Kabanata 7: Fairybats

430 29 6
                                    


Sinundan lang ng tingin ni Hans ang unicorn na kasama ni Cielo kanina. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya na nakakita na rin siya nito ngayon. Bukod sa maganda nitong buhok at balat, mahiwaga rin pala talaga ito lalo na kapag sa malapitan. Piling niya nga kaya nitong lumipad gaya ng mga napapanuod nila sa mga palabas. Sa pelikula, may mga pakpak sila. Ngunit sa nakita nilang unicorn ngayon, wala itong pakpak.

Nagkatinginan na naman sila dahil sa isang pamilyar na ingay. Siguradong unicorn na naman iyon. Ganon na ganon rin ang narinig nila kanina bago sila makakita ng isa. Naexcite naman sila bigla dahil doon. Napaka-swerte namin dahil suntok sa buwan sa totoo lang na makakita nito. Hindi nila palalampasin na makakita sila ulit nito. Hindi sila magsasawa lalo pa't nandito sila sa isang kakaibang lugar na puno ng mahika at mga kakaibang nilalang.

Ang mundo ng Cleighsia.

"Guys, may unicorn!" sabay turo ni Carlita sa hindi kalayuan na malapit sa mga nagliliparang mga paru-paro sa paligid na maraming magagandang bulaklak.

Lahat sila ay namangha sa unicorn na kanilanng nakita. Hindi hamak na mas maganda at kakaiba ito sa nauna dahil may pakpak na ito ngayon. Kulay puti rin ang balat ngunit mahaba naman ang kanyang bahagharing buhok at ang horn nito.

"Ang ganda!" parang bata na sabi ni Aubrey at tumakbo palapit sa unicorn. Ngunit bago pa man siya makalapit rito ay nakalipad na ito papalayo na siyang ikinadismaya nila.

"Ginulat mo naman kasi. Dapat naglakad ka nalang palapit para hindi siya lumayo," sabi ni Cielo nang malapitan na nila si Aubrey.

No wonder dahil adik na adik ito sa unicorn. Punong-puno ng unicorn stuff ang kwarto nito. Alam nilang tatlo iyon dahil minsan ay nagsleep-over na sila sa kwarto ni Cielo.

"Yes! Unicorn princess," mapang-asar na sabi ni Aubrey bago pumitas ng bulaklak. Inamoy-amoy niya muna ito bago siya napangiti. Pagkatapos ay inalis niya isa-isa ang mga petals nito.

Nagulat naman sila nang hindi ito bumagsak sa lupa at lumutang ito sa ere at maghugis unicorn na tumatakbo-takbo. Nagtagal lamang ito ng ilang segundo at nakakaamaze na maglaho nalang ito na parang bula pagkatapos.

"Woah!" amaze na sabi ni Aubrey habang sinusubukang saluhin ang mga maliit na piraso nito na nagbabagsakan na ngayon.

"Pwede bang magikot-ikot tayo?" pakiusap ni Cielo habang yakap pa rin ang board game.

"Sure. Wala naman sigurong masama, diba? Hangga't wala pa ring nagpapaikot ng roleta, we're all sure na walang mangyayaring masama." Napangiti na lang si Hans sa sinabi ni Carlita. Napansin lang niya na ngayon lang ata ito naging ganito mag-isip.

"Tara pumunta tayo doon!" nakangiting sigaw ni Cielo bago nagmamadaling tumakbo.

"Sandali! Maghintay ka nga!" sigaw ni Aubrey habang sinasabayan si Cielo si sa pagtakbo nito.

Hiningal silang apat nang huminto si Cielo sa tapat ng isang malaki at nagliliwanag na puno. Maraming kulisap sa paligid nito at maraming bunga itong puno na ito. Sa unang tingin, aakalain mong mansanas ito dahil kulay pula ngunit magugulat ka nalang kapag nag-iba na ito ng kulay. Mula sa pagiging pula ay magiging kulay berde ito na mapagkakamalan mo namang ibang prutas.

"Pwede kaya tayong kumain niyan? Nagugutom na ako e." Rinig na rinig nila ang pagkalam ng mga sikmura nila pagkasabing iyon ni Cielo.

Nagkakatinginan na naman sila. Alam nilang dapat hindi sinasakyan itong ganitong klase ng trip nila ngunit mukhang buo na ang pasya ng tatlo sa kanila. Kukuha sila ng bunga ng punong ito at kakainin nila.

"Siguro. Wala namang nagbabawal e." Gustong batukan ni Cielo sa Carlita sa sinabi nito. Hindi pa rin yata nito nare-realize na nasa ibang lugar na sila. At alam naman natin na kapag ganon ang sitwasyon, hindi tayo pwedeng basta-basta nalang gumawa ng desisyon lalo pa't hindi natin alam ang mga posibleng mangyari.

"Pumitas ka na. Ang sakit na talaga ng tiyan ko." Isa pa 'tong si Aubrey. Hindi na nakatulong. Talagang pinu-push pa nila si Cielo na ikuha siya ng bunga.

"Nakakainis," bulong ni Cielo.

Ano bang gagawin niya? Baka mapahamak sila nang wala sa oras sa ginagawa nila.

Magsasalita pa sana siya nang isa-isa silang pumitas ng bunga mula sa puno. Mababa lang kasi ito kaya naman abot na abot nila ang mga bunga mula sa ibaba. Napakurap sila nang maging kulay dilaw naman ito nang mapitas na nila.

Dilaw pa rin ang kulay nito habang kinakain na nila. Totoong natatakam na rin si Cielo dahil sa mga itsura ng mga kasama niya na sarap na sarap sa kinakain ng mga ito. Pero alam niyang dapat hindi siya magpa-apekto. Natitiyak niyang may kakaiba sa bunga na iyan. Malakas ang pakiramdam niya na hindi iyan pinipitas ng basta-basta.

Nakasisiguro siya

Baka mapanganib sila.

"Ikaw Cielo? Wala kang balak kumain? Try it. Masarap. Parang mansanas lang siya." Inalok nila si Cielo pero tumanggi pa rin ito.

Titiisin niya nalang siguro itong gutom niya sa ngayon. Mamaya naman siguro ay makakakain rin sila ng tamang pagkain. Yung pagkain na wala siyang iisipin na kahit na ano. Yung pagkain na ligtas. Ganon kasi ang gusto niya.

Napatingin siya sa kabuuan ng puno. Namamangha talaga siya. Nakakadagdag pa ang mga alitaptap na nagliliparan sa paligid na tila ba inaakit siya na pumitas ng bunga. Pero ayaw niya talaga. Hindi siya magpapadala sa mga ito. Malas lang ng mga ito dahil nag-iisip pa rin siya kahit papaano.

"Guys?"

Napatingin sila kay Cielo nang marinig nila ang tono ng boses nito. Parang pagkamangha na may halong takot.

Tatlong makukulay na fairy ang lumilipad-lipad paikot sa kanila. Patuloy pa rin sila hanggang ngayon na kumakain ng bungang mula sa puno. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang mga fairy na iyon pero hindi maganda ang kutob nila nang makita nila ang mga ito habang pinagmamasdan sila. Pakiramdam nila may mali.

"Ang gaganda nila no?" Hahawakan sana ni Carlita ang isa sa mga ito nang bigla siya nitong atakihin. Mabuti na lang at naiwasan niya dahil kung hindi, maaring nagkasugat na siya.

Mula sa pagiging maganda at kaakit-akit na fairy, nagmistula itong bampira dahil sa mga pangil nito at sa balat nitong tila kinulang sa dugo. Ganon rin ang nangyari sa iba pa nitong mga kasama.

Sinasabi na nga ba.

Tama ang hinala ni Cielo.

Mapapahamak na naman sila!

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon