LOST
Yra's POV
Arrrrrgh nakakairita na silang dalawa, lahat sila! Ano ba kaseng problema nila?
Palagi nalang silang nag-aaway, naguguluhan pa din ako kung bakit ginawa ni Cm yon.
Nagulat ako ng sobra lalo na at sya yung first kiss ko sa cheeks! Gusto ko pa naman na maging first ko sa lahat ay yung pakakasalan ko lang.
Haaaaay buhay, nakakainis naman eh! Gusto ko si eug lang makakahawak at makakadampi ng labi nya sa lahat ng parte ng katawan ko.
Kinikilig tuloy ako habang naiisip ko syang nakahubad.
Si Yra naman napaka manyakis!
"Tine? Nandyan ka ba?" Narinig ko ang pagkatok ni Cm.
"Wala, wala ako dito lumayas ka na recorder lang ako k bye!" Bwisit na yon napaka lukaret.
Pinatungan ko ng mahabang dress ang bikini kong suot.
"Tine! Sorry na, hindi ako yung nag-umpisa ng gulo at wala naman talaga kong intensyon na masama sayo dah-" Hindi ko na narinig ang mga sinabi pa nya dahil nagsalpak ako agad ng earphones sa tenga ko at nagpatugtog.
Nandito ulit ako sa terrace at nakatapat sa magandang tanawin ng beach na to. Baka sakali din na makita ko si Eug.
Habang pinapatugtog ang 'still into you' na kanta ng paramore.
Feel na feel ko habang iniisip si Eug, hindi ko naman sya pagsasawaan kahit na ilang ulit nya kong hindi pansinin.
Ayos lang sakin yon.
'BUUUUG' Isang malakas na hindi ko alam ang kumalabog.
Pagtalikod ko nakita ko agad si Cm na nakatingin sakin hayop na yan nakita ko din yung pinto na sira ang lock.
"CALIX! ANONG GINAWA MO HA!?" Nanggigigil talaga ko sa mga ginaganawa nito. Ano ba ang nasa isip nito?
"Ayaw mo kase sumagot hehe akala ko may nangyare na sayong masama." Napakamot lang sya sa ulo.
"WALANG HIYA KA TALAGA HINDI MO BA NAISIP NA BABAYARAN PA NATIN YAN! MANONG NANGHINGI KA NALANG NG SUSI! ARGH!!!" Mamamatay ako dito sa ginagawa nya jusko.
Nagwalk out ako bigla dahil sa inis habang nakatingin lang sakin yung utak itlog na yun.
Mabuti naman at hindi na nya ko hinabol argh. Inisip at inaayos nya siguro yung napinsala nya sa kawawang pintuan na wala naman sakanyang ginagawa. Bahala nga sya dyan tse.
Ayusin nya yon no! Sya nakasira sya magbayad!
Nadaanan ko sila Aki at Maybel na naglalaro ng beach ball.
Umirap lang ako sa kawalan dahil sa inis.
"San ka pupunta anak?" Nadaanan ko din sila mama na nagsiswimming
"Dyan lang po, magpapahangin." Tuloy tuloy lang ako na naglalakad.
Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko namalayan na nandidito nako kung saan kami tumambay ni Eug kagabi. Walang gaanong tao dito dahil dulo na to. Maraming puno sa gilid ko at maraming bato.
Naisip ko na pumasok sa mga puno para naman malibot ko yung buong lugar kaya naman eto pumasok ako. Nakasalpak pa din pala ang earphone ko pero wala ng tunog ngayon.
Palowbat na din ang cellphone ko, saglit lang naman ako at gusto ko lang na mapagisa. Medyo dumidilim na sa parte ko, pero kabisado ko pa naman ang lugar pabalik.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nagmimiss called na sila Cm at Aki. Patuloy lang akong naglalakad habang tinitingnan ang mga messages nila.
"Aray!" "Ouch!" Ang sakit ng balikat ko dahil nagkabunggo kami ng lalakeng to. Matangkad sya at hanggang dibdib lang ako.
"Eu-eugene?" What the fuck.
Nagkita nanaman kami, eto nanaman kami kasama ko nanaman sya.
"Pagabi na babalik nako sa hotel b-bye." Eto nanaman nabubulol nanaman ako habang kaharap sya.
"Wait." Lumingon ako sakanya kahit unti-unti ko ng hindi nakikita ang mukha nya.
"Just go first, I don't know the way to go back to hotel." Sana din alam ko pa ang pabalik.
Gabi na at sobrang dilim na.
"Mabuti nalang at may flashlight ang cellphon- WHAT!? namatay na kasi lowbat na. Wrong timing." Magpapanic ba ako habang kaharap sya?
Shet ano na gagawin ko, nawawala na ba kami? Jusko lagot ako nito kila kuya. Kailangan kong makabalik.
"Sumunod ka nalang sakin." Napalunok nalang ako.
Nag-umpisa nakong maglakad at sumunod naman sya.
Hindi ko na alam kung nasan kami dahil madilim na at nag-uumpisa nakong lamigin.
Napakahangin pa naman dahil sa dami ng puno na nakapaligid samin.
"Paano na to? San na tayo pupunta?" Natatakot nako at natataranta, hindi ko na alam gagawin lalo na at kasama ko yung taong mahal ko na hindi naman ako mahal.
Hindi sya sumagot sa tanong ko, nagugutom nako at rinig na ang pagkulo ng tiyan ko.
Gusto ko nang bumalik sa hotel para magpainit, hindi! hindi! Mali kayo ng nasa isip hindi ako malibog no?
"Magpalipas nalang tayo dito ng gabi, kapag may liwanag na tsaka nalang tayo mag-umpisa na bumalik at maglakad ulit." Argh ano ng gagawin ko? Makakasama ko tong seryosong tao na to?
Pinipilit ko na maging komportable sakanya para hindi na kami magkailangan sa isa't isa.
Teka, ako lang naman yung naiilang sakanya eh wala naman syang pake sakin at isa pa hindi naman nya ko kilala.
'bRrRr' tunog ng tiyan ko yan mukha bang asong galit?
"Pareho lang tayong gutom kaya itulog nalang natin, walang makakain dito." Sa bagay kanina wala akong nakita na prutas sa mga puno.
Hindi ko nga alam kung anong puno ba tong mga to eh.
Siguro mga alas otso na dahil lumalalim na ang gabi at nakikita ko na ang bilog na bilog na buwan.
"Nagkita na ba tayo? Bakit parang pamilyar ka sakin?" hindi nya nga ko naaalala.
"Hindi pa, ngayon palang. Baka iba yung nakita mo." Hays.
Hindi nalang nya ko pinansin.
Napairap nalang ako sa hangin, gutom na talaga ko.
"Paano kung hindi na tayo makabalik sa hotel? Lagot nako kila mama at kuya nito." Panigurado kong nag-aalala na sila ngayon.
"As long as I'm here beside you, trust me that I will protect you in any situation." Napakalamig ng boses nya na parang sya pa yata ang papatay sa akin.
Mas malamig pa yung boses nya kaysa sa hangin na dumadampi sa katawan ko amp. Pero uminit bigla pisngi ko dahil sa sinabi nya.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, alam kong pulang pula nako ngayon.
Napapangiti ngiti nalang ako na parang tanga dito habang katabi sya.
Hindi naman nya ko makikita dahil madilim na, kaya malaya akong pakawalan lahat ng ekspresyon ng mukha ko.
"Matulog na tayo para mapawi yung gutom natin." Nakasandal kaming dalawa sa puno. Nilalamok nako dito putek.
Sana di ako panget pagkagising ko, sana naman kahit isang araw lang umayos ka mukha ko! Katabi ko ang Eugene gabriel!!
"Goodnight (eug)" binulong ko nalang ang pangalan nya.
Mukha namang hindi sya interesado sa mga sinasabi ko kaya matutulog nalang ako. Sana nga makatulog ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
JugendliteraturIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...