Four

110 13 0
                                    

ENJOY

Yra's POV

Pagkagising ko hindi na muna ko bumangon, wala namang pasok kaya enjoy ko muna pag higa higa chill chill muna.

kinuha ko ang phone ko, naalala ko nanaman yung timeline ko.

Nagdadalawang isip pa din ako kung dapat bang buksan ko na ang facebook ko o huwag nalang dahil nahihiya ako sa mga pwede kong mabasa sure ako na puro negative's lahat ng mga comment's nila sa akin.

Pero whatever makakalimutan din naman nila yung issue na yon

"Yraaaa!" Sigaw ni mama.

"Maaga pa po maaaa." Sigaw ko pabalik, tsaka teka wala namang pasok ah?

"Bilisan mo na nandito si aki sa baba naghihintay na!"

Naghihintay na? Hays bat ngayon ko lang naalala na may lakad pala kami? Masyado akong tulala sa lahat ng bagay.

Dali dali akong bumangon, naligo at nagbihis na, napaka sama ko naman para paghintayin pa si Aki sa baba.

Pag baba ko nakita ko sila na nasa lamesa at naghahanda. Napatingin sa direksyon ko si Aki at ngumiti

"Goodmorning yra, I saw you in the internet? Sobra ka nang nagvi-" Nilima ko ang kamay ko at tinapal sa mukha nya para pahintuin sya ayoko na munang isipin ang mga bagay nayon dahil gusto kong mag-enjoy at marelax ang utak ko ngayong araw.

"kumain na muna kayo bago umalis at magsalo salo na tayo." Lambing ni mama samin.

"kakain nalang po kami sa labas tita, gusto ko din po kasing makausap si Yra." Tutol ni Aki. Nakumbinsi naman si mama kaya agad na kaming nagpaalam at lumabas.

Pahikab hikab pakong lumalabas dahil sa antok kahit nakaligo na ako.

Ngayon ko lang napansin na simple lang ang porma palagi ni Aki, White plain t-shirt, black pants and black rubber shoes na may tatak na isang malaking check para sa sinisigaw na nike.

Napakaangas at kitang kita pa din ang kanyang kagwapuhan. Nasa frontseat ako as usual pinagbuksan nya ko ng pinto at agad na sumakay.

"Ahmmm.. Saan mo gusto kumain?" Tanong nya.

"kahit saan lang basta makakain tayo di naman ako mapili." Sabay tawa ko sakanya.

Ayos naman na talaga sakin ang sa karenderya lang o sa kung saang lupalot man, ayoko ng makakita pa ng tig iisang libong mahigit, swak na sakin yung tig fofortyfive pesos na kanin at ulam na may free na tubig pa. Hindi katulad sa iba na ginto ang mga pagkain.

Hindi naman ako maarte, hindi naman kami mayaman at may hiya naman ako kahit papaano.

kinuha ko ang phone ko at tinext agad si maybel.

Ako:

Magandang umaga pero mas maganda pako sa umaga, aalis kami ni Aki wala ako dyan sa bahay mga around 5pm pako makakauwi i dont know di ako sure bye.

Inoff ko na ang phone ko at agad na nilagay sa likod ng bulsa ko.

Pinark ni Aki ang kotse at agad na bumaba, bababa na sana ko pero pinagbuksan na nya ko at inalalayan.

Hindi ko maisip na date tong gagawin namin dahil magkaibigan lang naman kami, friendly date? Siguro nga masaya nako sa ganito. Pumasok na kami sa loob ng mall, ang laki dito.

"Gusto mo ba mag arcade?" Excited nyang tanong.

"Omg talaga? Exciting yan tara na! tara na! tara na!" Pero mas excited pa yata ako sakanya halata naman diba.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon