Three

114 12 3
                                    

THE PAPANSIN GIRL

Yra's POV

Hinila ako ni maybel sa kahihiyan kong dulot, kinuha nya ang bag ko at umalis na kami doon.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" Pabulong nyang sabi, hindi parin ako makasagot dala nang kahihiyan. Sa buong buhay ko sinugal ko ang sarili ko para lang sa future namin pero eto ako ngayon napaka palpak.

"Nakita mo ba ang mga tao kanina? Yra! Gumising ka nga sa kahibangan mong taglay! Nakunan ka ng picture's at sure ako na magva-viral ka sa facebook dahil sa mali mong pagpapasya! Kung dati ay ayos pa sakin ang pagsunod at pang-iistalk sakanya, iba na 'to! Jusko ano ba tong pinasok mo!" Crap, di ko naman naisip na ganun ang mangyayare de sana di ko nalang ginawa.

"Sana kase inisip mo muna ang kabaliktaran ng mga mangyayare! Yan ang palagi mong tatandaan! Para sa huli di ka magsisi sa mga gagawin mo!" Dugtong nya.

Ayoko na gusto ko nalang umuwi, ayoko na yatang makasalubong ang mga tao dito. Hinila ako ni maybel papasok sa susunod na klase pinagtitinginan ako habang papunta kaming room.

Bakit? Bakit ganito sila makatingin?

Nang makarating na kaming room, expected ko na talagang pagtitinginan kami o ako lang talaga? Wala pa ang prof namin ng may nagsalitang babae "The papansin girl." Sabay tawa kasama ang mga kaibigan nya.

Ganun ba talaga kabilis kumalat ang balita? May pakpak nga talaga ang balita myghad.

Dun ako natauhan, kinuha ko ang phone ko para hindi nalang mapansin ang mga sinasabi nila sa akin.

Muntik nakong maihi sa kinauupuan ko ng magbukas ako ng facebook at sabog ang notif ko jusko.

Bakit? Nakavideo pa, at kitang kita ko kung paano ako mapahiya sa video at may caption na 'The papansin girl' Ang daming nagchat, mention's, tag's at nagpost sa wall ko, marami ding naglike's, comment's at share's shit viral na ang katangahan ko huhu.

Dumating ang prof namin at umayos na ang lahat, pinakuha nya ang notebook namin at nagpasulat ng lecture, ayokong magsulat ng lesson kaya diary ko ang kinuha ko at kunwareng kumokopya ng notes.

Dear,eug
Oh crap! Masyado bang halata? Nagawa ko lang naman yon dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo eh, okay okay tanga na kung tanga. Ang sakit ng mga sinabi mo! Huhuhu tapos nagviral pako! Ano na gagawin ko? Jusko.

Buti nalang uwian na, naalala ko si aki. Sana naman mamaya pagkabukas ko ng phone ko wala na ang mangbash sakin di ko kaya or magdedeactivate nalang ako jusko.

Kasama ko si maybel na lumabas ng building, gusto nyang makilala si aki kaya sinama ko sya.

Sana ay ayos lang kay aki, may nagtext sakin na number lang at agad ko itong binuksan.

Unknown:

Hey yra! It's me aki, I will pick you up in your school and I'm on my way so wait me on the gate see you.

Kailangan kong irelax ang sarili ko kahit di ko kaya, ayokong sirain ang mood ni aki.

Sinave ko ang number ni aki at sinabi ko kay maybel na sa gate muna kami kaya dali dali kaming pumunta don.

Habang naghihintay nakikita ko na bawat labas ng mga studyante ay sa akin ang tingin please Aki pumunta kana gusto ko ng malayo sa kahihiyan.

Aki:

I'm here.

Sa di malayuan nilinga linga ko ang paligid at nakita ko na lumabas sya sakay ng kotse nyang color maroon, kinawayan nya ko at ganon din ako lumapit sya sa amin.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon