Fifteen

53 8 0
                                    

FIRST LOST DAY

Yra's POV

Para lang akong nasa kama ko, napakalambot ng hinihigaan ko at ang sarap sarap sa pakiramdam na parang may kumot na din ako.

Amoy na amoy ko din yung mint na nanggagaling sa bibig ni happy.

Teka? ni happy? Eh hindi nga nagtutooth brush yun ha? Nakabalik na ba kami sa hotel?

Unti-unti kong binubuksan ang mata ko at nanlaki nalang ang mata ko sa gulat dahil sa sobrang lapit ng mukha ko sa mukha ni Eug.

Nakapatong ako sakanya habang yakap yakap nya ko at hindi ko magalaw ang kahit na ano sakin.

Biglang tumama samin ang sikat ng liwanag, agad din syang nagulat at naibalibag ako bigla.

"What the hell are you doing?" Bigla syang napayakap sa buong katawan nya na parang nirape ko sya! Wow ha kapal ng pantog nya ha.

"Hoy! Ikaw kaya yung nakayakap sakin" Pero wala talaga kong alam sa nangyari. Basta nagising kaming magkayakap!

"bahala ka nga dyan maghahanap nalang ako ng daan palabas." inirapan ko sya at iniwan na syang mag-isa.

Biglang kumulo yung tiyan ko, nagugutom nako kailangan na namin talagang makalabas dito.

Ako lang pala! Mamamatay ako ng dilat dito pag di pa kami nakalabas, baka mamaya may mga ahas at leon pala dito jusko. sabagay lahat nga ng lugar eh puro na ahas na bes mo pa dito pa kaya?

Kailangan ko lang maghanap ng tubig at pagkain, mataas ang mga puno kaya naman unti-unti akong tumingala.

Puro pala coconut ang nandidito, baka sakitan ako ng tyan pero mas kailangan ko ng lakas at tubig para mabuhay.

Inumpisahan ko ng yumakap sa puno at umakyat pero dumudulas lang ako.

Biglang may tumulak sakin

"Ako na dyan feeling mo kaya mo?" putek hanggang dito ba naman.

"Hello! May sarili akong diskarte no!" Tumingin sya sakin at napatingin naman ako sa ere na nakapamewang.

"Okay, ikaw mauna kapag hindi mo naakyat susundin moko hanggang sa makalabas tayo dito. I will be your boss and no more complains okay?"

"Okay deal! Dali dali lang nyan jusko parang aakyat lang eh!" sabay irap ko.

Nilundagan ko ang puno pero bigla bigla lang talaga akong dumudulas

"Okay my turn." Ha? May teknik kase dito eh.

"Teka lang wag mo kase kong paghadiliin jusko!" pero teka unfair?

"Okay, I will give you one more try and if you will win you will be my boss until we came back in the hotel. Deal?"

"Deal." Nagulat ako ng nagpinky swear sya na sign. "Para san yan?"

Bigla nyang inalis yung daliri nya "hurry up! uhaw na tayong dalawa."

"Oo eto na! Dali kayang umakyat sa puno na to!" Nagyabang lang ako konti hihi

"Yeah, because you are a monkey!" Tse epal.

Sinimulan ko ng umakyat at halos trenta minutos na din kaming nagbabangayan at nag-aasaran dahil hindi ko pala talaga kayang umakyat.

"Paano ba yan? ako yung susundin mo?" Nyak di pa nga sya nakakaakyat eh hmmmp.

"Yabang, sige umakyat ka na dalian mo yayo." Tiningnan ko pa ang kuko ko na parang donya na nag-uutos nagbangga naman ang dalawa nyang kilay sa inis.

Tagal nagugutom nako, mamamatay na yata ko kasama tong punggok na to.

Wala pang limang minuto nakaakyat na sya jusko, hindi kaya sya nalulula sa taas. Bigla syang tumingin sakin pero hindi ko makita yung mukha nya dahil sa sobrang liwanag at sa nakakasilaw na araw

"BUMUNOT KA NA AT MAGHAGIS!" Biglang bumagsak ang limang malalaking buko at agad syang nagmamadaling bumaba.

"Bakit nanginginig ka ayos ka lang ba?" Bigla nalang sya nanghina at bumuwal.

"UY JUSKO TULONG! TULUNGAN NYO KAMI!" Anong gagawin ko ngayon?

"Idiot! tayo lang ang tao dito kaya walang makakarinig sayo kahit ilang beses ka pang sumigaw!" Aba at pinag-aaasar pako ang kapal ng mukha. Iwan pa kita dyan eh.

Nakasalo sya sa balikat ko at namumutla na maiiyak yata ko sa takot, paano nato? Kailangan ko gumawa ng paraan! Gamitin mo naman utak mo Yra!

Sinuntok ko ng ilang beses ng malalakas yung buko at agad naman itong nasira pero dugong dugo naman ang mga kamay ko.

Lumakas ako dahil sa taranta ganun ba talaga yon? Pinainom ko agad sya, siguro dahil sa init sa taas at dahil na rin sa tagal naming hindi kumakain.

Halos gutom at uhaw na kami kaya wala na kaming magagawa pang ibang paraan.

Tubig lang ang magpapalakas samin, atleast may ilan na kaming nakuha para sa ilang gabi namin dito pero sana mahanap agad kami ng mga kasamahan namin.

Dahil ayokong mamatay kaming magksama ni eug na hindi pa nagsesex hehehe nasa gantong sitwasyon nako puro kamanyakolan pa din nasa isip ko.

Manyak mo talaga Yra!  Alam kong gigising din sya dahil madami din ang pinainom ko sakanya halos wala na din akong energy dahil sa lakas ng suntok ko sa mga buko at sobrang sakit na ng kamay ko.

Kailangan ko na din magpahinga, wala na kaming ibang magagawa kung hindi magtulungan kahit kung ano anong sinasabi sakin ng eug na to.

Dahil sa gutom, kailangan ko muna sigurong matulog ulit bahala nalang pagkagising ko.

"hey! Wake up." Epal naman to oh natutulog yung tao tapos manggigising bigla.

"Wag ka magulo sarap sarap ng tulog ko eh!" May naamoy ako na bagay na hindi ko malaman kung ano pero bakit parang mas nakakagutom?

Agad akong dumilat at nagulat ako na may dala na syang mga prutas.

"SAAN MO NAKUHA YAN?" Napaisip ako at lumingon lingon ako sa paligid, wala namang kahit na anong makakain dito kung hindi si Eug lang? Ay iba na ba yon?

Buko nga lang nakuha namin tapos magkakaron ng saging? at mangga?

"Sshh, buti nga may nakuha pa kong pagkain eh" Oo nga naman

"Just a simple thanks is enough" Teka.

"Salamat poooo!" Naalala ko na tulog kami kanina?

"Kamusta na nga pala yung pakiramdam mo? Bakit kase bigla kang bumagsak? Ayos ka na ba?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

"I don't know, maybe because I'm starving til last night?" Baka nga.

"Okay sana kung sakin ka mismo nahulog eh, kaso sa mga kamay ko lang." Sakin ka nalang kase! Pabulong kong sabi sa sarili ko.

"what? Are you sayong something?"

"w-wala!!" palusot ko.

"Weird mo." kumain nalang kami at naubos ang lahat ng prutas.

Panaginip lang ba 'to? Wag na sanang matapos ang lahat. Gusto ko pa sya makasama nang matagal kahit na ikamatay ko pa.

Hinihintay pa pala ko nila mama kaya hindi pa pwede. Bahala na nga.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon