FIRST DAY
Yra's POV
Nagulat ako sa nakita ko, pero hindi ako nasaktan.
Magkaibigan lang kami ni Aki, ang sakin lang kung meron man silang relasyon ni Maybel, mapagkakatiwalaan naman ako.
Kaibigan ako at hindi kaaway, bakit hindi nalang nila sakin sinabi ang totoo.
Nasasaktan ako dahil alam ko na may dahilan kung bakit sila nagsisikreto pero wala ba silang tiwala sakin? Kaya ko namang ilihim sa lahat yon.
Bakit napakabilis naman ng lahat? Ilang araw palang naman sila magkakilala? Baka may hindi lang talaga ako alam.
Dapat ba kong makinig ng explanation nila? Pero di ko pa kaya, kaya nagkulong lang ako dito sa kwarto.
Hapon na din, dahil ang tagal ng byahe namin. Naisip ko bigla si Eug at Raven sila kaya kamusta na?
Hindi na sila nagpapansinan pero diba yung ibang mga naghihiwalay na nagagawa pa ding maging mag-kaibigan? Totoo nga ba yung kapag nagjiwalay na kayo ay mpwede pa kayong maging mag-kaibigan?
Sana hanggang dun nalang sila kung ano mang namamagitan sakanila ngayon.
Pumunta muna ko sa terrace para magpahangin.
Nasa fourth floor kami ng hotel kaya kitang kita ko ang lawak ng karagatan, pati ang mga tao na masayang naglalaro.
Pagpapaliwanagin ko nalang si Aki sa nangyari, mali na inuna ko ang galit ko.
To:Aki
Sorry kung nauna ko ang emosyon ko, I'm mad of the two of you. Nagsisikreto kasi kayo sakin, ganyan na ba kayo? Ienjoy nalang natin ang ilang araw dito. I hope na isa sa inyo ay walang nag-tampo sa ginawa ko.
Kahit maliliit ang mga tao na nakikita ko dahil sa layo ng agwat ko sakanila, kita ko pa din naman ang mga itsura nila.
Napukaw lang ng atensyon ko ang kahawig at mukhang kambal pa ni Eug.
WTF!? Si Eug nga ba yon? O nag-iimagine lang ako?
Pumikit ako at dinilat kaagad ang mata ko upang masigurado kung sya talaga ang nakita ko.
Pero pagkadilat ko ay biglang nawala ng parang bula ang taong tinitingnan ko.
Baka nga nag-iimagine lang ako ng kung ano ano.
Uminom muna ko ng tubig at lumabas na ulit.
Pagkalabas ko, tumambad kaagad sakin ang mukha ni Cm.
"Hi! Ayos ka na ba?" Panimula ni Cm.
"Oo naman, kayo? Ayos lang din ba kayo?" Pagbabaliktad ko.
"Oo naman, may nangyari bang hindi maganda? Sinaktan ka ba ni Aki?" Tanong nya.
"Hindi, ano lang kase.. nakita ko si Maybel at Aki na magkahalikan." Hindi ko alam kung tama lang ba na sabihin ko ang nakita ko.
Nakita ko ang pamumula ni Cm sa mukha nya hanggang leeg.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko.
"Tara na, mag-enjoy nalang tayo no sulitin natin ang tatlong araw natin dito." bumalik sa dati si Cm na parang wala akong sinabi sakanya.
Sumama ako sakanya pababa at nakita ko sila mama na nagkakatuwaan.
Hindi pa din kami nag-uusap ni Aki hanggang ngayon dahil sa sobrng awkward.
Nang mag-gabi kumain na kami at sobrang sasarap ng mga hinanda nila tita at mama.
May buffet naman dito sa hotel pero naisip namin na bukas nalang kumain doon dahil gusto talaga naming matikman din ang luto ni Tita Alli na natutunan nya sa France.
![](https://img.wattpad.com/cover/110097131-288-k402473.jpg)
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...