"So, sino na ang susunod na magpapaikot ng roleta?" nakangising sabi ni Hans bago inilapag ang board game sa sahig at umupo.
Napalunok si Cielo sa narinig. Alam siya ang tinutukoy ni Hans sa sinabi nito. Daahil doon ay dahan-dahan niyang dinampot ang munting bola na nasa gitna ng roleta.
"A-ako na," sabi niya at akmang papaikutin na sana ang roleta nang hawakan ni Aubrey ang braso niya.
"Nababaliw ka na ba? Paano kung mas malala pa sa palaka ang lumabas pagkatapos mong paikutin yan? Gusto mo na ba talagang mamatay tayo dito?!" Pinandilatan siya nito ng mata at talagang tinaasan pa ang boses nito.
"Bingi ka ba?! Kailangan nating matapos ang laro kahit na anong mangyari!" Inalis niya ang kamay ni Aubrey sa braso niya at pinaikot na ang roleta.
Naging tahimik ang atmosphere nila nang mga sandaling iyon. Lahat sila ay sa roleta lang ang tingin at hindi maalis ang kabog ng dibdib ni Cielo habang hinihintay na bumagal iyon nang sa gayon ay bitawan na niya ang bola.
"Ngayon na," sabi ni Carlita at binitawan na nga niya ito.
Nakatitig pa rin silang apat sa roleta hanggang sa huminto na nga ito. Nakaramdam si Cielo ng panginginig habang pinagmamasdan ang numerong nakuha niya.
Kwatro.
Nagsimula na sa paglipad sakay ng walis ang character niya at nang marating na nito ang destinasyon nito ay lumapag na ito at tumayo na lamang ng tuwid. Nagkatinginan sila matapos nun bago sila mapaatras nang lumabas na ang ipo-ipo sa gitna ng roleta.
"Kinakabahan ako!" sigaw ni Aubrey habang inaayos ang magulo niyang buhok.
"Akala mo ba ikaw lang?!" sabi ni Carlita habang nakabalanse pa rin sa kanyang pagatras.
"Let's see kung anong sunod na mangyayari." Tumingala si Cielo at minasdan ang ipo-ipo na hinahawi na ngayon mula sa ere.
Sabay-sabay silang napatingin sa isa't-isa nang isang malaking bola na iba-iba ang kulay ang lumabas. Hindi niya alam kung para saan iyon pero napapikit nalang sila nang biglaan yung sumabog at kumalat na tila ba binabalot ang kabuuan ng bahay.
Wala silang kahit na anong naramdaman matapos ang nangyari. Tila ba walang panganib na nakaabang. Kalmado silang lahat at tanging ang iniisip lang ay ang susunod na kakahantungan nila sa paglalaro.
"Anong nangyari?"
"H-hindi ko alam, Aubrey. Parang wala naman e. Sumabog lang yung parang bola na iyon at kumalat sa buong bahay," sabi ni Cielo.
"H-hindi kaya..." ani Carlita at dali-daling tumakbo palabas ng kwarto.
Hindi na sila nagsalita pa at napasunod nalang silang lahat rito habang dala-dala ni Cielo ang board game.
Napatigil silang lahat sa unang palapag nang makakita ng kakaiba sa pintuan. May puno sa magkabilang gilid nito na sumira sa ibang parte ng bahay. Marami ring mga baging sa kisame na hindi nila alam kung saan nanggaling. Gusto nilang waglitin sa isipan nila itong bagay na nasa harapan nila ngunit parang totoo.
Nasa ibang lugar na yata sila.
"Guys?" Nagkatinginan sila nang magsalita si Hans.
"Hans? Sabihin mo, nasa village niyo pa rin naman tayo diba?" tanong ni Cielo.
"P-parang hindi na."
Pagkatapos sabihin ni Hans ang mga katagang iyon ay sabay-sabay sila na muling napatingin sa pintuan at lumapit doon. Hinawakan nila ang mga katawan ng puno at totoo nga ito. Hindi sila namamalikmata.
Pinaglaruan nila ang ilang mga damo sa sahig at dahon mula sa mga puno. Kakaiba. Ang mga punong ito ay hindi kagaya ng mga puno na nakikita nila sa school nila. Sobrang kakaiba ng mga ito.
"Gusto niyo bang makita ang nasa labas?" tanong ni Carlita at binuksan ang pinto.
Napanganga sila sa nakita nila pagkabukas ni Carlita. Sa totoo lang, sa mga movies lang nila nakikita ang ganitong klase ng lugar pero ngayon nasa harapan na nila ito at nandito silang apat ngayon. Sobrang magical. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak nila ang nangyayari sa kanilang apat ngayon. Parang isang panaginip lang na napadpad sila sa lugar na ito.
Kulay bughaw ang kalangitan. Nagkalat ang maraming malalaking puno. Madamo ang paligid. Palipad-lipad sa himpapawid ang mga ibon na iba-iba ang kulay. Sama-samang kumukuha ng nectar ng mga bulaklak ang mga magagandang paru-paro.
Marami ring mga tutubi at ilan pang mga hayop katulad ng kuneho. Ngunit may isang nilalang sa lugar na ito na talaga namang nagpamangha sa kanila ng husto. Pangarap ni Cielo sa buong buhay niya na makakita ng ganito at hindi siya makapaniwalang nakakita na siya nito ngayon.
Isang unicorn.
"Nananaginip ba ako?" tulalang sabi niya habang pinagmamasdan ito na palakad-lakad sa paligid.
"Anong lugar 'to? Napaka-ganda," manghang-mangha na sabi ni Carlita habang pinagmamasdan naman ang paglipad ng mga paru-paro.
Natigilan sila nang may kulay pulang paru-paro na dumapo sa braso ni Cielo. Pinagmasdan niya lamang ito habang patuloy sa paggalaw ang mga pakpak nito. Hahawakan niya sana ito upang maramdam kung parehas lang ba ito sa normal na paru-paro pero nagulat nalang sila nang bigla itong maging maliliit na nilalang. Hindi nila alam kung anong tawag doon pero sa maniwala kayo't sa hindi, talagang nakakamangha. Mistula itong naging mga alitaptap.
"The ball bring us here. Sa tingin niyo, ito na ba ang mundo ng Cleighsia?" tanong ni Carlita.
"Huh? Ano bang klaseng tanong iyan?" Hinawakan ni Aubrey ang mga sunflower na nasa paligid.
"We're not sure kung ito nga ang mundo ng Cleighsia. Pero ang sigurado, hindi pa rin tayo ligtas sa paglalaro ng game," seryosong sabi ni Hans at diretso lang ang tingin.
"Wala akong nakikitang panganib sa place na ito. I think we're safe as long as we play the game carefully." Muling tumingin si Cielo sa magandang unicorn at para bang nahipnotismo siya na lumapit dito.
"Cielo! Saan ka pupunta?!"
Hindi na niya na nagawa pang lumingon sa iba dahil gusto niya talagang mahawakan ang unicorn na ito na nasa kaniyang harapan ngayon.
"Totoo ka nga talaga. Hindi ako nananaginip."
Dahan-dahan niyang idinampi ang palad niya sa munting balat ng unicorn. Ang akala niya ay magagalit ito ngunit hindi. Mukhang nagustuhan pa nga nito ang ginawa niya dahil hinayaan lamang siya nito habang nakatingin sa mga mata niya.
"Since wala ka namang pangalan, ako na ang magpapangalan sayo. Simula ngayon, ikaw na si Melody." Sa sobrang tuwa ni Cielo ay nilapit niya ang mukha niya at inilapit sa mukha ng unicorn. Nakapikit lang ito habang nakangiti naman siya.
Nang lumapit ang mga kaibigan niya sa kaniya, bigla nalang umalis ang unicorn na pinangalanan niyang si Melody. Nalungkot si Cielo. Pero alam niya namang makikita niya pa rin ito rito. Tama.
Magkikita pa sila ulit ni melody.
