Chapter 17-Deal part 2

724 18 0
                                    


Zealu's Pov.

Nandito parin kami sa restaurant hanggang ngayon. Gusto ko sanang magtanong pagkatapos ng tanong ni Keith pero shut up daw muna at kumain.

Anong magagawa ko. Eh nagugutom na rin naman ako edi kakain na muna. Kumakain kami ngayon ng Pasta. Ewan nakalimutan ko ang name ng pasta na inorder ehh.

Wala naman kasi akong paki sa names. Nakadepende kasi ako sa image. Kung masarap tignan edi yun ang inoorder ko.

Since natapos na din kaming kumain. Siguro naman pwede na akong mag tanong.

"Mom bakit bawal sabihin sa iba na nandito na ako sa Canada??" natanong ko din sa wakas.

"dahil ayaw namin ng parents niya at kami ng dad mo na maging usap usapan sa Pilipinas na i aarrange marriage ka. Gusto naming palabasin na nag kainlovan kayo at tumigil na kayo sa pagiging player niyo simula ng nagkita kayo dito sa Canada" pagpapaliwanag ni mom saakin.

So all this time nakaplano na pala ang future ko.

"pero bakit??? Para saan ito?? May kinalaman ba ito sa business??"

"oo may kinalaman ito sa business. Ayaw namin na maging usap usapan na ang susunod na magmamana ay isang player. Baka bumagsak ang kompanya natin dahil doon." sabi ulit ni mom..

"Ibig sabihin ba na kahit anong gawin namin. Tuloy parin ito?? Hindi na kami pwedeng makatanggi? Yun ba ang gusto niyong ipahiwatig?" naguguluhan na tanong ni Keith

"tama ka anak. Kahit anong gawin niyo wala na kayong magagawa para itigil ang marriage niyo" sabi ng mom niya.

"May request ako mom. Last na ito at susunod na ako sa mga utos niyo" sabi ko kay mom.

"sige ano iyon?"

"pakisabi kay Casey na wag na akong hanapin at magpatuloy na sila sa buhay nila na wala ako sa tabi nila. Paki sabi din na wag sasabihin sa iba dahil alam ko namang bawal sabihin sabi niyo ni dad"

"Last request na ba yan at susundin mo na talaga mga gusto namin para sayo?" tanong ulit ni mom para siguro makasiguro na hindi ako nagdadalawang isip.

Kaya tumango nalang ako kay mom.

"Then ibibigay nalang namin ng mom ni Keith ang mga bawal niyong gawin at kaylangan niyong gawin. Ipapadala nalang namin sa bahay niyo"

"Okay"

"Then that's a deal"

Casey's Pov.

Ring riiiinggggg📱📱

Ipinark ko muna yung kotse ko sa hindi kalayuan para masagot ko ang tumatawag.

"Hello?" wala kasi yung number sa contacts ko so hindi ko kilala ang may ari.

"Hey Casey. Mom ito ni Zealu. Pinapasabi ito ni Zealu. Ok lang daw siya wag niyo na daw siyang hanapin pa at kalimutan niyo na daw siya. Paki sabi sa dalawa niyo pang kaibigan."

"sige po tita sasabihin ko po sakanila Colleen ang tungkol dito."

"thank you. Goodbye"

"sige po"

Inend call na din ni Tita ang call.

Siguro nga ayaw niya na talagang magpa abala pa. Malay natin masaya na talaga siya sa Canada. Good thing hindi namin sinabi sa kahit na sino kung nasaan si Thania.

Inistart ko na ang kotse. Yung kaninang plano kong pumunta sa bahay namin with my mom. Hindi ko na natuloy.

I call Colleen and Jessa na pumunta sa Crystal Bar na malapit lang sa may Villa.

Four play girls meets Six play boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon