Chapter 16

2.7K 131 1
                                    

Masaya kaming umuwing  upang simulan ang aming bagong relasyon.
Sa ngayon lihim na muna  ang namamagitan sa amin.
Ngayon wala na akong pakiaalam kung malaman ng iba na kami na, pero aantayin ko pa ang go signal ni Caju kung pwede ng lumantad.

Parang tumapang ngayon ako na ilabas ang tunay kong pagkatao.
Ano ngayong kung may karelasyon na ako. Kilala ko na naman ang mga taong tanggap ako. Di ko na inisip ang pangungutya na maaring kaharapin ko pa. Nagkascandal na ako dahil sa pagkakamali ngayon pa bang tamang lalaki na ang tumanggap sa akin?
Ngayon pa ba ako maduduwag?

Kay Caju ko na ipagkakatiwala ang relasyon namin. Sa kanya ko na ibubuhos ang lahat ng atensyon ko dahil sa pagkakataong ito.

Ito na nga yata ang pinaka tamang desisyon na nagawa ko.

Magkatabi kami sa van habang nabiyahe. Noon nagagawa kong sumandig sa kaniyang balikat pag inaantok na kaniyang laging pinagbibigyan hangang sa akoy makatulog ng walang reklamo.

Ngayon higit pa roon ang nagagawa ko dahil magkahawak na kami ng kamay,bagamat natatakpan ng kaniyang back pack.

Ngayon ko naappreciate ang pagiging gentleman ni Caju. Naroong ayusin pa niya ang pagkakasandig ng ulo ko sa kaiyang balikat. Ang alukin pa ako ng baon niyang tubig o abutan ako ng candy. Ngayon ko napagtanto na ang mga concern na ginagawa niya sa akin ay noon pa pala niya ginagawa at binabalewala ko lang.

Ang swerte ko pala ay nasa tabi ko na noon pa.

Masyado ko ngang sinamantala ang kaniyang kabaitan. Si Caju na taga absorve ng lahat ng problema, nandoon siya para makinig lang sa mga sumbong,
kasama pagnababagot,
kabuntot kahit saan ng walang reklamo.
Inuuna pa niya ang pagtulong sa akin bago ang sarili niya.
Ang tanga ko talaga kung papalagpasin ko pa ang isang kagaya niya.

Kung pwede nga lang halikan siya  minuminuto para bawiin ang lahat ng kakakulangan ko.

Makakapagtiis pa naman ako. Kung may pagkakataon baka higit pa sa blow job ang magawa ko para sa taong ito, malaman lang talaga niya kung gaano ako kaseryoso sa aming relasyon.

Nakarating kami sa aming subdivision. Pinatambay ko muna siya sa aming tahanan upang makapagmirienda.
Magkatabing nanood ng tv, nagkwentuhan, nakawan ng halik kung wala si nanay sa paligid.

Corny sa iba, pero parang nalungkot ako ng nagpaalam na siya para umuwi.
Ayaw ko ng matapos ang maghapon namin.

Ganito pala ang mainlove?

Pasensya na po pero wala talaga akong naging karelasyon sa buong buhay ng pagbibinata ko.

Tamang taong bahay pagkagaling ng eskwela at basketball.
Mabuti nga at nakapagtrabaho para makaranas ng hirap.
Si Caju ang numero unong nagdrive sa aking mag-apply sa fast food. Laking kawalan talaga ng malaman  ko na nagresign siya kaya ganito ako kadesperado dahil ayaw kong magkahiwalay kami.

Kulang ako kung wala ka - mga ganung theme song.

Lalong laking kabawasan kung sasayangin ko nag pagkakataong minahal niya ako.

"Sige na uwi ka na. Text-text tayo mamaya?"

Paalam ko sa kanya habang hinahatid ko siya sa labas ng bahay.

"Oo naman,mamaya text tayo."

Masaya niyang paalam habang palabas

"I love you."

Pabulong kong paalam.

"Gagu wag ka maingay.Sige na pasok na kasi! Mamaya uli..."

Sinara niya ang gate bago makalayo ay hinalikan pa niya ako ng patago. Kinilig naman ako ng sa malayo ay kita kong labi niyang nag muestra ng
I LOVE YOU sa akin.

KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon