Two

143 13 8
                                    

KATANGAHAN

Yra's POV


Bumaba ako para kumain, nasa sala si mama, kuya at si lolo. Simula noonng bata pa ako di ko na naabutan si papa namatay daw sya sa sakit na cancer kahit picture wala sa aking pinakita kaya naman si mama ang nag silbing ama't ina samin.

May alaga akong aso na ang pangalan ay happy regalo sakin 'to ng pinsan kong si yurey at lagi ko syang katabi sa pagtulog.

"Kumain ka na." Umupo ako malamang sa upuan labot sa lamesa.

Kakain na sana ko pero "Tao pooooo!" May kumakatok lang naman sa pintuan at ako pa ang pinagbukas. anak ng tokwa gutom na gutom nako oh! Para kong nasa handaan tas kakain na ng pabilhin ako ng coke.

Lumabas ako para tingnan kung sino ang nagbitin sa pagkain ko ng matiwasay.

"Tita alli? Mano p-" Inabot ko ang kamay nya atsaka ako nagmano "Ang laki mo na ah? Kamusta? Asan ang mama?" Palinga linga nyang sabi

"Nasa loob po, pasok po muna kay-" May kasama sya teka..

"A-AKI?" Pinandilatan ko sya ng mata dahil sa gulat.

Nasa sala kaming lahat at nagkakamustahan, childhood bestfriend ko si Aki.

Magkaibigan ang mga magulang namin kaya kami nagkakilala ni aki.

Marami sakanyang nagkakagusto dahil napakagwapo nya at sobrang lakas ng appeal nya.

Halos 3 years silang nawala dahil sa ibang bansa sila tumira iyak ako nang iyak nung iniwan nya ko dahil wala nanaman akong kadamay sa buhay.

Tapos eto ngayon bumalik ulit sya ang laki na ng pinagbago nya, mas naging better pa sya.

at kung tatanungin nyo ako eh never akong nagkagusto sakanya dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Kamusta ka na Yra?" Tanong ni aki.

Kapag tinititigan ko sya di ko maiwasang mamangha sa mga nagbago sakanya. "Mabuti naman lulong sa pag-aaral." Plastik kong ngiti.

"Huweeeee? Pag-aaral o pag-boboyfriend?" Epal talaga ng kuya ko.

"May boyfriend ka na Yra?" Hindi ko makita ang pinahihiwatig ng mga mata nya.

"Wala, huwag mona pansinin si kuya nagloloko lang yan." Napapahamak tuloy ako sa mga sinasabi ng kuya ko argh.

"May gagawin ka ba bukas pagkatapos ng klase mo?" Aniya.

"Ahmm titing-" Pinutol ni mama ang sasabihin ko at sya na mismo ang sumagot.

"Wala yang gagawin aki nandito lang sya sa bahay pagkatapos ng klase at puro hilata ang ginagawa." Pinagkakaisahan nila ako at pinagtatawanan aba aba nakascheduled pa naman na susundan ko si Eug bukas kainis.

"Aayain lang sana kitang lumabas para kumain." Lumingon sya sa direksyon ni mama at nagsalita ulit.

"Pwede ko po bang ilabas si Yra? Ibabalik ko din po bago maggabi gusto ko lang po sanang makilala ng husto ulit ang bestfriend ko." Hanep di pa ko pumapayag ay agad na si mama ang nagpasya sakin.

Nagpaalam na sila at agad akong nagtungong kusina para iakyat nalang ang dapat ay kakainin ko kung di lang sila kumatok.

Masaya naman dahil nagkita ulit kami ni Aki dahil matagal na din kaming walang komunikasyon.

FLASHBACK

"Kailan ka ulit babalik?" Iyak ako nang iyak at pahikbihikbi dahil iiwan nako ng taong naging parte na ng buhay ko ang sakit sakit lang kase, sya ang nakadamay ko sa lahat ng problema na dumaan sakin tapos iiwan nalang nya ko bigla bigla.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon