CELLPHONE
Yra's POV
"Goodnight and thankyou po tita, Goodnight Yra bukas nalang ulit. Mauna na po ako salamat po ulit." Paalam ni Aki kila mama.
"Haaa kapagod." Pahikab kong sinabi.
Hindi nako kumain dahil kumain na din naman kami ni Aki kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko.
kukunin ko na sana ang phone ko pero ng kinapa ko sa bulsa ko ay wala na.. wala na.. wala na wtf.
Agad akong bumaba at tinanong sila mama.
"MAMA MAMA MAMA MAMA! YUNG PHONE KO NAKITA NYO BA!??" Gulat na gulat si mama kakasigaw ko.
"Wala sakin bugak bakit sakin mo hinahanap di naman kita nakasama? Naghanap ka na ba ng mabuti? San mo ba kase nilagay?" Mahinahon na sinabi ni mama.
"Sa bulsa k-"
"SA BULSA MO!? EH LOKO KA PALA BAKA NADEKWATAN KA NA NG MAGNANAKAW JUSKO" umo-a si mama.
"Hays saan ko nilagay yon?" Naiiyak nako at napaupo na sa sahig.
"KUYAAAAA! PERAM PHONE MO PAGRIRINGIN KO LANG CELLPHONE KOO." Tumulo na ang luha ko.
"HAHAHAHAHAHAHA TATANGA TANGA KA KASE BUTI NGA SAYO! Isipin mo lahat ng pinuntahan mo at umpisahan mo nang maghanap." Pangaasar sakin ni kuya.
kinuha ko ang phone nya at pinagring ang number ko.
Walang sumasagot, Inonline ko ang messenger ko at chinat si aki.
Ako:
Aki, baka naiwan ko sa kotse mo yung phone ko nawawala kase eh huhu di ko na alam ang gagawin ko.
Agad na nagreply si Aki.
Aki:
Hinahanap ko na ngayon pero wala dito, babalik ako sa mall para hanapin lahat ng pinuntahan natin ako na ang bahala otw nako sa mall.
Ako:
Hala! Huwag na mahihirapan ka pa. Hayaan mo na.
Aki:
Alam kong mahalaga sayo ang phone mo. Ako ng bahala goodnight matulog ka na alam kong pagod ka.
Nag-out agad si Aki, nag-iwan nalang ako ng message sakanya na 'Thankyou' Pumanik nako sa kwarto ko at sana mahanap pa ang phone ko dahil maraming nakalagay don na importante about kay eugene.
Isa pa wala pa namang password ang lahat ng mahahalaga doon napakatanga mo Yra hays.
Pumasok nako sa kwarto ko at sinalubong naman ako ni happy.
kinuha ko ang diary ko at nagsulat.
Dear,eug
Nawala yung phone ko huhu nandoon lahat ng sikreto ko tungkol sayo, paano kapag ang nakakuha at nakadekwat non eh isang studyante na katulad natin? Omg hindi ko na alam ang gagawin ko huhu heeeeelp papi eug.
Sobra akong napagod ngayong araw kaya naman nagpahinga nako.
May isang pamilyar na lalake na nginingitian ako pero hindi ko gaanong maaninaw ang mga mata nya naka formal sya na damit.
Biglang may unicorn na lumabas at umuulan ng maraming candy nawala ang lalake na nakangiti sakin, nagenjoy ako at nagswimming sa chocolate na swimming pool.
Nagising ako dahil sa Alarm clock ko.
kinakapa ko ang phone ko, nakalimutan ko na nawala nga pala ang phone ko kahapon hays.
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...