Kabanata 19: Cruel Forest

224 12 0
                                    


Kabado at tahimik lang silang apat nang pasukin na nila ang mapanganib na kagubatan. Wala ni isang nagtatangkang magsalita marahil dahil sa pangamba naila na may umatake sa kanila gaya na lang ng nangyari sa tupa na nagtangkang pumasok kanina.

Upang hindi marinig ang pagpasok nila'y iminungkahi ni Cielo sa kanila na gumamit na lang sila ng salamangka. Lulutang sila sa ere at sa pamamagitan niyon ay hindi sila makakalikha ng kahit na anong ingay habang tinatahak nila ang daan sa kagubatan.

Diretso at seryoso ang atensyon ng mga kasama ni Cielo habang siya nama'y pana'y ang lingon sa paligid. Hindi niya kasi masyadong makita ang nasa paligid nila dahil sa kadiliman ng kagubatan. At sa kagustuhan niyang makita ang pumapaligid sa kanila ay pinailaw niya ang hawak niyang wand kaya nagulat at napatingin sa kaniya sina Aubrey na may halong pag-aalala.

"Anong ginagawa mo? Baka mapahamak tayo," bulong sa kaniya ni Aubrey. Pinanlakihan siya nito ng mata habang sinesenyasan na itigil noua ang ginagawa niya.

"Tumingin kayo sa paligid."

Sa sinabing iyon ni Cielo ay nabaling ang atensyon ni Aubrey sa iba. Napatingin rin ito sa paligid at halos panawan ito ng lakas nang mapansin ang kakaibang mga punong pumapaligid sa kanila. Sa unang tingin ay wala kang mapapansing kakaiba sa mga ito ngunit habang tinititigan nila ito'y unti-unti nilang nakikita ang panganib na maaring idulot sa kanila ng mga punong ito oras na magambala nila ang mahimbing na pagtulog ng mga ito.

Sa tingin ni Cielo ay may sariling buhay ang lahat ng mga nandito sa kagubatang ito. Mapahalaman o puno man yan, at kung anu-ano pa. At kung tama ang naiisip niya, lubhang mapanganib ang kagubatang ito para sa kanila. Isang maling galaw lang at makagawa ka ng ingay ay maari ka nitong dalhin sa pinaka-malagim na kamatayan.

Kagaya nalang nitong minamasdan niyang uwak na nakasunod pa rin sa kanilang apat sa paglipad magmula kanina nang makapasok sila rito. Medyo malayo ang distansya nila sa uwak na iyon ngunit batid nilang sila ang sinusundan nito.

Nakapagtatakang hindi ito nag-iingay taliwas sa uwak na nakasanayan nila sa totoong mundo. Patuloy lang ito sa paglipad ngunit nang sandaling makasagi ito ng sanga ng puno'y nanlaki ang mga mata nila nang kainin ito ng mabilis at buong-buo ng isang bulaklak na sumulpot nalang mula sa ibaba.

At dahil doon, napatingin sila sa ibaba nila. Maraming damo at mga bulaklak. Nakasarado ang mga ito at mistulang hindi pa namumukadkad ngunit natitiyak nilang nagpapanggap lamang ito na ganon upang makapangbiktima. Makikita mo na lang ang tunay nitong itsura oras na magingay ka. Dahil ito mismo ang tatapos sa'yo.

May matatalas itong mga ngipin at naglalaway na bibig. Lalamunin ka nito ng buo at ididiretso ka agad sa sikmura nito upang hindi ka na mabuhay pa. Ikukulong ka sa loob at doon ay unti-unti kang papatayin. Muling napalingon sa likod si Cielo at napakunot ang noo niya nang makitang ang bulaklak na kumain sa uwak na iyon kanina'y namukadkad at naging kulay dilaw.

Maganda ngunit mapanganib.

"Iwasan niyong makalikha ng kahit na anong ingay. Maliwanag ba?" Tumango lang ang tatlo sa sinabi niya.

"Mapapahamak tayo nang dahil diyan sa wand na yan, Cielo. Tanggalin mo na nga ang ilaw niyan. Masyadong maliwanag. Baka may makapansin agad sa atin," ani Hans sa kaniya na hindi niya pinansin. Hinayaan niya lang ang wand niya na may ilaw dahil baka may kung ano silang makasalubong sa harapan na hindi nila agad makikita.

"Sabing patayin mo yan, e. Delikado." Inagaw ni Carlita ang wand niya ngunit di niya ito binigay rito. Kaya ang nangyari'y nagkaagawan sila hanggang sa aksidenteng tumilapon ang bracelet na suot niya sa ibaba dahil sa paghila ni Carlita rito.

Masama ito.

Nagkatinginan silang apat bago nila narinig ang mga ingay ng puno sa paligid at ng mga bulaklak sa ibaba na talaga namang nakakatakot. Para silang mga gutom na aso na kahit na sinong makita ay kakainin nalang ng mga ito ng basta-basta. Kaya naman minadali na agad ni Cielo na patayin ang ilaw na nilikha niya bago pa sila tuluyang makita ng mga nakakakilabot na nilalang na iyon at gawing pagkain.

"Shhh," rinig niya sa kaliwa niya Sigurado siyang si Hans iyon.

Diretso pa rin sila sa paglipad. Walang tumitingin sa kaliwa't kanan dahil anomang oras ay may makakapansin sa kanila o baka may matamaan sila. Kabado ang lahat. Iyon ang sigurado. Rinig ni Cielo ang mga paghinga nila dahil sa kaba sa maaring mangyari sa kanila sa isang maling galaw lang.

Hanggang sa mangyari ang hindi nila inaasahan.

Biglang napabahing si Hans nang hindi niya sinasadya. Gulat na napatingin ang tatlo sa kaniya at pagkatapos niyon ay mabilis na binalot niya ng isang malaking apoy ang bawat isa sa kanila pagkatapos ay pinasabog niya ito sa paligid bago sila magpatuloy sa paglipad.

Napalingon si Cielo sa likod nang mapansin na sinusubukan na silang kainin ng mga bulaklak ngunit hinaharangan ito ni Carlita ng tubig.

Si Aubrey ang sumunod na kumilos at pinagpira-piraso niya ang mga bulaklak gamit ang hangin gayon rin ang mga sanga ng puno na nagtatangkang humuli sa kanila. Ang tanging nagawa lang ni Hans ay ang gumawa ng proteksyon para sa kanilang apat sa tulong ng kapangyarihan ng apoy na meron ito. Ngunit laking gulat nila nang sandaling banggain ng isang malaking bulaklak ang proteksyon nila at masira ito.

Nabahala silang apat dahil tila mahihirapan silang talunin ang isang ito. Nahinto ang paglipad nila kaya ngayon ay pinagiisipan nila kung ano ang susunod na gagawin. Ang naisip ni Carlita ay lunurin ito sa tubig ngunit nagkamali ito. Dahil imbis na mapatay nito ang higanteng bulaklak na iyon ay natulungan niya pa itong mas lumaki pa. Kaya ang sitwasyon ngayon ay mas lalong lumala pa.

"Tama na, hindi ka nakakatulong!" sigaw ni Aubrey.

"Alam mo namang kakampi ng halaman ang tubig pero anong ginawa mo? Mas pinalaki mo lang siya! Mas mahihirapan tayong talunin siya kung ganyan siya kalaki! Naiintindihan mo ba yun?!" Napayuko nalang si Carlita dahil sa hiya. Tama si Aubrey. Kasalanan niya kapag napahamak silang apat sa halamang ito.

"Tama na ang sisihan! Kailangan nating magtulungan para makaalis na tayo sa lugar na 'to!" sigaw ni Hans habang nakatingala sa bulaklak na nakabukas ang bibig at tumutulo pa ang mga laway nito.

Nakakadiri.

"Kapag bumilang ako ng tatlo, gumawa ka ng proteksyon nating apat. Isa..." Tumango lang si Cielo kay Hans at inumpisahang gawin ang sinabi nito.

"Dalawa..."

Napapikit si Hans nang makitang magsitubo ang ilan pang malalaking bulaklak. Pumalibot ito sa kanila na talaga namang ikinasimula na naman ng kabang nararamdaman nila. Ilang saglit pa'y dumilat na si Hans at namangha siya nang makitang nagliliwanag ang mga kamay nina Cielo na tila ba naghihintay para sa gagawin niya. Maya-maya'y tumango ang tatlo bago niya ginawa ang napagplanuhan nila kanina habang nakapikit siya.

"Tatlo!"

Kitang-kita ng dalawang mga mata niya ang mga nangyari. Pinalibutan ng hangin ang malaking apoy at binalutan ng mga bato. Pinasabog nila ito sa ere at nang mga sandaling iyon ay nagsimula na matalo ang mga kalaban nilang halaman. Nalusaw ang mga ito maliban sa kanila. Salamat sa proteksyon na ginawa ni Cielo dahil wala sa kanilang nasaktan.

"H-hindi ko na... kaya," ang nasabi ni Cielo bago alisin ang proteksyon.

Ilang mga nag-aapoy na bato pa ang ilang bumagsak sa kanila na agad namang pinatalsik ni Aubrey sa malayo. Matapos iyon ay nagliwanag ang buong paligid at namataan nalang nila ang mga sarili nila na nasa lugar kung saan sila nakatayo kanina.

Anong ibig sabihin nito?

Biglang lumitaw ang roleta at ang bola sa harapan nila kaya nagkatinginan sila. Isa lang ang ibig sabihin nito sa tuwing nangyayari ito. Kinakabahan pa rin si Hans kahit na ilang beses na niyang ginawa ito.

"Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na at paikutin mo na Hans," sabi ni Cielo.

Ngumiti si Hans bago pinulot ang bola tsaka pinaikot ang roleta.

Ano kaya ang susunod na simbolo?

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon