Chapter 22-Danger part 2

672 17 0
                                    

Keith's Pov.

Ang tagal naman ni Thania. Baka tumatae na yun? Hahahaha.

"bakit mo hinayaang umalis yung babae?" sabi saakin ng babaeng nasa harap ko.

"dahil na iihi daw siya?" hindi ko sure na sagot. Aba ewan ko ba kung anong gagawin niya sa CR diba. Ano ba ang mostly ginagawa doon. Edi umiihi.

"kahit na dapat hindi mo siya pinaalis"
Sabi niya ulit na ang sama na ng tingin saakin. Demonyo ba siya?? Wala naman akong ginawa sakanya ahh.

"ano ba problema mo?" hindi naman ako naiinis diyan nung sinabi ko. Pero sa loob loob ko inis na inis na ako.

"mapapahamak siya" bulong niya sa sarili na narinig ko naman. Bakit naman siya mapapahamak eh pupunta lang naman siya sa CR.

May lumapit saamin na lalaki. Makiki chismis siguro itong lalaking ito.

"transfer ba kayo dito pre?" maka pre akala mo naman close kami tsk. Masapak ko itong lalaking ito ehh.

Tumango nalang ako para wala ng away. Umupo siya sa isang upuan na nilapit niya sa pwesto ko para magka harap kami. Sumeryoso ang mukha niya at nagsalita na.

"sasabihin ko sayo ang rules dito at mga ginagawa." umi-stop ito saglit at nagpatuloy na ulit.

"kapag transfer student ka o bago ka pa dito. Kaylangan mong dumaan sa isang labanan. Lahat ng mag aaral dito sa Academy na ito naranasan ng makipag laban sa mga SSG."

"SSG?" aba hindi ko alam kung ano trabaho nila ehh bakit ba.

"sila ang namumuno sa eskwelahan na ito. Ang mga pinaka malalakas. Kapag bago ka palang dito makakalaban mo ang pinaka hindi masyadong magaling sa SSG. Pero kung ico-compare siya sa lahat ng student dito mas malakas siya."

"babae ba siya o lalaki?" seryoso akong nagtatanong wag niyo akong guluhin guys. Seryoso na akong nakikinig.

"babae siya. Ipagpapatuloy ko ang pagkwekwento pre. Ang pinaka malakas na walang makakatalo ay ang president. Wala pang student ang nakakatalo sa SSG. Kaya sigurado ako nasa labanan na yung babae na kasama mo ngayong oras na ito." hinawakan niya ang balikat ko. At bumalik na siya sa inuupuan niya.

Ibig sabihin nasa pahamak nga si Thania. May narinig kaming ingay sa labas ng building namin.

Ang mga mukha ng tao sa classroom ay hindi maipinta. Mga nagsisi-tinginan sila sa isa't isa.

Lumabas ako kaya naman sumunod ang mga kaklase ko. Meron ngang labanan na mangyayari. Madami kasi ang tao sa labas pero wala pang naglalaban. Nasa 2nd floor ang room namin kaya medyo malayo din.

"panigurado siya ang ilalaban diyan" sabay akbay nito saakin. Bakla ata itong lalaking toh. Type ba ako nito. Sorry siya hindi ako pumapatol sa bading. Sa tomboy pwede pa.

Third person's Pov.

Hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ni Zealu. Nakapiring parin siya at hindi pa nilalabas sa head quarters ng SSG.

Ilang minuto lang ay ipinunta na siya sa labas ng head quarters. Ito ay sa tapat ng building nila. Tinanggal ang kanyang piring kaya naman ang mga kaklase niya kasama na dito si Keith ay nagulat.

Napangisi naman ang President at ang pinaka mababa sa SSG. Hindi pa alam ni Zealu ang nangyayari kaya gulong gulo siyang tumitingin sa kanyan paligid.

Pumunta na sa harapan ni Zealu si Liliana siya ang pinaka huli sa SSG ang babaeng makakalaban ni Zealu. Kapag nanalo siya sa laban na ito paniguradong hindi na siya titigilan ng SSG.

Dahil kapag nanalo siya kay Liliana ay magiging SSG na rin siya at makikipag laban sa mga ito isa-isa.

Nag simula ng sumugod si Liliana kaya naman ay natamaan ang mukha ni Zealu ng suntok nito. Muntik na siyang ma out of balance pero nakayanan niya ito.

Zealu's Pov.

Aba dudumihan niya ba ang pagmumukha ko?? Pwes hindi na yun mangyayari pa. Wala kang karapatan na gawin ito saakin.

Nanggagalaiti na ako sakanya dahil nasuntok nanaman niya ako sa mukha ko. Pag ako nagkapasa hindi ka na talaga mabubuhay pa.

Sige mag hihintay muna ako hanggang sa maging full na ang energy ko. Nakasuntok ulit siya pero sa ngayon ay sa tiyan ko na. Aba bwisit ang sakit nun ahh.

Tumingin ako sa paligid. Sa gilid ay may nakita akong lalaki na nakangisi. Siya ba ang pasimuno ng laban na ito?? Makikita mo!! Kung sino ka man magagantihan din kita.

Hindi na ako nakapag tiis at ginawa ko na ang flying kick na natutunan ko. Naka nganga ang reaksyon ng tao hmp. Aba syempre gulat na gulat. Ano kayo ngayon??

Napatumba siya sa ginawa ko at hindi na muling naka tayo pa. Ang bilis naman niyang matalo sa iisang flying kick ko lang. Gusto ko sana siyang masuntok manlang kaso hindi manlang napagbigyan ang kamay ko.

Umalis na ako sa lugar na iyon at iniwan ang mga taong naka nganga pa din at tulala parin sa nasilayan nila. Kasalanan ko bang magaling ako sa pakikipag laban tsk.

Wala naman palang ibubuga bakit siya pa ang nilaban saakin? Masyado ba nila akong minamaliit?! Pwes wag na wag nila akong mamaliitin. Hindi pa nila nakikita ang kaya kung gawin.

Naka balik na ako sa classroom namin. Pagpasok ko ay nakatingin saakin ang mga kaklase ko na nakanganga parin. Idol niyo nanaman ako tsk.

Umupo ako sa upuan ko na katabi si Keith.

"p-paano mo nagawa yun?" seryoso ba siya sa tanong niya? Mwahahaha ang cute niya pala kapag ganyan siya. Medyo natatakot kasi yung face niya bwahahaha.

"experience?" sabi ko nalang sakanya.
Nakita ko nalang na nagsilapitan na pala sa pwesto ko ang mga kaklase ko ang ibang section ay nasa labas at nakatingin rinnsa loob ng classroom namin. Mga chismoso nga naman sa panahong ito ohh.

"grabe ang galing mo girl!!"

"besh i'm afraid na sayo"

"crush ko na siya mga bro"

"wahh kailangan ko din matutunan yung flying kick niya"

"for sure hindi na siya titigilan ng mga SSG lalo na ang president"

Yan ang nagpatahimik sakanila at nakakuha ng atensyon ko.

"sino yung SSG?" tanong ko sakanila.

"sila ang naghahari sa Academy na ito" sabi ng babaeng nasa harap ni Keith

"sino ang president nila?" kung lalaki ang name ng president nila baka siya nga yung nakita ko kanina sa gilid na nakangisi.

"siya si Lexus siya ang nagsimula ng ganitong mga pangyayari" siya na nga siguro yung lalaki kanina. Hmp humanda ka saakin Lexus.

Uunahin muna kita kesa kay Shawn. Kaya Shawn magpakasaya ka muna diyan sa Pinas mwahahaha

************************************

To be continued..

Ano naman kaya ang mangyayari sakanya??.. Hintay nalang sa next chapter.. Siguro sa mga players muna tayo...

Four play girls meets Six play boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon