Kabanata 16: Flaming Tornado

180 16 4
                                    


Nagpanic ang lahat nang magpakilala ang masamang witch na iyon na nagngangalang Merissa. Nagtakbuhan ang halos lahat sa ice castle habang ang ilan ay nanatili lamang sa mga pwesto nila at nagsisisigaw. Tawa lang ng tawa ang ginawa ng Merissa na iyon habang pinagmamasdan nito ang lahat.

Wala silang ibang magawa kungdi ang panuorin lamang ang pagtawa nito. Sa isip siguro nito'y panalo na ito dahil may kapangyarihan ito samantalang sila ay wala. Pwes, diyan ito nagkakamali.

Naalala bigla ni Hans ang nangyari kanina sa Viferia. Nakagawa siya ng apoy sa hindi inaasahang pagkakataon. Nagfocus lamang siya at inisip ang gusto niyang mangyari at nangyari nga ito.

Kailangan niya ulit gawin ito ngayon.

Pumikit siya ng mariin habang nakakuyom ang kaniyang dalawang mga kamay. Unti-unti niyang inisip ang gusto niyang mangyari sa sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon. Mistula siyang napadpad sa ibang lugar sa ginawa niyang iyon. Wala na siyang ibang marinig pa maliban sa tunog ng mga nagbabagsakang kahoy habang tinutupok ito ng malaking apoy. Hindi niya pa sigurado kung naisakatuparan na niya ang gusto niyang mangyari pero ganito rin ang mga naaalala niyang narinig niya kanina. Hindi siya maaaring magkamali.

Nagtagumpay na siya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay narinig niya ang iba't-ibang komento ng mga kasama niya. Namamangha sila, nagtataka, napapaisip kung bakit may apoy na pumoprotekta sa kanila ngayon. Napangiti nalang siya nang maisip na dahil ito sa ginawa niya Posible pa rin palang mangyari ang imposible. Kailangan lang talaga ng focus at paniniwala sa tinatawag nilang "magic".

Napatingin sa kaniya ang tatlo niyang kaibigan at tanging pagngiti lamang ang ginawa niya sa mga ito. Sinabihan niya ang mga ito na patakasin na ang iba sa ice castle habang maaga pa pati ang reyna. Dahil unti-unti na itong gumugunaw. Sumang-ayon naman ang tatlo sa sinabi niya kaya nagsabay-sabay na sila sa pagbaba ng palasyo.

"Bilisan niyo! Dali!" sigaw niya habang sinesenyasan ang iba na lumabas. Napatingin siya sa paligid dahil isa-isa nang nagbabagsakan ang mga yelo sa kisame.

"Wala nang oras! Bilisan na natin!" sigaw ng reyna at pinilit na tumakbo bago pa mahuli ang lahat.

Nagtagumpay sila sa kanilang paglabas. Lahat sila ay ligtas na nakalabas sa palasyo na ngayon ay wasak na wasak na dahil nangyari. Kita ni Hans ang lungkot sa mga mata ng taong nagsilbi doon kabilang na ang mahal na reyna Beattrice.

"Ang palasyo, tuluyan na iyong nasira," malungkot na sabi ng reyna habang patuloy sa pagpunas ng mga tumulo nitong luha. Napangiti ito pagkatapos marahil dahil natakasan na nila ang masamang witch na iyon.

Napapaisip sila kung natakasan na nga ba nila iyon o kung hindi. Kasi kung oo, dapat ay pinipigilan na sila nito. Ngunit hindi ganon ang napapansin nila sapagkat wala pa naman silang nakakaharap na problema sa ngayon. Sana nga'y ayos na ang lahat. Sana nawala ang witch na iyon kasama ang kastilyong gawa sa yelo.

Ngunit isang pagkakamali pala ang lahat.

Bago pa man sila makalayo sa gumuhong kastilyo ay sinalubong na agad sila ng kalaban. Nakangiti ito ng nakakaloko habang pinaglalaruan sa kaliwang kamay nito ang wand habang nagliliwanag ang dulo nito. Nang tumigil ito sa ginagawa ay pinagmasdan lamang sila nito at tila ba minamaliit sa mga titig nito Ngumisi ito pagkatapos niyon tsaka sinaktan ang isa sa kanila.

Nagsimila na mataranta ang laat.

Isa-isang nagtakbuhan ang mga kasama nila papunta sa iba't-ibang direksyon. Sinubukan nilang pigilan ang mga ito subalit nabigo sila. Ang masama pa ay nagamitan ito ni Merissa ng itim na mahika na nagdala sa mga ito sa kamatayan.

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon