SECRET ADMIRER
Yra's POV
Pagpasok ko ng school, dumeretso agad ako sa locker room ko para ilagay ang mga gamit at damit ko.
Nakita kong may isang rose at letter na nakalagay sa loob ng locker ko, luminga linga ako sa paligid pero mukhang kanina pa ito nandidito.
Nakakapagtaka at paano nabuksan ang locker ko?
'Because the girl like you is impossible to find, you're impossible to find.' -CM
Cm? Pumunta nalang ako sa P.E class ko at ginawa ang mga pinagawa sa amin.
Hindi pumasok si Maybel kaya uuwi ako ng mag-isa.
Aki:
Sunduin kita pag-uwi mo later.
Hindi nako nagreply at agad na pumuntang canteen ng break time na, kinuha ko ang diary ko at nagumpisang magsulat.
Dear,eug
So iyon nga, nakakabagot na wala si maybel. Pumunta ka kahapon sa computer shop namin at naglaro. Nakakakilig kase nagkakahulihan tayo ng tingin pero syempre ayokong mag assume.
Mahaba pa naman ang oras kaya pumunta muna ko sa gym, nakita ko si Eug kasama ang banda nya.
Nagpapractice sila para sa event na gaganapin sa susunod na buwan dahil ioopen na yung mga clubs na pagpipilian ng mga studyante. Hindi naman ako interesado sa mga club club na yan.
Umupo ako sa gilid para hindi ako masyadong makita ng banda ni Eug na pinapanood ko sila, konti lang naman ang tao dito dahil ang iba ay nasa canteen at naglalunch.
Tumingin sa gawi ko si Eug, pero mukhang hindi naman nya ko nakita dahil sa madilim sa gawi ko at dahil na rin madali nyang iniwas ang mga mata nya. Nagumpisa ng tumugtog ang banda nya at nagumpisa na syang kumanta.
'The best thing about tonight's that we're not fighting
It couldn't be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core'Napakasarap sa tenga ng mga boses nya, Simula nang pumasok ako sa school na to sya na agad ang una kong napansin. Hindi ko ba alam kung bakit napako ako sa taong to.
'But hold your breath because tonight will be the night that I will fall for you Over again Don't make me change my mind'
Cold or heartless man ang kadalasang tawag sakanya, pero mas nagugustuhan sya sa ganong ugali nya.
Kahit hindi ko alam ang kinakanta nya pero damang dama ko naman sa puso ko yung lyrics na nanggagaling sa boses nya.
'Or I won't live to see another day
I swear its true because a girl like you is impossible to find you're impossible to find'Napahinto ako sa pwesto ko at paulit ulit tinutugtog ang mga huling binanggit nya sa lyrics.
'Because a girl like you is impossible to find you're impossible to find'
Isa palang kanta yung letter ni CM, napangiti nalang ako at tumayo na upang umalis.
Nitong mga nakaraang araw palagi ko nalang napapansin na parang may nagmamasid o nakatingin sakin, ewan ko ba pero sa twing nagpapalinga linga naman ako ay wala akong nakikitang ibang tao.
Hindi ko na nga lang binibigyan ng pansin, nang natapos na ang klase namin lumabas nako at agad kong nakita si Aki.
"Hi Akiiiiiiii!" Excited kong kita sakanya, naging close nako sakanya dahil ilang linggo nadin naman kami magkasama.
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Novela JuvenilIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...