BESTFRIEND
Maybel's POV
"Yan kase ang hirap sayo, puro ka nalang landi lahat nalang ng lalake na dumadating sayo inientertain mo! Ni hindi mo na nga ako napapansin na nandyan lang sa tabi mo eh!" Nakita kong tumulo ang mga luha nya, nasasaktan ako sa ginawa ko para sakanya, ni hindi ko na nga alam ang ginagawa ko. Iniwan ko sya na parang wala lang pero hindi nya alam na nasa isang sulok ako dumeretso para matanaw ko sya.
Nagtago lang ako para makita pa din sya, nang nakita kong tumalikod na sya umalis na din ako sa pwesto ko at inumpisahang sundan sya.
Nakita kong pumunta sya sa tambayan namin kaya naman nasa kabilang bench ako para hindi nya ko makita.
Binigyan sya ng panyo.
Ilang mimuto din ang pag-iyak nya, umalis nalang ako dahil may klase pa kami.
Pumasok nako sa klase ko, ang tagal nyang dumating. Mukha hindi sya aattend ng klase dahil sa nangyari.
Nitong mga nakaraang araw kase, palagi nalang si Aki yung kasama nya. Nakakaselos din naman kaibigan ako ni Yra, mas nauna nga lang si Aki.
Nagbell na at hudyat na uwian na, lumabas agad ako at umupo nalang sa labas ng school sa may sakayan ng tricycle para hintayin si Yra.
Sa sobrang pagod ko unti unti ng napipikit ang mga mata ko.
"Ms? Huy ms?." Nagising ako dahil sa ingay ni manong guard, tiningnan ko ang orasan ko at nagulat ako dahil 6pm na pala at teachers nalang ang mga lumalabas mukhang nakalabas na si Yra at nakauwi.
"Anong oras na bakit nandito ka pa ha 4pm ang uwian nyo ha." Sabi ng guard sa school namin habang tinatapatan ako ng flashlight nya. "Umuwi ka na ha delikado na dito."
Wala ng mga tricycle dahil naunahan ako ng mga teachers na lumalabas kaya naglakad nalang ako.
Malapit nako sa bahay namin ng biglang may nagtakip ng ilong ko, nagpupumiglas ako pero dahil sa lakas ng amoy ng panyo na nasa ilong unti unti ng pumipikit ang mga mata ko at tuluyang nawawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nasa isang malaking budega ako na puro kahon ang laman. Hindi ko maigalaw ang mga paa at kamay ko halos namanhid nako sa kinauupuan ko dahil sa tagal ko dito hindi din ako makasigaw dahil may tape sa bibig ko.
May lumabas na nakamaskarang lalake at pamilyar ang pangangatawan nya para sakin nagulat ako ng tinanggal nya ang kanyang maskara, hindi ko akalain na magagawa nya sakin to. Ano bang nangyayare, panaginip lang ba to? Sana nga.
***
Yra's POV
Tiningnan ko ang phone ko pero wala namang message galing kay Maybel, nakauwi kaya sya ng ayos? Kamusta na kaya sya? Wala nga pala kaming pasok ngayon kaya magbabantay ako ng shop.
Pero parang ang sama ng pakiramdam ko, hayaan ko na nga lang.
Bumaba ako at nakita ko agad si lolo. "Goodmorning lo nasan si mama?"
"Nakipagchikahan dun sa nanay ng boyfriend mo." Boyfriend?
"Si Aki po?" Tumingin sakin si lolo at ngumiti.
"Edi nahuli kita! Si Aki pala ang boyfriend mo ah, sabi na eh may nililihim ka samin eh hahaha." What? Hinuhuli lang pala ko. Sumasayaw sayaw pa sya at dinudutdut ang daliri sa hangin. Sa tagal na kaming inaasar nasanay nalang talaga siguro ko kaya napapaoo nalang ako.
Pumunta nako sa shop, napansin ko ang mga tarpaulin na doodle ng hero sa dota2 halos lahat nandon. Bigla kong napansin si Crystal Maiden.
Iyon yung picked na hero ni Cm nang naglaro sya dito. Crystal Maiden? CM? Crystal mai-
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...