Eight

98 10 2
                                    

CM

Yra's POV

May pasok ako ngayon kaya agad kaming nagkita sa baba ni Maybel.

"Mabuti naman at nagkita na tayo namiss kita." Ngiti ko sakanya, pero parang ang tamlay nya.

"Ayos ka lang ba?" Tumango sya at nginitian ako, pero parang hindi naman. Nasan na yung makulit na Maybel na kilala ko?

Pumasok na kami sa school at dumeretso sa locker, kinwento ko din sakanya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Pero hindi man lang sya umiimik "May problema ka ba?" Sabi ko sakanya.

"Wala naman." Ngumiti sya sakin at bumalik sa normal ang mga kilos nya.

Pumunta na kaming classroom at ng naglunch break na agad kaming lumabas at pumuntang canteen para kumain.

Biglang may lumapit sa aming lalake na hindi ko naman kakilala, parang pamilyar sakin ang mukha nya. Tama, hindi ako nagkakamali sya yung tinawag kong CM kahapon na napahiya ako.

"Pwede bakong makiupo sa inyo?" Ngumiti sya at nawala ang kanyang mga mata dahil chinito sya, maganda ang pangangatawan at maputi.

"P-pwede naman, pero sino ka ba? Kahapon nakita kita sa computer shop namin." Nakanganga lang si Maybel sa amin, agad na umupo sa tabi ko ang lalakeng pinangalanan kong CM.

"I'm Calix Montez short for CM, you can call me what ever you want" Nagulat ako sa sinabi nya tama nga ako na sya si CM.

"Ibig sabihin ikaw yung nagbigay ng rose at phone? Ikaw y-"

"Yup, ako ang secret admirer mo! Pleased to meet you." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Mas maganda ka sa malapitan tine." Tine? First time lang may tumawag sakin ng Tine, hindi ko na alam ang irereaksyon ko.

"Oh! So you're Tine's best friend right?" Bumalik sa pagkawalang gana si Maybel.

"Teka, paano mo nalaman? Tsaka sabihin mo nga, may masama ka talagang binabalak sa kaibigan ko no? Lumayas layas ka huwag kang feeling close." Umirap si Maybel kay Cm, mukhang hindi sila magkakasundo jeez.

"I'm sorry if I disturb the both of you I just want you to know better Tine." Tumayo sya at tangkang aalis pero hindi ko mapigilan na hawakan ang kamay nya at pabalikin sa pwesto nya.

Naningkit ang mata sakin ni Maybel na parang naoffend dahil mas kinampihan ko pa si Cm, ayokong mapahiya si Cm at ito ang dahilan para mas magkakilala pa kami at malaman kung bakit nya ako nagustuhan.

"Pasensya na, by the way sya nga pala si Maybel kagaya nga ng sinabi mo oo best friend ko sya. Gusto ko lang sana malaman kung paano moko nakilala at paano nangyayari ang mga bagay na 'to?" Hindi ako makatingin ng deretso sakanya kagaya ng ginagawa nya sakin.

"I met you somewhere, let say siguro talagang itinadhana lang talaga tayo. Huwag mo na isipin yon atleast alam mo na kung sino ako. Ilang araw ko na din kasi napapansin na nakucurious kana." Parang kahapon lang isa sya saking sekreto tapos ngayon kilala ko na agad sya.

Nagbell na, hudyat na tapos na ang break time namin umalis na kami ni Maybel at nagpaalam. Buong lunch break namin tahimik si Maybel mukha ngang nagtampo sya.

"Sorry Maybel, gusto ko lang naman na mas makilala sya." Paumanhin ko sa nangyari.

"Yan kase ang hirap sayo, puro ka nalang landi lahat nalang ng lalake na dumadating sayo inientertain mo! Ni hindi mo na nga ako napapansin na nandyan lang sa tabi mo eh!" Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Unrealistic Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon