Colleen's Pov.Pasukan nanaman. Monday na ngayon apat na araw nang nakalipas ang pool party sa bahay nila Shin.
Lutang na lutang si Jessa ng panahong iyon.
Hindi siya mapakali na ewan.
Sabi naman namin ni Casey na mag move on na siya baka naman wala namang nangyari nung gabing iyon.
Contest na namin ngayon sa broadcasting.
Nung Sabado kasi lumaban din kami. Kaya naman nakasama kami para sa makikipag laban sa RSPC.
Magagaling din ang mga kalaban namin dahil mostly mga seniors na sila.
Sa ngayon ay nag aayos na kami ng mga gamit na dadalhin.
Dinala na din namin ang isang laptop at ang mga teachers na daw bahala sa printer.
Si Kib pala nag transfer na din sa school.
Siya ang pumalit sa pagiging broadcaster.
Siya pala ang sinasabi ng teacher na magaling na broadcaster.
Naka abot na daw kasi siya sa ISPC.
Eh kaming apat nila Zealu hanggang NSPC lang ang naabot.
Baka may pag asa kami sa panahon na ito na manalo dahil sakanya.
Kaya naman ng natapos na ang pag aayos namin ng gamit ay lumabas na kami.
Sabay sabay na kami nila Casey, Jessa at Kib.
Ginamit nalang namin ang Van nila Kib since madami kaming dala ngayon. May maleta din kami.
Unti lang naman lagay niyan. Dalawang araw kasi kami sa school na pag cocontestan namin.
Medyo malayo layo din ng unti. Sa first day naman kasi ang gagawin namin ay contest na.
Then sa second day pahinga at mamasyal. Para na rin daw sulit naman ang pagpunta namin.
Pagkapuntang pagkapunta namin kung saan kami magkikitang lahat ay hinila agad ako ni Kib papunta sa mga kasama namin.
Bitbit niya ang bag ko at bag niya.
"wow hawak kamay. May progress ata sainyong dalawa Mr. Scott"
naglolokong sabi ni ma'am.Pinag papartner kasi kaming dalawa ni Kib. Ewan ko ba sakanila.
Well at least hindi lang pala si Dave ang paglalaruan ko sa taong ito.
Napakamot si Kib at binitawan na ang kamay ko.
Agad ko namang binalik ang pagkakahawak. Trip ko bakit ba. Uunahin ko muna siya bago kay Dave.
Nag aalangan ako kay Dave. Mas okay siguro sa ngayon na lumayo muna ako sakanya.
Hindi ko kasi kayang saktan si Dave sa ngayon. Lagi nalang kasing bumibilis ang tibok ng puso ko sakanya.
Nagkaroon ata ako ng sakit sa puso char.
Pumasok na kaming lahat. Nagtabi nalang kaming dalawa ni Kib sa loob ng bus.
Ayaw ko kasi bitawan ang kamay niya.
Sa gilid naman namin ay nandoon si Dave at yung technical namin na si Len.
Sinandal ko yung ulo ko sa dibdib ni Kib para mas komportable ang pwesto.
"aba aba kayo na ba hah?" tanong saamin ni ma'am na kaka akyat lang.
Natawa nalang kaming dalawa ni Kib kasi masyadong boto si Ma'am kay Kib.
BINABASA MO ANG
Four play girls meets Six play boys
RandomThere was a Four play girls and a six playboys in one school... Ang tanong ay magkakasundo kaya silang lahat?? O may mga taong maghihiganti?? Kaylan nga ba matatapos ang kanilang paghihirap? Mag tatapos nga ba o mas magiging komplikado lang ang mga...