Chapter 20-Unknown Academy

755 20 0
                                    

Zealu's Pov.

Wala na akong magagawa sa ngayon kundi ang sumunod sa utos ng parents namin.

Ang mga nakasulat sa pinadala nila ay ito👇

1. Wag na wag kayong mangbababae at manglalalaki. Madami kaming inutusan na bantayan kayong dalawa.

2. Dapat lagi kayong magkasama.

3. Bawal kayong lumapit sa ibang lalaki at babae ngayon.

4. Tigilan niyo na ang pagiging player niyo. Kung hindi ay ipupunta namin kayo sa isang Academy na hindi niyo gusto.

5. Isang beses lang. Pag may nagsumbong saamin na may nilabag kayo sa mga yan. Ipupunta na talaga namin kayo sa Academy na iyon.

Kanina pa nila binabanggit yung ililipiat kami sa ibang Academy pag may nilabag. Ano ba kasi meron sa Academy na yun at bakit kami matatakot hahaha.

Ang harsh ng mga parents namin. Bakit ba nila ginagawa saamin ito.

Sa ngayon ay nandito ako sa S University. S for Santos. Sa parents ito ni Keith. Katulad ng mom ko mom niya din ang nagpapatakbo nito. Ang dad niya ay parehas din kay Dad.

Sa ngayon ay magkasama kami ni Keith na nag l lunch. Ayaw ko naman na lumayo sakanya dahil bawal nga daw kami makipag usap sa iba at dapat daw magkasama kami. At saka baka mawala pa ako dito dahil hindi ako makakapag tanong sa mga kapwa ko estudyante.

"uyy penge naman niyang shanghai mo" sabi saakin ni Keith na naka puppy eyes pa. Aba batukan ko tong lalaking ito ehh.

Hahampasin ko na sana siya kaso naka handa na agad ang kamay niya para saluhin ito.

Nilagay ko nalang sa plato niya ang nag iisa nalang na shanghai ko. Guess what. Lima ang kinuha ko na shanghai tapos siya sampo. Kinuha pa niya saakin yung lima. Ibig sabihin wala akong nakain na shanghai.

"Ikaw din lamang kumain ng shanghai ko. Sa susunod nga hindi na ako bibili ng shanghai hmp." sumandal nalang ako sa aking upuan. Tapos na agad ako kumain siya naman ay sinisimot pa ang plato niya.

Kung alam ko lang na matakaw pala itong lalaking ito hindi na sana ako pumayag sa set up na ito.

"hi Keith" pag bati sakanya ng mga girls. Si Keith naman ay kumaway sakanila. At hindi pa nakuntento ang lalaking ito. Ngumiti pa siya sa mga babae.

Sinipa ko ang kaniyang paa na dahilan para mapaharap siya saakin.

"Pag tayo nahuli. Kasalan mo ito."

Uminom si Keith ng may narinig ako sa paligid ng Canteen na pinag uusapan.

"mga pre ang gandang chix nung kasama ni Keith."

narinig kong pag uusap ng mga lalaki sa likuran ni Keith at ngayon ay naka tingin silang lahat saakin. Napangisi nalang ako dahil kahit pala dito sa Canada ay malakas parin ang impact ng kagandahan ko.

"nginingisi ngisi mo diyan. Paalala ko lang sayo bawal tayong makipag usap. Ngitian mo lang" kumindat pa ito saakin. Aba at sinasabayan pa niya ako sa plano ko. Parehas talaga ng iniisip ang mga players.

Lahat na sa Canteen ay kaming dalawa ni Keith ang pinag uusapan na kesyo napaka gwapo daw ni Keith at napakaganda ko. Tapos bakit daw ba kami magkasama.

Aba mainggit kayo at mapangang sa alindog ko.

"tara na masyado na tayong usap usapan."pag aaya ko kay Keith.

Hinawakan niya ako sa aking kamay at sabay na kaming nag lakad. Mas lalong umingay ang nasa paligid. Nag silabasan din ang mga tao ng nakita kami.

Masyado namang active ng mga tao dito pagdating sa chismiss. Pumunta na kami sa klase namin. Parehas kami ng klase ni Keith. Talaga nga naman na pinag handaan ito ng parents namin.

Four play girls meets Six play boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon