NOCHE BUENA
Yra's POV
It's 24! Nagka-countdown na kami for christmas. Ilang oras nalang christmas na at bukas kinaumagahan reunion naman namin. Kamusta na kaya si eug? Babati lang ako sakanya sa phone.
"Hoy ano pa ginagawa mo dyan? Tulungan mo kaya sila lolo sa pagluluto." Busy silang lahat tapos ako nag-iisip kung ano ginagawa ni eug.
Ang dami naming hinanda, ang daming desserts. Kahit konti lang kaming magsasalo salo, ang dami pa ding maghanda ni mama.
Eto nanaman yung pasko na hindi ko kasama yung papa ko, I was wondering if he's good in heaven. Sana masaya sya ngayon na nakikita nya kaming kumpleto pa din kami.
*beep beep*
Wait, tunog ng kotse yun ni eug. Hindi kaya?
Sumilip ako sa bintana para tingnan kung sino yung nag-iingay sa labas.
Hindi ako nagkakamali, nandito sya with flowers at sandamakmak na regalo. I'm so happy.
"Oh? Akala ko ba sainyo ka magnonoche buena?" Tanong ko agad sakanya.
"Yan talaga ang bungad sakin? You didn't miss me? Here." Inabot nya sakin yung bouquet na red roses.
Nag-init naman agad ang pisngi ko kaya tumalikod ako at pinapasok agad sya.
Tuwang tuwa namab ng family ko na may makakasama kaming iba sa family noche buena namin. Si maybel kasi kasama nya ang family nya mamaya kaya hindi ko muna sya iistorbohin.
"I'm so glad that you're here anak. Sige na yra asikasuhin mo muna si eugene kami na ang bahala dito nila yurey." Agad naman kaming pumanik ni eug. Sa may terrace kami pumwesto at umupo. Pagabi na nang pagabi, ang daming stars at bilog na bilog ang buwan.
"Ilang oras nalang, makakasama kita magpasko." sabi ko sakanya. Nilagay nya ang ulo nya sa balikat ko.
"Thank you for being a part of your family. I will never hurt you yra. I promise." kyaaaa kinikilig ako.
"Sorry ha dahil hindi ko maibigay kung ano naman yung mga gusto mo, palagi mo nalang akong pinapasaya." Sabi ko sakanya.
"I know that you're doing everything to make me happy. I appreciate you, kahit anong gawin mo at nabibigay mo sakin ay ayos na. Ikaw lang naman ang gusto ko hindi yung mga ginagawa mo sakin." Aw, pwede ko na po ba syang halikan sa sobrang kilig ko ngayon.
"Yraaaa bumaba na kayo dito maghahanda na tayo." Ilang minuto nalang pasko na. Hindi ako nakakaramdam ng antok dahil kasama ko si eug.
Pagbaba namin kinukuha na nila ang mga pagkain galing kusina at nilalagay sa lamesa.
Nagugutom na ko, ito kasi ang dinner ko. Nagpatugtog na si kuya ng malakas dahil gising din naman ang mga kapitbahay.
Naghanda na din si mama ng mga pagkain na ibibigay sa mga kapitbahay namin.
Sa pintuan namin may nakasabit na mistle toe na kakakabit lang ni kuya. Sayang lang at wala na si lola dahil taon taon nila dati ginagawa ni lolo ang paghalik sa mga labi nilang dalawa.
"10!
9!
8!
7!
6!
5!
4!
3!
2!
1!"Biglang tumunog ang kampana ng simbahan malapit dito sa amin.
Sinabit namin ang star sa christmas tree at sabay sabay bumati ng
"MERRY CHRISTMAS!" sigaw naming lahat.
"Merry christmas eug." bati ko sakanya at ngumiti naman sya.
Hinila ko sya sa pintuan. Thiz iz it panzit.
"Yes." Sabi ko sakanya.
"What?" Hindi naman nya narinig dahil nga sa kanta na pinatugtog sa speaker ni kuya.
"Tayo na." Hindi pa din nya naririnig yung sinabi ko.
"WHAT!?"
"ANG SABI KO SINASAGOT NA KITA! TAYO NA! GIRLFRIEND MO NAKO!" biglang namatay yung music kaya narinig ng lahat yung sinabi ko.
The heck. Nakakahiya kahit pamilya ko sila.
Nakatingin lang sila samin lahat at nakatingin lang sakin si eugene na gulat na gulat.
"happy ako sa inyong dalawa." Lumapit si mama samin at niyakap kami. "kumain na kayo ha." tumingin ako kay kuya at nakita ko yung tingin nya na 'mag-uusap tayo mamaya' look, ganun din si yurey.
Tumingin ulit ako sa reaksyon ni eugene na abot tenga ang ngiti, nag-blush naman ako dahil nakita kong masaya sya.
Nagulat ako at niyakap nya ako "Thank you. This is the best night ever. Merry christmas babi." That call sign is too cringe but I claim it that I love it. I like the way he call me that I'm really his baby.
Alam kong may pag-uusapan pa kami ni kuya nung tiningnan ko ulit sya. Parang gusto nya kong pagalita haha!
Umupo na kami sa lamesa at nakikita ko yung pamamawis ni eug sa ulo nya.
Tumutugtog pa din yung medley songs ni Jose Mari Chan sa speaker namin.
Nag-abutan na ng mga pagkain ang dami naming handa ngayon. Mamaya nalang ako babati sa mga kaibigan ko at sa mga magulang nila.
"Merry christmas everyone! Sa may new year nalang tayo mag wine ha." Sabi ni lolo. Pumangko sakin si happy at agad na binigyan din sya ng kinakain ko.
"Dito ka na matulog eugene anak, magpaalam ka nalang sainyo kasi gabing gabi na, mahirap pa din kahit may dala kang kotse dyan." Nagulat naman ako sa sinabi ni mama.
"I trust you both." Napabuntong hininga naman si kuya sa gilid ng mata ko. Masaya ako kasi buong gabi ko makakasama yung taong mahal ko. Happy christmas nga naman talaga!
You're the best ma! Hahaha!
Pagkatapos namin kumain, kinuha muna ni eug yung mga gamit nya sa kotse nya dahil may extrang damit daw sya kaya hinintay ko nalang sya sa kwarto ko kasama si yurey.
"Tuwang tuwa ka nanamang babaita ka na makakatabi mo yung pinakamatagal monf naging crush! You're blushing my gosh!" Tukso nya sakin. Bigla namang pumasok si eug.
"Oh akala ko ba kukunin mo yung damit mo?" Tanong ko sakanya, wala kasi syang dalang gamit.
"I can't find it. Can I borrow your shirts? I know that you have my shirt size." Eh puro ba naman over size and binibili kong damit kaya bakit hindi ako magkakaroon hindi ba?
Binigay ko sakanya yung white shirt ko na may printed na 'give me a hug' kumuha nalang kasi agad ako sa cavinet at binigay sakanya hindi ko naman alam na yun pala madadampot ko.
"Yeah you really want me to hug." Tumawa naman si eug at si yurey. Bahala kayo dyan nagkamali nga lang eh! Mamaya sakin to!
Pumunta na sya sa banyo at nagpalit, bigla namang umalis si yurey.
"I trust you both! Huwag nyo sisirain katulad nang nasabi ni tita mommy. I love you couz goodnight!" Iwan daw ba ako dito! Gosh! I don't know what to do.
Bigla ding sinarado ni yurey ang pinto. Lumalakas ang tibok ng puso ko.
Lumabas na si eug sa banyo, suot nya yung shirt ko at fit pa sakanya! Basa ang buhok nya, baka binasa nya talaga.
"It's midnight, can we sleep now?" Humiga sya sa kama ko at naiwan naman akong nakatulala sa kanya.
"Are you really not going to talk to me?" Nagulat ako dahil bigla nya akong hinila at hiniga sa dibdib nya. Nakayakap na sya sakin ngayon.
"You can hug me because I wear this kind of shirt." Shet moy mint yung hininga nya, ay nakakahiya hindi man lang ako nakapag toothbrush.
"Good night babi." Bulong nya sakin.
"Good night sugar dreams and I love you eugene." I know that he smiled. I'm so lucky. Bigla naman akong naging komportable sa bisig nya. Niyakap ko na sya.
Natulog kaming magkayakap ngayong pasko. I am really the happy person in the world.
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...