Chapter 14

2.6K 148 30
                                    

Grabe ang sa sinabi ng bata pagkakaita sa akin.

Kung pwede lang maging pagong at itago ang ulo ko sa hiya.

Para naman talagang akong aakyat ng ligaw sa eksena namin.

"Jeswil wag maingay pag may bisita."

Saway ng tito ni Caju na busy sa nagtitimpla sa isang pitsel.

Si Caju namay kahit medyo napahiya ay matabang ang reaksyon sa akin. Pasalamat pa rin at hinarap niya talaga ako.
Nandoon pa rin ang malasakit niya sa akin.

Umupo siya sa ka sofa ng hindi natinhin sa akin.

"Umm...sinabi kasi sa inyo na nandito ka raw kaya nagpunta ako. Gusto ko sana makipag-usap sa iyo.. Sa...

Nahinto ako sa aking sasabihin dahil lumapit sa amin si tito at naghain ng malamig na orange juice.

"O, uminom ka muna iho."

Nagpasalamat ako sa matanda sa kaniyang kabutihan,saka siya nagpaalam at nagtungo sa labas para sa aming pag-uusap ni Caju.

Sa aking pagpapatuloy...

"Ano...kasi..kaya ako narito kasi gusto ko sana.."

Di ko alam kung paano ko sisimulan...takte! Hinintay ko pa ipinid ang pinto na sala  na lumabas si tito.

"Kuya Caju dito rin ba siya matutulog?"

Sabat uli ng bata...

Anu ba beh di na ako makatapos!
Sa isip ko.

"Di ba sabi ng tatay Milo wag daw maingay."

Bulong ni Caju sa bata.

"Ano..di ba tayo magkakaayos?
I mean sorry sa nagawa ko."

"Ano ba ang nagawa mo na dapat mong ihingi ng patawad?
Ginusto ko rin naman yun..."

Ingat si Caju sa bibitiwang salita dahil sa kandong niya ang bata.

...yung nangyari sa atin."
Pagpaaptuloy niya .

"Sorry talaga kasi akala ko ikaw..."

"Akala mo ako si Yuya? So, si Yuya talaga ang target mo?"

"Caju, di naman sa ganun."

"Yun na nga di ba? bakit ka pa nagpunta kung si Yuya ang hanap mo?"

Naiiyak na ako sa pananabla ni Caju.

"Di ko kayang gawin sa iyo ang gusto ko dahil natatakot ako na mandiri ka sa akin. Natatakot ako na dahil sa pagkatao ko at hangarin ko na makipagrelasyon sa iyo ay umayaw ka at mag-iba na ang pagtingin mo sa akin. Takot akong ikaw mismo ang magreject sa akin dahil baka layuan mo ako o layuan kita sa hiya. Pinaglabanan ko ang tukso na magkagusto sa iyo dahil malaki ang naitulong mo sa akin. Dugo mo rin ang nagdugtong sa buhay ko dahil sa tatay mo. Kahit gusto ko ng ipagtapat sa iyo ang katotohanang bi ako, di ko kaya dahil natatakot ako...Nalilito sa tunay kong kasarian noon. Noong iwan ako ng akala kong mga kaibigan nandoon ka lang sa tabi ko. Nagkamali ako sa mga nagawa ko pero ikaw ang nagtulak sa akin na magpatuloy.
Caju sabihin mo sa akin.
Maiisip ko pa bang samantalahin ang pagkakataong mahal kita gayong napakarami ko pang atraso sa sarili ko...sa iyo...
Ayaw kitang mawala, alam ko nasaktan ka sa mga desisyon ko ng hindi ka kasama. Naramdaman ko rin ang sakit dahil di mo rin ako sinama sa mga desisyon mo."

Umiyak na ako ng tuluyan habang nakatingin sa kaniya. Maging siya ay nangingilid na rin ang luha.

"Caju please magkaayos na tayo. Sorry na. Bumalik ka lang sa dati, magsisimula uli ako basta nadoon ka lang...sa tabi ko."

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon