BOOTHS
Yra's POV
Isang oras lang tulog ko ngayong araw tapos ngayon pako nagkaron ng red tide kung minamalas ka nga naman.
Wait? Malas? Eh ang swerte ko nga. Hindi lang ngayong araw kung hindi yung buong taon ko! Biruin nyo yon? Araw araw akong gigising at sasabihin sa sarili ko na..
"Owemji this is life talaga! Gusto din ako ni eugene gabriel."
Hindi kasi agad ako nakatulog. Buong gabi ko inisip yung pag-amin sakin ni eug na hindi ko naman kasi talaga ineexpect.
Bumaba na agad ako para kumain
"Goodmorniiiiiing! What a wonderful day, ahm ano breakfast ma?" Tumingin sila sakin na parang gulat na gulat. Ano naman ginawa ko ah?
"Apo bakit naman abot tenga yang ngiti mo?" Tapos bumalik na si lolo sa binabasa nyang dyaryo.
"Dahil ba liligawan ka na ni Eugene?" sabat naman ni mama. Teka? ano nanaman bang pinagsasasabi nila?
"Goodmorning Yra." Tumingin ako sa sala namin.
"Anong ginagawa mo dito Eug!?" Gulat kong tanong sakanya. Hindi ko agad sya napansin dahil hinaharangan sya ng dyaryo ni lolo.
"Pinaalam na kita sakanila na susunduin na kita araw araw para sabay tayo pumasok sa school at pumayag na din silang ligawan kita?" what?
"A-ano?" Araw araw ko nalang ba kukurutin ang sarili ko para magising sa katotohanan?
"ah eh kakain muna ko." Grabe feeling ko pulang pula na ko ngayon.
"Kumain ka na ba eugene? Sabay ka na kay samin ni Yra." Sabi sakanya ni mama. Ngiting ngiti naman si mama.
"Sige po tita." umupo sa harap ko si eug at pinaghain kami ni Mama.
"Alam mo bang ikaw palang ang lalaking nagpunta dito sa bahay para lang manligaw kaya sobrang boto na agad ako sayo." Bigla naman akong napainom ng tubig sa mga chinichika ni mama.
"Mama naman!" sige pa mama magchika ka pa para malaman ni Eug gaano ko hinintay ang araw na to.
"Hindi pa yan nagkakaboyfriend, at nakikita kong gusto ka din naman ni Yra. Kaya wag mo syang sasaktan ah." Nangtinginan kami ni eug.
"Opo tita, wala po akong intensyon na saktan ang prinsesa nyo at ang magiging prinsesa ko." Ang corny pero kinikilig ako ha.
Pagkatapos namin kumain nagpaalam na agad kami. Alam na din kaya ni kuya? Hindi ko sya nakitang bumaba.
Yari ako don at tatadtadin ako ng asar non kapag nalaman nya.
Pinasakay agad ako sa harapan ni Eug.
Pagkadating namin sa school pinagbuksan agad ako ni Eug. Lahat tuloy ng babae sa school nagulat dahil ako yung nasa loob ng sasakyan nya.
Nasa likod lang ako ni eug at sya yung nauuna.
"Bakit ba nandyadyan ka?" wala nanamang ekspresyon yung mukha nya.
"Ha? Eh ano kasi." nahihiya lang ako sa mga tumitingin, sabihin eh hindi naman ako kagandahan tapos kasama nya ako.
Nagulat ako kasi bigla nyang hinawakan yung kamay ko.
"Wala ka dapat ikabahala, araw araw na natin to gagawin kaya dapat masanay kana." hinila nya ako, sobrang pulang pula tuloy ako ngayon.
Pagkadating namin sa room.
"Yieeeeee"
"whooooooo"
"Yan yung pinalit nya kay Raven?"Puro yun nalang yung narinig ko pagpasok ko, napabitaw tuloy ako ng kamay sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/110097131-288-k402473.jpg)
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...