Ten

78 10 1
                                    

SHOPPING

Yra's POV

Naisipan nila mama at tita alli na mag outing muna sa Boracay para naman daw maging masaya ang pagbabakasyon nila dito sa pilipinas, para memorable ang pagpunta nila dito ngayong year.

Ibig sabihin ng bakasyon nila, iiwan din ako ni Aki dahil babalik agad sila sa ibang bansa.

Next week pa naman ang outing kaya makakapaghanda pako ng susuotin ko, wala din naman kaming pasok non dahil aayusin yung mga room ng clubs.

Pwede naman daw ako magsama ng kahit na sino at ganun din si kuya dahil handa sila mama at tita sa magagastos.

Naisip kong ayain si Cm, ewan ko ba at malaki ang tiwala ko sa mayabang na supot na yun. Dapat dun magpatuli muna eh puro kahanginan alam nun eh.

Si Maybel,aki at Cm lang ang naiisip kong isama. Sila lang naman ang nakikita ko na kaibigan ko.

"kuya! Ikaw? Sino isasama mo?" Nasa sala lang kami at nanonood, nakahiga ako sa sofa habang nasa lapag naman si kuya.

"Mga barkada ko, mga tatlo lang sila o lima ewan ko sakanila kung sasama pa yung mga mokong na yon gusto lang naman nila mang chixx eh." Isa din naman sya sa maghahanap ng mga bebot tapos mga barkada lang nya nilaglag nya.

"Hmmmp sige, baka naman mga manyakis yung mga yon kuya ha." Tumawa sya ng malakas.

"HA HA HA HA HA HA HA Ikaw? Mamanyakin non? Loko ka ba walang kamanyak manyak sayo payat payat mo eh mukha kang tingting. Tsaka kung manyakin ka man nila edi sinapak ko sila hanggang maubos ngipin nila." Bwisit, nagpatawa pa sya ha.

Hindi naman ako pumasok kaya nagpapahinga lang ako dito, bawal pa daw ako lumabas. Samantalang lagnat lang naman ang sakit ko at hindi naman ganung kalala.

Gustong gusto ko na ding gumala. Balak ko sanang magpuntang mall para naman makabili ako ng swim wear ko.

Inabot ko ang cellphone ko at agad na tinext si Aki, sino pa bang aasahan ko eh sya lang naman ang walang ginagawa.

Yra: Huy Akiiii favor naman oh.
Aki: Ano yon? May nangyari ba sayo? You okay? Gusto mo ba ng pagkain? Dalan kita ng fruits? Gusto mo bang samahan nalang kita dyan sa inyo?
Yra: Oo, samahan moko.
Aki: On my way.
Yra: Sa divisoria.
Aki: Nooooo!
Yra: huhuhuhu pleaseeeee! Itakas moko, bagot na bagot nako dito sa bahay.
Aki: Dyan ka lang, hinding hindi moko mapapapayag kahit na anong gawin mo no! HA HA HA HA!
Yra: Oh sige, sa iba nalang ako magpapasama thank youuuuu

Hays anubayan nasa school sila Cm at Maybel saan nako magpapasama nito? Ang gara naman eh.

Beep beep beep beep!

Pumanik si kuya sa taas kanina habang katext ko si Aki kaya wala akong kasama dito sa baba.

Tumayo ako sa hinihigaan ko at agad na binuksan ang pinto.

"Hi Yra." Bumulaga sakin si Aki na nakapants at simpleng T-shirt lang pero bakat na bakat pa din ang abs nya sa katawan.

Shet naman bat ka nagganyan Aki ako'y naaakit sa porma mo shet.

"Teka, bakit nandito ka? Sasamahan mo na ba ko?" Nagpuppy eyes muna ko sakanya para mas mapapayag ko sya.

"Oo, syempre ayokong kasama mo yung mga unggoy na gusto mong isama no mas ligtas ka kaya kapag ako kasama mo!" Parang dinidiin nya yung salitang Unggoy pinapatamaan nya ba si Cm? napaka harsh nya.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon