Chapter 7

2.8K 134 12
                                    

Nagising ako ng pasado ala sais,maaga sa inaasahang dati kong gawi kung magising. Himala at naunahan ko pa ang alarm sa phone ko.

Nag-inat pandali, nagsit-ups at push ups upang maikondisyon ang katawan. Lumabas ng silid at nagtungo sa kusina derecho ng palikuran upang magbawas.

Maingay na ang washing machine tanda na naglalaba ang nanay sa likod bahay. Naghilamos at kumain ako ng agahan.

Dalawang balot ng pandesal ang nasa mesa. Ang isa doon ay para sa mga aso. Ako na ang magdadala noon para sa kanila.

Matapos makapag-almusal ay nagtungo na ako sa kabilang bahay para sa agahan ng mga alaga ko. Papauwi ay dumaan muna ako kina Caju, nagbabakasakaling gising na siya. Alas nueve ang pasok niya kaya may isang oras pa kami para maglaro ng basketball.

Naabutan ko pa siyang papalabas ng kanilang bahay.

"Game!"

Ang sigaw niya sa akin habang papalapit ako. Babalik kami ng bahay para kunin ang bola at para madaanan namin si Yuya.

Saktong inilalabas ni Yuya ang kaniyang motorsiklo ng maabutan namin.

"Game?"

Nagkatinginan kami ni Caju ng papalapit kami dahil parang nangyari na ang pagbati niya kanina.

"Si Caju, Caju si Yuya.Sayaw kayo."

Pabirong pagpapakilala ko sa kanila at nagkamay ang dalawa habang kinuha ko naman ang bola sa garahe namin.

Nagtungo kami ng court.

Okupado ang kabilang ring side ng apat na kabataan naglalaro doon.

Sa katapat na ring naman kami pumuwesto. Gaya kahapon ay shooting lang din ang aming ginawa. Para may challenge ay lusutan sa pagitan ng mga hita ang parusa sa kung sino man ang di makashoot ng dalawang sunod.

Sa una at pangalawa ay ako ang nakaranas ng parusa,sumunod si Caju tapos si Yuya hangang. Tawanan lang kami pag naglulusutan ang isa sa amin.

Sa tawanan at asaran ay napapatingin sa amin ang mga naglalaro sa kabilang court. Napansin ko rin kung paano ang isa doon ay may pang-asar na tingin. Yung bang tingin na may pangungutya.

"Mga bading kasi."

Isang parinig ang di nakalagpas sa aking tainga. Nag-eenjoy pa sa pagshoot si Yuya ng magyaya na si Caju na bumalik sa amin.

Alam niya ang dahilan kung bakit nag-iba ang timpla ng mukha ko.

"Tara,papagod na ako."

Aya ni Caju na itigil na namin ang paglalaro.

Alam kong ako ang pinaringgan ng isa sa naglalaro sa court. Minabuti kong umuwi na nga kahit gusto ko pa maglaro.

Ayaw ko ring makipagbasag ulo sa ganoong paanya ng pang-iinis.

Tatlo kaming bumalik sa bahay. Pinaglabas ko sila ng malamig na tubig at naupo sa gutter ng harapan ng bahay namin.

"Maaga ba pasok nyo?"

Tanong ni Yuya.

"Ako mamaya pang 8, si Randolf 11 pa mamaya."

Sagot ni Caju. Tahimik lang ako at nawalan ng ganang makipagkwentuhan. Nasa court pa rin ang isip ko. Sa isang naglalaro doon.

"Epal yung isa doon no?"

Tanong ni Yuya

Narinig din pala ni Yuya ang pasaring sa akin.

"Ako yung sinasabihan nung isa dun.."

"Huy!"

Saway sa akin ni Caju sa sinabi ko.

Ano ba dapat ko itago kung kalat naman pala sa ilan ang kasarian ko. Mabuti na sa akin malaman ni Yuya ang issue kesa sa iba.
Tiningnan ko si Caju at sumilip sa aming likuran baka naroon si nanay. Nahihiya pa rin ako sa kaniya.

"Ako yung bading na sinasabi kanina. Bi ako."

Isang pag-amin kay Yuya kahit bago ko lang siyang kakila.

Nakatingin lang sa akin ang dalawa. Parang mas gulat pa si Caju sa sinabi ko kesa kay Yuya na nakatingin lang sa akin ng normal lang.

"Ako nga kabit lang e. Yung syota ko ngayon ako kinabit."

Ngayon kami naman ang nabigla.
Ano to,payabangan ng tinatagong baho?

Nagpaalaman kami at nauna si Caju dahil papasok pa siya ng maaga. Ako namay sa kabilang bahay tutungo upang paliguan ang mga aso at maghahanda sa pagpasok.

"Alas nueve ang out mo di ba? Daanan na lang kita sa trabaho mo pauwi para sabay na tayo."

Napangiti naman ako dahil dadaanan ako ni Yuya.

Gumaan ang kalooban ko dahil kahit alam na niyang Bi ako ay di man lang magbago ang pakikitungo niya sa akin.

Masaya ako dahil hindi siya nailang sa kung ano ang aking sexual orientation at bukas ang kaniyang pagtanggap. Kahit paano ay nabawasan ang inis na naramdaman ko kanina.

Natapos ang gawain ko sa kabilang bahay at pumasok sa trabaho.
Kahit nakakapagod sa pagsisilbi sa mga customer ay magaang ang kalooban ko. Abala ang katawan ko sa trabaho at abala din ang utak ko na kailangan ko na ngang mag-adjust sa mga maari oang mangyari sa akin.

Yung kanina sa court, parinig pa lang yun. Hindi ko dapat patulan. Hindi ko dapat sakyan. Bakit ba ako magagalit e totoo naman. Sila ang may problema at hindi ako dahil tanggap ko na sa sarili ko na "bading kasi" ako.

Walang dapat patunayan sa kanila. Dahil kung papatulan ko sila, ako rin ang mukhang tanga gaya ng ginawa sa akin ni Brian.

Di ako dapat magpaapekto. Aminado na ako sa aking sarili at di na dapat magsinungaling pa sa iba. Ang maasar talo...

Natapos ang shift ko at pasado alas nueve na. Nakakapagod ang paulit ulit na gawain kaya tagtah ang katawan ko. Sa paglabas ko sa fast food natanaw ko sa katapat na gasoline station si Yuya. Nakita niya ako at kumaway sa akin.

Tumawid ako ng kalsada upang lapitan siya. Bakit ang saya ko.

"Kanina ka pa dyan tol?"

"Mga 15 minutes siguro. Tara."

Lihim akong nasisiyahan ng umangkas sa kaniyang likod.

"Wag ka diyan kumapit."

Saway niya sa akin dahil ang kamay ko ay nakakapit sa likod ng inaangakasan ko.

Inilipat ko ang aking kamay sa kaniyang balikat.
Nagulat ako dahil inalis niya ang pagkakapatong ko doon.

"Dito ka kumapit. Nahihiraoan ako sa iyo e."

Napatanga naman ako dahil inilagay niya ang mga kamay ko sa kaniyang beywang at saka niya pinaandar ang motorsiklo.

Gaya kagabi niyaya muli niya akong mag-inom sa kaniyang tinutuluyan. Apat na beer muli ang kaniyang inilabas. Kumain muna ako bago lumabas ng trabaho dahil nagbakasakali lang din ako na magyaya siya ng inom.
Hindi nga ako nagkamali.
Masaya kami nagkwentuha.

Nakakatatlong tagay pa lang ako sa inaabot niya ng magsimula siyang magtanong.

"Pre wag ka magagalit ha. Kelan ka pa naging bading?"

"HUH?"

*****

Ouch! Masakit po kasi ang paa ko kahapon due a past injury tapos kahit nakasaklay umattend pa ng fund raising para sa mga less fortunate children. Salamat po uli sa mga nag-add at nagvotes specially sa mga nagcomments.





KONTESERO (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon