Seventeen

55 6 0
                                    

SECOND LOST DAY

Yra's POV


Makaalis na nga lang dito at magliliwaliw nalang ako, ang baho kona. Isang araw na din ako walang ligo kainis.

Kating kati na din ako sa suot kong damit!

Maggagabi nanaman pala, napakabilis naman ng oras. Dumampi sa katawan ko ang malakas na ihip ng hangin at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi ako umaalis sa pwesto ko dahil napapaisip ako sa mga nangyayari ngayon.

Kasama ko ang isang Eugene Gabriel, Natrapped kami sa kagubatan, walang pagkain, walang kahit na ano at sure ako na hinahanap na kami ng pamilya namin.

"Masarap maligo sa ulan kapag may kasama ka."

Ganyan na ganyan yung sinabi sakin ng kababata ko noon. Si Aki.

Hinawakan nya bigla ang kamay ko at tumakbo sya papunta sa mga walang puno, kaya naman ramdam na ramdam ko yung pagbuhos ng ulan.

Napatingin lang ako sa kamay naming dalawa, ang saya ko dahil sobrang unexpected nito. Sana hindi na 'to matapos.

Umupo sya at hinila nya ko para makaupo, tanging pagpatak lang ng ulan ang naririnig ko. Hindi ko alam kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa.

Kung hindi lang siguro umuulan, panigurado akong mabibingi na din ako dahil sa katahimikan naming dalawa.

Tumingala lang ako habang nakapikit.

"Ikaw ba? Nagmahal ka na ba o nagmamahal ka?" Napadilat ako at lumakas ang tibok ng puso ko.

"N-nagmamahal.."

"Sino?"

Ngayong oras na to, nagkatitigan na kami, kahit padilim ng padilim, nakikita kong hindi nya inaalis yung mga mata nya sa mata ko.

"Ikaw."

"Ako!?"

"I mean, ikaw ba? May nagugustuhan ka ba?" di ko pa kaya umamin shet.

"Yes, but I'm afraid that he likes someone else, someone better than me." Si Raven ang tinutukoy nya.

"Bakit kasi hindi mo ipaglaban? Ano bang nagawa mong mali?"

"Ewan ko, bigla na lang nya kong kinalimutan na parang hindi nya na ko kilala, na parang wala kaming pinagsamahan." Hanggang dito ba naman sa puntong 'to, hindi ko pa din makita sakanya yung emosyon na gusto kong makita. Hindi ba't sobrang nabaliw sya kay Raven?

Bakit hindi ko makita na nasasajtan o nalulungkot sya? Dahil ba sa sobrang sakit mas pipiliin mo nalang na huwag nalang ipakita para hindi din madamay yung mga taong nasa paligid mo? Baka ganun nga ang nasa isip nya ngayon.

"Iba iba naman kasi ang naiisip at nakikita ng tao sa iba, hindi naman natin alam yung naiisip nila. Kaya hindi natin agad sila dapat na husgahan, dapat siguro kausapin mo sya para mas malaman mo yung sagot." Tumingin din ako sa malayo dahil ayoko namang makita nya na nasasaktan din ako.

"Huwag kang mag-alala balang araw, makikita nya yung sinayang nya dahil magsisisi din sya. Ipakita mo muna sakanya yung halaga mo na pinakawalan nya." Dagdag ko pa.

Alam nyo naman kung gaano ko kamahal si eugene, hindi ko din naman kaya na makita syang nasasaktan dahil alam kona ang pakiramdam.

Tumayo ako at sumunod naman sya.

"Hangga't alam mong may chance ka sakanya, wag kang susuko na kunin ulit sya, dahil in the first place sayo naman talaga sya. Pero kung para sakanya eh wala ka na talaga, sumuko kana at kalimutan nalang din sya." Nagtititigan lang kami na para kaming mga tanga, pareho kaming nasasaktan. Sya, para kay raven. At ako? Para sakanya.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon