Kabanata 9: Portals

279 22 5
                                    


"Ayos ka lang?"

Mas lalo pa nilang nilapit ang mga mukha nila kay Aubrey nang mapansin nilang nagkakamalay na ito. Nang imulat ni Aubrey ang mga mata niya ay nilibot niya muna ng tingin ang buong paligid bago niya tignan ang mga kaibigan niya isa-isa.

Bakas ang pagtataka sa mga mata niya sa bawat tingin niya. Sa palagay niya'y hindi niya maalala ang mga huling nangyari sa kaniya kanina. Wala siyang maalala sa mga nangyari kanina.

Napaatras ang tatlo nang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Hinawi niya saglit ang kanyang buhok bago siya muling tumingin sa paligid.

"Anong nangyari?" ang nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa kasama niya

"Nawalan ka ng malay kanina. Wala ka bang maalala?" Lumingon siya saglit kila Hans at nakita niya ang seryoso nitong mga mukha na kahit ganon ay may pag-aalala.

"W-wala. Ang huli kong naaalala ay may narinig tayong boses na galing sa kung saan. Pagkatapos nun, wala na. Ano ba talagang nangyari?" Si Cielo naman ang tinapunan niya ng tingin.

"Hindi ko sigurado pero sa mga nangyari, I think na-shocked ka sa nakita natin. At sa nangyari," sagot ni Cielo sa kaniya.

"Anong nakita natin?" tanong niya na hindi na inaalis ang tingin sa mga kasama niya.

"Nagsasalitang puno."

Ilang minutong katahimikan. Walang nagsasalita ni isa sa kanila. Tanging mga tinginan lamang ang nangyari at ang mga ihip lang ng hangin ang naririnig nilam Nakatitig lang sila kay Aubrey at tila ba hindi pa rin nito napa-process sa utak nito ang mga sinabi nila.

"Nagsasalitang puno?" pag-uulit ni Aubrey sa sinabi ni Carlita bago siya bumuntong hininga.

Tumango si Carlita. Sandaling huminga ng malalim bago ituro sa likuran ni Aubrey ang isang malaking puno. Pinagmasdan lamang ito ni Aubrey sa pag-aakalang ordinaryong puno lang ito. Ngunit nang magsalita ito ay napaatras ito at napakapit pa kay Hans.

"Hindi niya tayo sasaktan. Mabait siya," sabi pa ni Carlita.

Humarap si Aubrey kila Cielo at nginitian siya ng mga ito.

"Sigurado kayo?" Tumango lang sila sa katanungan ng kasama.

"Bakit hindi niyo siya bigyan ng prutas na mula sa akin? Tiyak kong magugustuhan niya ito."

Agad na kumilos si Hans at pumitas ng apat na bunga. Binigay niya ito isa-isa sa kanila at agad na kinain. Hindi maipaliwanag ni Aubrey ang lasa nito dahil sa sobrang sarap habang ninanamnam niya ito sa kaniyang bibig. Napangiti nalang siya hanggang sa hindi na niya napapansin na tumatawa na pala siya. Kahit sila'y naging ganon rin matapos kumain ng bunga. Tila yata may hiwagang bumabalot sa bungang iyon. Napapasaya nito ang lahat ng taong kakain nito.

"Hahaha!" ang tawa ni Cielo habang nakatingin sa tatlo.

"Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko?" tanong ni Aubrey na sinabayan niya ng pagtawa.

Nagtawanan lamang sila ng nagtawanang apat. Nakikisabay na rin ang ilan pang mga puno sa kanila maging ang mga ibon na dumapo muna saglit sa sanga ng puno at pinagmasdan sila.

Napahinto lang silang apat sa pagtawa nang makarinig sila ng pagkanta. Sa sobrang gaganda at liliit ng boses ng mga ito ay mapapapikit ka nalang dahil sa kakaibang harmonika ng kanilang musika. Nagpapaulit-ulit ito sa kanilang tenga na hindi na maalis habang pinakikinggan nila ito.

"Saan iyon nanggagaling?" tanong ni Hans at lumakad papunta sa malalaking damo.

Sumunod kami sila agad sa kanya at napuntahan nila ang isang bukal. Malinaw ang tubig nito na talaga namang ikinabilib nila. Kitang-kita nila mula pa lamang sa itaas ang ilalim na puro lamang makukulay na bato. Kulay asul ang tubig na humalo dahil sa repleksyon nito sa ulap na mula sa itaas.

Nakakamangha.

Parang ang sarap magtampisaw.

Napalingon silang apat sa kaliwa nang marinig nilang muli ang mga boses na iyon. This time, mas rinig na rinig na nila ito at nakikita na rin nila kung saan ang mga ito.

La la la la la la la ~
La la la la la la la ~

Siguro nga nakakatawa dahil puro lalala lang ang kinakanta ng mga ito pero hindi pa rin nila maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng mga boses na naririnig nila. Matatas ito at talaga namang nakakadala. Kagaya ngayon. Hindi nila namamalayan na napapaindayog na pala sila sa pagkanta.

"Mga bulaklak lang sila pero ang gaganda ng angkin nilang boses. Ang saya sigurong kumanta kasama sila." Ngumiti si Cielo at pinanuod lamang ang pagkanta ng mga bulaklak.

Nakaharap ang mga ito sa kanila ngunit hindi sila nito napapansin dahil sa mga nakapikit ang mga ito. Tila fini-feel ng mga ito ng husto ang kanilang performance na tila ba nasa isang concert at nasa harap ng maraming tao.

Ang nagsisilbi nilang mikropono habang kumakanta ay ang kanilang mga dahon na sa tingin ni Cielo'y kanila ring mga kamay. Nakakatuwa lang dahil ngayon lang sila nakakita ng ganito. Bigla tuloy silang napahiling na sana may ganito rin sila sa loob ng bahay nila para sa tuwing gusto nila magrelax ay kakantahan lamang sila nito upang gumaan na ang kanilang pakiramdam.

Nang matapos kumanta ang mga bulaklak ay tsaka lamang ito nagmulat ng mga mata. Bigla namang napalitan ng takot ang mukha ng mga bulaklak nang makita sila ng mga ito. Napatago ito sa isa't-isa na para bang may balak gawing hindi maganda sa kanila ang apat na magkakaibigan.

"Bakit ganyan sila? Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?" bulong ni Hans kay Carlita na sinagot lamang ng isang pagkibit balikat.

"'Wag kayong matakot. Hindi namin kayo sasaktan," sabi ni Cielo at lumuhod upang mas makita ng malapitan ang mga bulaklak.

Nagkatinginan ang mga ito sa sinabi ni Cielo at saglit na napaisip. Maya-maya'y hindi na ito mga takot lalo pa nang hawakan sila ni Cielo sa kanilang mga magaganda at makukulay na petals. Nakapikit lamang ang mga ito habang dinadama ang bawat paghaplos ni Cielo.

Nakangiting tumingin sa kanila si Cielo at sila naman ang pinahawak niya sa mga ito. Lumuhod rin sila kagaya ni Cielo at dinama ang bawat petals ng mga bulaklak. Malambot ito at manipis kaya maingat sila sa bawat paghawak. Mahirap na. Baka mapunit ang kanilang pinaka-mamahal na petals.

"Napaka-ganda." Malapad ang ngiti ni Aubrey habang pinagmamasdan ang mga ito.

"Ang gagaling niyo naman kumanta. At ang gaganda pa ng boses niyo." Pampupuri ni Carlita sa mga bulaklak habang nakangiti.

"Maraming salamat!" sabay-sabay na sabi ng mga bulaklak sa matinis na tono. Nagkatinginan naman silang apat at sabay-sabay ring napatawa.

Ang cute talaga ng mga bulaklak na ito.

"Teka, ano yon?"

Biglang tumayo si Hans at may pinuntahan sa di kalayuan.
Tumayo na rin ang iba at sumunod sa kaniya dahil hindi pwedeng magkahiwalay sila. Kailangang magkakasama sila anoman ang mangyari. Hindi nila matatapos ang laro kapag may isa sa kanila ang kulang o nawala.

"Namamalikmata ba ako?" tanong ni Cielo nang makita ang mga nakapaligid sa kanila. Iba-iba ang kulay ng mga ito at tiyak niyang magkakaiba rin ang mga nasa loob nito.

"Ang daming portals," bulong na sabi ni Hans habang nakatingin sa mga ito.

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon