OUTING
Yra's POV
Ngayon na ang outing naming pamilya, sobrang excited nako at sure ako na excited na din sila Cm at Maybel.
"Nahanda nyo na ba lahat ng gamit nyo? Hoy kayong mga anak ko? Nakapagdala ba kayo ng mga sobrang damit? Isang linggo din tayo don." Nag opo kami ni kuya.
Pupunta sila ditong lahat sa bahay namin para isang van nalang ang gagamitin namin.
Tatlo lang ang sasama sa barkada ni kuya at tatlo lang din na kaibigan ko ang isasama ko at si tita alli, mama at lolo.
Iilan lang kami, pero sure ako na masaya tong bakasyon na pupuntahan namin dahil first time kong mapupuntang boracay.
Umakyat ako sa taas at kinuha na si happy, kinuha ko na din ang mga gamit ko at isa lang ang dinalang phone ko dahil natatakot na akong mawalan ulit.
Narinig ko na ang mga tao sa baba at agad na din akong bumaba.
Kumpleto na kami kaya pumasok na kami sa loob ng sasakyan, masayang nagkekwentuhan si Maybel at Aki.
Halos dikit na dikit sakin si Cm at Aki dahil ako ang nakapagitna sakanilang dalawa, samantalang dikit naman si Maybel kay Aki dahil gusto daw nyang makilala si Aki ng husto. Sa tingin ko talaga ay gusto nya si Aki ng sobra.
Ang tatlong kasama ni kuya, isang babae at dalawang lalake.
Maikli ang buhok nung babae at makinis, sobrang puti at may mapulang labi.
Samantalang ang dalawa nyang kasama ay may bilugan na mata at isang mapungay na mata talagang masasabi na may mga itsura sila.
"Yra, sya nga pala si Maika" Turo ni kuya sa babae nyang kasama.
"Sya naman si Yuri at eto naman si Neil." nginitian ko sila at ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.
"Eto nga pala yung mga kaibigan ko. Si Calix or pwede nyo syang tawaging Cm, Aki at Maybel." Nakipagkamay naman ang mga kaibigan ko sakanila.
Napansin ko ang mga titig ni Neil kay Maika na parang may iba talaga.
Mukhang gusto din ni kuya si Maika, maganda naman kase talaga sya. Nakikita ko din dati sa facebook at mga tinatagged na pictures kay kuya na sobrang dikit sya kay maika.
I smell something fishy.
Nagpatugtog si kuya ng Errors ni Dawin kaya naman napapasayaw sila lalo na si lolo na nasa harapan at kitang kita namin.
"Wooooo!" Tumitili lang kami dahil kumekendeng pa si lolo kahit buto't balat nalang ang makikita mo sakanya ang harsh ko kay lolo.
Pero sa totoo lang ay masigla si lolo at sobrang kabibiliban mo dahil sa sobrang hyper nya.
Minsan ay nakikita kong nakatitig ang dalawa sakin at nahuhuli ko na nagkakatinginan din sila.
Baka naman sila pa ang magkatuluyan? Sino ba ang bakla sakanila?
Ilang oras din ang tumagal nandidito na kami sa Boracay.
Kitang kita ko ang ganda ng kalikasan at parang nakalutang ako sa kinatatayuan ko dahil sobrang nakakarelax ang hangin dito.
Nagpicture agad sila kuya, sumunod muna kami kila mama para pumunta sa hotel at sari sariling kwarto para mailagay na ang mga gamit na dala namin.
Naisipan ni kuya na paghiwalayin ang babae sa lalake.
Kasama ko si Maybel at Maika, hindi ko alam kung 'Ate' ba ang itatawag ko sakanya dahil mas matanda sya sakin, ngunit ang bata kase ng itsura nya kaya medyo ilang ako sa pagtawag sakanya ng ganun dahil mukha talaga namin syang ka age lang.
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
أدب المراهقينIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...