Sunod-sunod na paglunok lang ng laway ang nagawa ni Cielo nang sandaling makapasok na sila sa palasyo. Labis ang kaba niya dahil sa mga kawal na nakabantay sa kanila. Baka raw kasi tumakas sila at may magawa pa silang kalapastanganan sa mahal na reyna. Iyon ang sabi ng isang lalaking nakakita sa kanila kanina sa labas ng palasyo.
Akala nga nila noong una'y kakausapin lang sila ngunit nagkamali sila. Dinakip nila sila at dinala sa palasyo upang maparusahan. Napagkamalan kasi silang mga espiya ng kabilang kahariaan. Hindi na matandaan ni Cielo kung anong kahariaan 'yon dahil sa totoo lang, naiinis talaga siya sa biglaang pagdakip sa kanila ngayon.
Para sa kaniya ay walang karapatan amg mga taong ito para hulihin sila. Wala silang ginagawang mali. Gusto lang naman nila makita ang ice castle ng malapitan. Iyon lang. Pagkatapos niyon, aalis na sila. Kaso iba ang nangyari. Oo nakita nga nila ang ice castle pero kapalit naman niyon ay ang mga kaligtasan nila. Pakiramdam niya, papatayin sila oras na maharap na sila sa sinasabing reyna.
"Magbigay pugay sa mahal na reyna!"
Napatingin si Aubrey sa kaliwa niya nang makita ang isang magandang babae. Nakasuot ito ng isang magarbong damit na purong puti. Napansin niya ring puro puti ang lahat ng suot nito. Mula sa damit, sapatos, maging sa mga palamuti sa buhok nito at ilang mga nakadikit sa mukha nito. Walang duda, ito na nga ang reyna.
"Ang ganda niya," bulong ni Hans.
Sinundan lang niya ito ng tingin habang nakatingin sa kanila. Umikot siya at nakita niyang nakaluhod ang mga kawal maging ang ibang mga tauhan dito sa loob ng palasyo. Tumingin siya kina Carlita at sumenyas na gayahin nila ang iba pero tumanggi ang mga ito sa suhestiyon niya.
"Wag kayong kabahan. Walang mangyayaring masama." Ngumiti siya at nagbigay ng isang magandang ngiti.
Nang ituon niyang muli ang atensyon sa mahal na reyna ay napanganga siya. Suot na kasi nito ang isang napaka-gandang korona. Purong puro rin ito at mistula itong yelo kung titignan mo maigi. Kaparehas lang ng palasyong kinaroroonan nila ngayon.
"Ako si Reyna Beattrice." Lumakad ito palapit kanila at pinagmasdan sila isa-isa.
"Papaano kayo nakarating rito? At sino kayo?" Binigyan sila nito ng isang makabuluhang ngiti habang diretso lang na nakatingin sa kanila.
"A-ako po si Cielo."
"Ako po si Carlita."
"Ako si Hans."
"At ako naman po si Aubrey."
Wala silang nakitang reaksyon mula sa reyna nang magpakilala na sila. Hindi pa kasi nila nasasagot ang isa pang nitong katanungan. Nagkatinginan tuloy sila at tila ba nagbotohan kung sino ang sunod na magsasalita.
"Nakarating kami dito sa lugar niyo nang dahil sa board game na 'to." Napatingin ang reyna sa hawak ni Aubrey. Lumaki ang mga mata ng reyna matapos makita ang board game. Pagkatapos niyon ay napakunot ang mga noo nila nang marinig nila itong tumawa.
"Anong problema? Bakit siya tumatawa? Mukha ba akong nagjo-joke?" Nagkibit balikat lang si Cielo sa tanong ni Aubrey. Sapagkat maging sila'y napaisip rin dahil sa reaksyon nito.
Nagbulungan ang mga tao sa loob ng palasyo kasama na ang mga kawal at alalay ng reyna. Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito habang pinagmamasdan ang pinaka-mamahal na reyna.
Nagulat ang lahat nang maging seryoso na ulit ang mukha ng reyna. Hindi na ito tumatawa at diretso ang mga mata nito na nakatingin sa apat na magkakaibigan. Napalunok naman ang mga ito nang wala sa oras. Pakiramdam nila'y gusto na silang papugutan ng ulo sa mga sandaling ito dahil sa nakakamatay nitong mga titig.
