SECOND DAY
Yra's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumampi sa katawan ko, napabangon ako ng wala sa oras at antok na antok pako.
Wala na sila Maika at Maybel.
From:Aki
Goodmorning! Galit ka pa ba? Sorry. I miss you Yra.
From:CM
Magandang umaga pero mas maganda ka pa sa umaga, kamusta naman ang Tine ng buhay ko? Gising na tulog mantika ka pa hihintayin kita sa baba see u!!♥️
Hirap ng mahaba buhok ah? Naligo na agad ako at nagdress muna dahil sure ako na mamaya pa magkakayayaan na magswimming ulit.
Sumakay agad akong elevator pababa, pagbukas ng elevator ay tumambad sakin ang mukha ni CM at Aki na magkahawakan ng kwelyo.
"ANONG NANGAYAYARI HA?" Pasigaw kong sabi.
"Ah wala Tine, inaayos lang namin ang kwelyo naming dalawa." Ngumiti sakin si Cm pero halata ko sa mukha nila ang pagkagalit at pilit na ngiti sa isa't isa.
Ako pa gagawing tanga ng dalawang to.
Lumabas agad ako sa elevator at hindi na sila pinansin pa.
Sinusundan lang nila ko hanggang sa makarating kami sa kubo kung saan nagpapahinga sila mama at tita Alli.
Rinig ko pa din ang bangayan ng dalawa pero hindi ko nalamang ito pinansin at umupo nalang sa tabi ni Maika.
"Maika, kaklase mo ba si kuya?" Ni walang nagtatangkang magsalita saming magbabarkada kaya sinimulan ko ang pagtatanong.
Isa pa, wala naman si kuya dahil tulog mantika pa din sya kasama sila Yuri at Neil.
Si Mama at Tita Alli lang ang masayang nagkekwentuhan dito.
"Hindi, nagkakilala lang kami dahil kay Neil. Kaklase ko kase si Neil samantalang kaklase naman ni Yuri ang kuya mo." Paliwanag nya.
"Tsaka tuwing sumasali ako sa mga pageants napapansin ko sya na palaging may hawak na banner na 'Go Maimai' hahaha nakakatawa lang kase dati nahulog sya sa upuan habang chinicheer ako." Tumawa ako ng malakas dahil naisip ko ang mukha ni kuya.
Naalala ko tuloy si Yurey magkasing edad lang kase sila, yung pinsan ko na nasa ibang bansa halos 2 years na din kaming hindi nagkikita at 2 years na din simula nang mapasakin si Happy.
Busy kase sya sa career nya na which is pagmomodeling at isa sya sa pinaka magaling na make-up artist sa iba't ibang bansa na napuntahan nya dahil subok na sya at sobrang professional nya. Bigla ko tuloy sya namiss sana umuwi sya ngayong year.
Napatingin ulit ako kay Maika at nasabi ko nalang sa sarili ko na Inlove nga si kuya sa babaeng kaharap ko, walang duda.
Nagulat ako ng biglang pumasok sila kuya sa kubo kasama ang dalawa nyang kaibigan.
"Nandito na ba lahat? Tara na at kumain na tayo." Sabi ni lolo.
Dahil kasama namin si happy nilagay ko sya sa lap ko at hinimas himas.
Nagdasal muna kami bago kumain. Halos natapos kami ng walang imikan ni Aki at ni Maybel.
Magkatabi sila ni Maybel at katabi ko naman si Cm, hinaharot lang ako ni Cm kanina pa. Napaka kulit talaga nito, pati si Happy na natutulog eh ayaw tantanan.
"Swimming na tayo?" Panimula ni Cm sa lahat ng kasama namin.
"Magbibihis lang ako, bababa din ako agad hintayin moko Cm ha." Pagkasabi ko ay biglang nagkatinginan si Cm at Aki.
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...