Chapter 4

3.4K 149 9
                                    

"Tumawag ang facial clinic. Di kayo nagreport para session nyo dun?ano sasayangin nyong dalawa yung prize nyo? Sabihin nyo lang at mukha ko sasalang ko dun?"

Galit si Chona dahil di kami sumipot sa unang session namin ng facial cleaning na napanalunan namin ni Carl Julian. Concern siya hindi sa panghihinyang kundi dahil kailangan namin iyon bilang paghahanda sa big event ni mayor na sasalihan namin.
Tahimik lang kami ni Carl dahil maging siya ay hindi rin nakapunta sa clinic.

"Kung iniisip mo yung nabalitaan ko at nakita ko sa facebook wag kang mag-alala. Di mo kailangan magpaliwanag."

Para naman akong lulubog muli sa kahihiyan dahil alam kong bukod kay Chona ay marami pa ang nagpiyesta sa naibuyanyang ko sa chat na iyon.

"Hindi ikaw ang first time na inirampa ko na ganyan. Kaya uli-uli iwasan mo munang mag-update ng status mo. Di mo kailangan magpaliwanag sa kanila. Lalo ka lang masasaktan. May mga tao na nabigla sa nakita nila at nalaman sa iyo pero higit mong kilala ang sarili mo. Lilipas din yan."

Parang isang nanay talaga si Chona pagdating sa paalaala. Akala ko ay panghihinaan ako ng loob sa nalaman niya. Higit sa lahat mga katulad niya ang makakaunawa sa akin.

"Thank you mama."

Bilang manager ko ay mama ang tawag ko sa kanya. Siya naman talaga ang nag-aasikaso sa amin sa lahat bilang talent.

" Di ko na po alam ang gagagawin ko..."

Kahit anong pilit ay iniisip ko pa rin ang kumalat kong larawan . Wala sa akin ang rumampa sa stage ng nakatrunks at husgahan ang itsura ko dahil contest iyon.

Iba ang internet,dahil di nila ako lubos nakilala,madaling husgahan ang isang tao ng ganun-ganun na lang depende sa kanilang nakita. Tinalikuran na ako ng ilang mga akala kong kaibigan at masira ang pagsasamahan namin dahil sa nalaman nila.

Ang hirap...

Ang sakit pala...

"Narito naman kami pare,hayaan mo na yun..."

Inakbayan ako ni Carl Julian bilang pakikiramay sa nararamdaman ko.

Lubos ang pagpapasalamat ko dahil kahit kailan ay di niya ako iniwan lalo na sa pagkakataong ito.

"Payo ko sa iyo dun ka muna sa nanay mo umuwi. Makiramdam ka kung alam na nila o natsimis na sa kanya ang issue mo. Maiintindihan ka nun. Basta huwag ka lang gagawa ng di maganda ha."

"Wala naman akong balak na di maganda eh.."

"Sinasabi ko lang. Mamaya suicidal ka pala."

"Mama na man!Hindi na naman uy!"

"Basta hayaan mo na lang sila. Kung sino man ang nakakita scandal mo isipin mo na lang na may kasalanan din sila kasi inenjoy nila ang angry bird mo ha ha ha!"

Namula naman ako sa hiya dahil kahit baba ko lang ang nakita sa nude selfie na yun alam niya ako talaga ang tao sa photo scandal na kumalat.

Wala na akong magagawa kundi sundin ang payo ni Chona at Carl Julian na balewalain na lang ang nagyari at tanggapin ang lahat kesa pasamain ko lang ang loob ko dahil di ko na mababalik ang nakaraan.

Sinamahan kami ni Mama Chona kumain sa labas at nagpafacial. Matapos noon ay sinamahan ako ni Carl na kumuha ng ilang gamit dahil doon muna ako matutulog sa bahay ng nanay.

Kung baga sa isang ibon iba pa rin ang magpahinga sa tunay na pugad.

Pagod na akong mag-isip kaya kay nanay ako hihingi ng lakas ng loob.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon