Chapter 11

2.5K 133 13
                                    

Nabigla ako sa tanong ni Caju...

"Ano klaseng tanong yan"

"Seryoso,may gusto ka ba kay Yuya?"

"Bago lang natin kakila yung tao iniintriga mo na agad."

"Di mo pa ako sinasagot."

"Di ko alam e...siguro."

"Sige dre tulog na ako."

"Teka lang, iiwan mo na agad ako sa ere?"

"Bakit ka ba nagtext? Ano ba kailangan mo?"

" Galit ka ba kung may gusto ako kay Yuya?"

"Bat naman ako magagalit? Buhay mo yan."

"Sa reply mo galit ka dude."

"Matutulog na ako."

"Caju wala namang ganyanan ikaw lang bestftiend magagalit ka pa.

" Sino nagsabi sa yong galit ako?"

"Kaninang umaga pauwi tayo,sa photo session,sa gym. Kanina ka pa wala imik."

"Ano gusto mo palabasin?"

"Galit ka nga."

"Sus,wala lang imik galit na? Di ba pwedeng wala sa mood o tinatamad lang?"

"Naninibago ako sa iyo e. Di ka naman dating ganyan."

Wala pa siyang reply

"Caju huy! Magsabi ka nga, ano ba problema."

"Wala akong problema ang kulit mo!"

"Sige solohin mo yan tapos sabihin mo wala ako ginawa."

Naaasar na ako sa mga reply ni Caju na walang pinupunto. Hindi naman siya dating ganito na mausisa sa mga ginagawa ko. Pilit ko lang inililihis ang usapan patungkol kay Yuya o talagang may problema siyang dinadala na hindi sinasabi sa akin.

"Caju ano na?

" Inaanatok na ko pwede."

"Oo may gusto ako kay Yuya,masaya ka na?"

"Sasagot ka rin pala dami mo pa sinasabi. Sige, good night!"

Inis at pag-aalala ang nararamdaman ko sa huli niyang mensahe.

Inis dahil sa nasabi kong may gusto ako kay Yuya. Pag-aalala na alam niya ang nangyari ng magkakasama kami.

Nasasaktan ako sa mga naiisip ko na kaya siya nagkakaganoon ay di niya ang tanggap ng lubusan na lantad ako, na ang bestfriend niya ay talagang bumigay na.

Paano kung pati siya ay kagaya din ng iba na nilayuan ako.
Mabait at disenteng tao ang kaibigan ko kaya malayo sa hinagap ko na layuan ako. Galit nga siya sa akin sa nagawa namin Yuya at ang nakakahiya ay katabi lang namin siya at ni hindi ko isinaalang-alang na ang ganoong pribadong bagay ay ilantad ko rin sa kanya.

Kasalanan ko na naman ito. Nagakamali ako na hayaang may mangyari sa amin ni Yuya.

Masisi ko ba siya kung hindi sumama ang loob niya sa akin?
Di ko pa nalalampasan ang eskandalo na nagawa bibiua na naman agad ako ng isa pa.

Tama nga siguro si Caju na magalit sa akin. May karelasyon si Yuya. Nasa akin ang problema.
Paano kung ako ang maging dahilan ng kaguluhan ng dalawa?
Paano kung maulit uli ang nangyari sa amin?
Paano kung masira na naman ako sa mga pinaggagawa ko?
Paano kung sugurin ako ng kabit niya?

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon