salamat po sa lahat.







KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon