Chapter 19-Night

917 26 0
                                    

Marlon's Pov.

Haysst mabuti nahila ko agad si Casey. Lasing na silang dalawa ni Charlie baka may mangyari pa na pagsisisihan nilang dalawa.

Nag palit na muna ako ng damit dahil basa na ito. Naalala ko naman na basa din pala ang damit ni Casey. Hindi ko naman pwedeng bihisan siya.

Bahala na. Hindi ko nalang siguro i bubukas ang aircon. Hindi ko na inalis ang damit niya na basa. Kinumutan ko nalang siya para at least medyo mainitan.

Hindi ako sure sa ginagawa ko ngayon dahil ngayon ko lang ito ginawa.

Bakit nga ba kasi lagi nalang akong nag aalala sakanya. Hindi na din ako gumagawa ng kung ano para mapalapit kami sa isa't isa. Wala na din akong paki kahit tumigil ako sa pagiging player dahil sakanya.

Aishhh mahal ko na ba siya. Napasabunot ako sa buhok ko. Baka naman naaawa lang ako sakanya. Pero hindi lang naman ito awa ehh??

Nag away na ang puso at isip ko at gulong gulo na ako. Hindi ako humiga sa kama kaya nandito ako ngayon sa sofa. Baka kung ano pa ang isipin niya kapag nagising siya kaya dito nalang ako matutulog. Mabuti na din yun para iwas gulo.

Ano na kaya nangyayari sa ibang kwarto?? Siguro naman tulog na silang lahat dahil sa sobrang lasing.

Third Person's Pov.

Kinabukasan ay nagising na si Marlon. Tulog na tulog parin ang lahat kaya naman ay bumaba na ito upang magluto na. Nakakahiya naman daw kung hindi manlang siya mag handa ng makakain nila.

Sa kwarto kung nasaan naman sila Shin at Jessa ay mahimbing na mahimbing din silang natutulog.

Si Shin ay nakayakap sa bewang ni Jessa. Nang medyo gumalaw si Shin ay nagising si Jessa. Umupo siya ngunit parang may kakaiba sa katawan niya.

Walang masakit sakanya pero parang wala kasi siyang suot na damit kaya naman ay napatingin ito sa dibdib niya at doon ay nakita nga niya na wala siyang suot. Tinignan niya baba niya pero naka short parin naman siya.

Napatingin ito sa lalaking naka yakap parin sa bewang niya at mahimbing na mahimbing na natutulog.

Nilibot naman niya ulit ang mata sa kabuuan ng kwarto. Nakita niya sa may side table ang kanyang pangtaas. Kinuha niya iyon at biglang sinuot bago pa magising ng tuluyan si Shin.

Napatingin siya kay Jessa at tila ba nakakita ito ng isang multo.

"b-bakit tayo magkatabi??" tanong sakanya ng walang maalala na si Shin.

"aba ewan ko baka nalasing tayo kagab-ouch" naka ramdam ng sakit sa ulo si Jessa

"hangover? tara sa baba ipagtitimpla nalang kita" pag aya sakanya ni Shin pero umiling ito.

"wala namang nangyari saatin diba?" tanong ni Jessa kay Shin

"wala naman siguro. Nakadamit parin ako ehh" sabay ngiting pa cute niya.

"okay mabuti naman. Wala ka bang natatandaan kung ano nangyari??" tanong ulit sakanya ni Jessa na talagang kinakabahan na dahil hindi parin sumasagot si Shin.

"wala" hinila siya ni Shin at bumaba na papuntang kusina. Naabutan nila doon si Marlon na nagluluto na.

Mapunta naman tayo kanila Dave at Colleen.

Walang hawakan sa bewang o kung ano. Hindi kasi natulog si Dave sa kama kundi sa sofa. Lasing man si Dave kagabi. Naisip niya parin naman si Colleen. Nagising na din si Colleen. Aalis na sana si Colleen pero hinawakan siya ni Dave sa kamay...

"bakit?" nagtatakang tanong ni Colleen kay Dave.

"sabay na tayo" tumayo na si Dave at hinila si Colleen. Nagpuntahan na din ang lahat sa kusina.

Kumain sila ng tahimik walang may gustong mag open up ng topic. Dahil siguro baka may maalala ang iba na embarrassing moments kagabi kaya nanahimik nalang sila.

Ang maririnig mo lang talaga ay ang mga hininga at mga tunog ng kutsara at tinidor.

Hanggang sa matapos sila sa pag kain. Ang pinag hugas na nila ng mga ito ay ang mga kasambahay.

Nagpunta na silang lahat sa sala dahil nag aya ang mga boys na manuod muna bago umalis ang mga girls. Gustuhin man nila na makaalis na ay pumayag nalang sila.

Hindi pumasok ang mga ito. At hindi rin sila pumunta sa practice nila sa broadcasting. Wala din naman na magagawa ang mga teacher tungkol dito dahil hindi lang naman ito ang unang beses na hindi pumunta ang mga ito sa practice.

Gabi na pero hindi parin sila nakaka alis sa bahay nila Shin. Napasaya kasi ang kanilang panunuod kaya nag laro ulit sila ng panibago.

Pagkatapos ng panunuod ay nag si-alisan na ang mga boys at girls. Naiwan doon si Shin na tulog na.

Napasabunot si Jessa dahil naalala niya nanaman ang nadatnan niya nung umaga. Walang nangyari saamin. Sabi nito sa isip niya. Oo, walang nangyari saamin. Kung meron edi sana masakit ang katawan niya. Pero ang tanong ngayon sa isip niya ay may nakita ba ito?

Hindi siya mapakali hanggang sa makabalik na sila sa bahay nila. Naupo ang mga ito sa sofa. Nang nakaupo si Jessa ay napasabunot nanaman ito at humiga sa sofa.

"anong nangyayari sayo Jessa?" tanong sakanya ni Colleen na nag aalala na sa ginagawa ni Jessa.

"may nangyari ba sainyo ni Shin kagabi?? Masyado ka kasing problemado" sabi naman ni Casey sakanya.

Imbes na sagutin niya ang mga tanong ay nag walk out nalang ito at pumunta na sa kwarto na agad naman niyang ni lock.

Nagkatinginan sila Colleen at Casey sa isa't isa at tumango. Kaya naman kinuha agad ni Colleen ang susi ng kwarto ni Jessa at agad nilang binuksan.

Tumabi ang dalawa para makahiga din at niyugyog si Jessa. Napaupo naman agad ito na inis na inis sa ginawa ng dalawa.

"ano ba??!" sigaw niya sa dalawa.

"easy ka lang. Ano ba kasi nangyari??"tanong ni Colleen sakanya na medyo nagpakalma kay Jessa.

"pagkagising ko kasi nakita ko nalang ang sarili ko na wala ng damit."

"wala namang nagyari sainyo diba??" tanong sakanya ni Casey..

"wala. Pero paano kung nakita ni Shin yung..." hindi na tinuloy ni Jessa kung ano ang sasabihin niya...

"hindi naman siguro think positive lang
Tsaka wag mo na isipin yan. Para maaga na tayo bukas" sabi sakanya ni Colleen

"kaya nga. Tsaka gawin mo na din yung homework ko. Sabi mo ikaw gagawa ehh hahaha" pagpapaalala ni Casey sa sinabi ni Jessa sakanya.

"oo na"

************************************
Next Chapter na tayo...

Kapag naka lima na ako sa draft ko mag p publish na ako ng isang chapter para may reservation akong ma i publish na chapter... Malapit na din ang susunod na update kaya wag kayo masyadong mag alala..

Ginaganahan ako ngayong magsulat... Para naman kapag busy na makapag update pa ako hanggang sa maubos ang nasa draft

Four play girls meets Six play boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon