Kabanata 20: Louneir City

52 2 0
                                    


Hindi maalis ang mga mata ni Hans sa roleta habang umiikot ito. Medyo kinakabahan siya para sa susunod na simbolong lalabas. Ayaw niyang mapahamak na naman ulit silang apat kaya nananalig siya na sana ay walang mangyaring hindi maganda.

"Gawin mo na," sabi ni Aubrey sa kaniya nang sandaling malapit nang huminto ang roleta.

Nang sandaling bitawan niya ang bola ay napalunok siya ng kakarampot na laway sa lalamunan niya. Napaiwas siya bigla ng tingin dahil ayaw niyang makita kung anoman ang mga susunod na mangyayari. Ayaw na niyang makita ang simbolo kung anoman iyon. Basta ang mahalaga, basta ang importante sa kaniya ay maging ligtas ang bawat isa sa kanila.

"Ayan na naman ulit," ang sabi ni Cielo habang pinapanuod ang paglipad ng character niya.

"Dos. Dos ang nakuha mong number Hans," sabi ni Carlita sa kaniya.

Naramdaman niya ang ipo-ipong lumalabas na sa gitna ng roleta. Alam na niya ang kasunod niyon kaya hindi na siya nag-abalang tignan pa. Ngunit ang kaibigan niyang si Aubrey ay pinaikot siya at pinakita sa kaniya ang simbolong nakuha niya.

"A-ano iyan?" ang nasabi niya habang tinitignan ang simbolo.

"Hindi ko alam Hans. Hindi ko maintindihan kung ano iyan," sabi ni Cielo.

"Ikaw Carlita? Anong nakikita mo?" tanong ni Aubrey.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko matukoy kung anong klaseng simbolo iyang nasa harapan natin ngayon."

"Kung ganon, ni isa sa atin ay walang nakakaalam kung ano ang tinutukoy ng simbolo na iyan?" Napatango ang tatlo sa sinabi niya.

"Hindi kaya..."

"Hindi kaya ano, Hans?" tanong ni Cielo.

"Hindi kaya lugar ang tinutukoy niyan?" kunot-noo niyang sabi.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Carlita.

"Ewan. Iyon lang ang pakiramdam ko. Hintayin na lang siguro natin kung anong lilitaw pag naglaho na iyan."

Napatingin silang apat sa lagusang lumitaw sa harapan nila. Isang portal. Mas malaki ito kumpara sa portal na napasukan nila kanina. Napalunok ang halos lahat sa kanila nang makakita na naman ulit ng isa nito. Sa totoo lang kasi ay ayaw na sana nilang dumaan ulit sa ganito.

Natatakot sila.

"Mukhang nasa likod ng portal na iyan ang kasagutan sa mga katanungan natin," ang sabi ni Cielo sa kanila.

"Mukhang ganon na nga. Ano? Tara na?" ang sabi niya bago mauna sa paglalakad.

"Ipangako niyo sakin, kahit anong mangyari, tatapusin natin ang laro. Maliwanag ba?" tanong niya sa mga kasama niya.

"Maliwanag," ang sabi ng mga ito sa kaniya.

Ngumiti muna siya bago nagsilapitan ang mga kasama niya sa kaniya. Naghawak-hawak sila ng kamay bago dahan-dahang pumasok sa loob ng portal. Napapikit sila ng mga sandaling iyon.

Nang imulat nila ang mga mata nila, namataan nila ang mga sarili nila na nasa isang paamilihan. Iba't-ibang klase ng tao ang nakita nila rito na halos katulad ang kasuotan nila. Nagkatinginan sila matapos mapansin ang bagay na iyon.

Napatingin pa sila sa paligid at nakakita naman sila ng ilang mga bilihan ng mga potions at wands. May bilihan rin ng mga libro na pang mahika at walis para sa mga salamangkero't salamangkera. Gusto sana nilang mamili ngunit nakalimutan nilang wala nga pala silang dalang ginto. Iyon kasi ang ginagamit ng mga tao rito para makabili rito.

"Nasaan tayo?" tanong niya habang minamasdan pa rin ang buong paligid.

"Kamusta? Maligayang pagdating sa Louneir City."

Napatingin silang apat dahil sa lalaking nagsalita sa likod.

Napaatras si Cielo nang makilala kung sino ang taong iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Ito iyong lalaking muntikan na niyang makabangga habang pauwi siya. At ito rin iyong lalaking nakita niya habang nasa taxi siya.

Siguradong-sigurado siya sa bagay na iyon. Sa suot pa lang nito at sa parisukat na bagay na hawak nito, walang duda. Ito nga iyong lalaking iyon.

"Ako nga pala si Jiro," sabi nito bago ngitian silang apat.

"Masaya ako't nakita ko kayo rito. Lalong-lalo ka na, Cielo."

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon